Third Person's POV
Kasalukuyang may nagaganap na meeting ngayon sa Guidance office ng TNuri Girls High school kasama ang mga disciplinary committee at ang dalawang estudyante mula sa cctv video footage na kakatapos lang ipanood sa mga tao sa loob ng opisina."Kitang-kita niyo naman ang ginawa ng babaeng yan sa anak ko! Sapat na ang cctv footage na yan na magpapatunay na sinaktan niya ang anak ko!" Sigaw ng isang ginang.
Tahimik lamang na nakaupo ang dalawang estudyante sa harap ng mga disciplinary officials. Lalo na na si Hana na may iniindang sugat sa noo, sa pisngi at ang namamaga niyang kamay dahil sa pagkaipit. May galos rin si Angelica sa kaliwang braso.
"Stand up Ms. Hana" utos ng disciplinary committee president.
Agad naman niyang tumayo sakanyang kinauupuan.
"You should apologize to Ms. Angelica." utos muli ng presidente.
Napaangat naman ng tingin si Hana na kanina pa nakayuko at saka umiling.
"Hindi ko po yun gagawin" sabi ni Hana.
"Kailangan mong humingi ng tawad sa ginawa mo kay Ms. Angelica." sabi ulit ng presidente ng disciplinary committee.
"Hindi ko po gagawin iyon, hindi po ako hihingi ng tawad dahil alam kong wala akong ginawang masama at mali sa kanya." walang pagaalinlangang sabi ni Hana.
Agad na napatayo at akmang susugudin at hahampasin ng bag ng mommy ni Angelica si Hana ngunit naawat siya ng mga ibang opisyales. Habang hindi naman mawari ang ekspresyon ni Angelica sapagkat napayuko siya ng banggitin ni Hana na wala siyang kasalanan, tila parang nagsisisi sa kanyang nagawa."Let me go! You should expel that girl from this school! Kitang kita niyo naman ang nangyari at may sapat na ebidensya para ma-expel siya sa school na to!" Matigas na sabi ng mommy ni Angelica.
Pagkalabas ni Hana sa school ay pumunta siya sa seaside na nasa mismong tabi ng kanilang paaralan. Ngumiti siya ng parang walang problema at huminga ng malalim pagkatapos niyang tanggalin ang isang bagay na nakakabit sa kanyang uniform
Hana Rae Lee
Mag-gagabi na ng may natanggap siyang text, mayroong nagpadala sa kanya galing daw ulit sa babaeng nagpapadala ng mga gamit sa kanya noong nakalipas na ilang buwan.
Pumunta na siya sa mismong opisina kung saan dineliver ang mga ito. Dito na rin niya ito binuksan, isang sweater na may nakaimprentang Music is My Life at iba't iba pang mga kagamitan. Binuklat niya ang kasamang sulat nito.
Hana Lee,
Natanggap mo ba ang mga pinapadala ko sayo? Habang bumibili ako ng mga gamit para sa anak ko ay naalala kita. Parehong-pareho kayo kaya naman ibinilhan na rin kita. Ang ganda diba? sana magustuhan mo. Sigurado akong bagay sayo iyan.
Pagkatapos basahin ang liham ay napangiti siya ng maalala ang alok ng isang ginang na nagmamay-ari ng isang fast food restau malapit sa isang resort.
Hindi muna ako uuwi ngayon, Dad might be dissapointed because of what happened at kami naman ni kuya hindi parin magkaayos. Nasa isip ni Hana
Pagod na pagod na siyang pagbintangan ng lahat ng kasalanang hindi niya ginawa. Sa oras na ito ay wala na siyang ibang naisip kundi ang dad at kuya niya. Nakatatak na rin sa isip niya na wala talagang nakakaintindi sa kanya. Walang nagmamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
Who Are You: School 2015 (ongoing)
General FictionREMAKE of Kdrama: Who are you:School 2016, starring Kim Sohyun, Yook Sungjae and Nam Joohyuk.