Third Person's POVHindi natuloy ang balak ni Irene na umiwas at layuan si Hani dahil kusa na itong hindi lumalapit. Tila naging instant loner ang dalaga, hindi sa umiiwas siya sa mga kaibigan. Wala lang talaga siya sa mood kausapin ang sinuman.
Hanggang ngayon ay iniisip parin niya ang nareceive niyang text.
Habang nagkukulitan ang kanyang mga kaklase sa loob ng kanilang tinutuluyan ay binuklat naman niya ang notebook na inabot sa kanya ng kanyang mommy.
Nagsulat, nagdoodle at nagdrawing lang siya ng kung anu-ano. Buti na lang at tinanggap niya ang inalok ng kanyang mommy dahil sobrang bored na siya.
Nakita naman niya si Jonalyn na nakatingin sa kanya.
Alam na niya kung saan papatungo ito.
Habang busy naman sa pag-uusap sina Irene ay hindi maiwasang sundan ng tingin ni Eunice ang kanyang kaibigan na kaninang umaga pa tahimik.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ng kanilang kwarto si Eunice upang bumili ng makakain nila. Midnight snack.
Lumabas sa kanilang kwarto si Eunice at iniwan si Irene na kausap pa ang ibang mga kaklase. Magkakasama kasi ang lahat ng mga babaeng estudyante mula sa Grade 2-3, grade at section na kinabibilangan ng magkakaibigan.
Nang makabili na ng pagkain si Eunice ay naisipan niyang dumaan sa kabilang kalye dahil malapit dito ang dagat at malamig ang simoy ng hangin na nagmumula dito.
Sa di kalayuang lugar mula sa kinatatayuan ni Eunice ay naaninag niya si Hani na may kasamang mas matangkad na lalake sa kanya.
Mukhang nag-aaway ang dalawa dahil nakita niya kung paano tabigin ni Hani ang kamay ng lalake na hahawak sana sa kanya.
Narinig pa niya ang ilang sigaw ni Hani at tumakbo palayo sa lalake habang sumunod naman ang lalake dito.
Nakaramdam naman ng takot si Eunice sa kanyang nakita kaya napatakbo na lang siya pabalik sa kanilang kwarto.
Umiling-iling na lang ito upang kalimutan ang kanyang nakita. Wala na rin siyang balak ipagsabi ang kanyang nasaksihan.KINAUMAGAHAN
Magkakasabay ang tatlo na sumakay sa cable car.
Nang makita ni Eunice si Hani ay naalala niya ulit ang pangyayaring di niya naiwasang masaksihan kagabi.
Pagkababa ng cable car ay biglang humangin nang malakas at sakto namang napatingin si Eunice kay Hani. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Eunice nang makita niya ang sugat ni Hani sa leeg na natatakpan ng mahabang buhok ni Hani kanina.
Gusto niya sanang itanong kay Hani kung ano ang nangyari sa leeg niya ngunit biglang pumasok sa isipan ni Eunice ang kanyang nasaksihan kagabi at hinila na rin siya ng kasama niya na si Irene.
Siguro grabe yung pinag-awayan nila nung lalake kagabi kaya siya nagkasugat. Isip isip na lang niya."Here's your order ma'am. Thank you for coming." Sabi ni Hana sa isang customer at ngumiti ng matipid.
Malapit sa karagatan at sa kabundukan ang restau na pinasukan ni Hana. Ang lugar na iyon ay tinaguriang tourist spot at madalas na bakasyunan ng mga taga syudad. Malakas ang business kung kaya't inalok siya ng isang ginang na magtrabaho rito na siya namang tinanggap agad ni Hana.
Dito siya tumuloy at nagtatrabaho narin upang mabayaran ang pagtuloy niya kagabi.
Siya ay nakasuot ng plain t-shirt, jogging pants, at nakatali naman ang buhok nito at nakasuot ng cap.
Hindi napansin ni Hana ang pagpasok ng isang dalagang kasing-edad at kasing-tangkad niya at ang hindi maikukubling pagkakapareho ng kanilang hitsura, kapareho ng gupit ang dalagang ito ay si Hani.
Kapag pinagtabi mo ay magkamukhang-magkamukha. Naiba nga lang si Hana dahil sa mga galos at pasa sa kanyang noo at pisngi.
Hindi rin napansin ni Hani si Hana na nasa tabi lang ng menu board.
Dumirederetso ito paupo sa isang stool. Imbes na umorder ay inilapag nito ang isang larawan. Isang di katandaang lalaki na naka-akbay sa isang binatang lalake at isang babae na mapagkakamalan mong si Hani ngunit hindi ito si Hani dahil na rin sa nakasulat na pangalan sa likod ng larawan.Hana Rae Lee
Napangiti si Hani ng makita ang larawan, ilang beses palang niyang nakita ang kanyang kakambal ngunit sa malayuan lang.
Oo magkakambal sila. Sa hitsura pa lang ay masasabi mo na. Ngunit sa sitwasyon na ito mukhang si Hani lang ang nakakaalam na magkapatid sila.
Inilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang isang numerong matagal ng nakasave.Calling +42**********.....
"Hello." sagot ni Hani ng may sumagot dito.
"Hana?" Sagot ng isang lalaki."Umuwi ka na, sorry na okay? Bati na tayo ah. Nasaan ka ba? Susunduin na kita" Dugtong pa nito.
Eh? Hindi pa umuuwi si Hana?
"Ahm. Sorry po. Hindi po ako si Hana kaibigan po niya ito." sagot naman ni Hani.
"Ah ganun ba?" Sagot ng kabilang linya. Halata sa boses nito ang pagkadismaya.
"Opo. Gusto ko lang sana makuha ang cellphone number ni Hana kung okay lang po." sabi ni Hani.
"Kapag na-contact mo si Hana, please pakosabihan ako. Kahapon ko pa kasi siya di ma-contact." sabi ng nasa kabilang linya pagkatapos niyang ibigay ang numero ni Hana.Nagpasalamat si Hani at tinapos ang tawag. Pagkatapos nawagan ang numerong ito.
-
Ilang beses na nagring ang phone ni Hana ngunit hindi niya ito napansin.
-
Hindi na nakapaghintay pa si Hani at pinatay na ang phone nito.
Dumiretso naman ito agad sa building na kanilang tinutuluyan at pumunta ng cr. Nadatnan pa niya sina Irene at Eunice sa cr na nagaapply ng make-up.
Pumasok siya sa isang cubicle hangga't sa naramdaman nito ang pag-alis ng dalawa.
Makalipas ang ilang minuto ay namatay ang ilaw at biglang bumukas ang pinto ng cr.
Nakiramdam naman si Hani sa maaaring mangyari.
Nakita niya sa ibaba ng pinto ang papalapit na anino sa harap ng kanyang cubicle.
Sa sobrang takot ay napasigaw na lamang si Hani.
"Ano bang kailangan mo sakin?!" Galit na sabi nito. "Layuan mo na ako!" Pagpapatuloy niya.At biglang bumukas ang pinto ng cubicle na nakapagpasigaw ng malakas kay Hani.
BINABASA MO ANG
Who Are You: School 2015 (ongoing)
General FictionREMAKE of Kdrama: Who are you:School 2016, starring Kim Sohyun, Yook Sungjae and Nam Joohyuk.