2

442 15 3
                                    


June 30, 2015. 6:50 pm

Pagkatapos kong bigyan ng kandila at batiin si Angelica ay umakyat na ko sa kwarto.

Napag-isip isip ko lang. Masyado na akong nabubully ng babaeng yun. Ayaw ko lang patulan kasi napagsabihan na rin ako ni mama na masama ang gumanti, mas mabuti na umiwas na lang daw ako sa gulo. Kaso ako talaga yung nilalapitan ng gulo eh.

Kusa akong nilalapitan ni Angelica.

Sa ngayon hindi na ako magpapaapi sa kanya, kung kailangang lumaban lalaban ako. Sa harap ng pamilya namin akala mo kung sinong anghel kung makaasta. Kapag kaming dalawa lang naman ang magkasama lagi niya akong sinasaktan at kapag bumawi ako mag-aacting nanaman siya. Kesyo siya ang biktima. Pati sa school ganun din.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa akin ang umiiyak na si Angelica at ang galit na si Kuya Lance.

Ugh. Best actress talaga itong magaling na si Angelica.

"Rae, why did you do that?" Sabi ni kuya at nakita ko naman ang pag-angat ng labi ni Angelica.

She smirked.

"Do what?" Tamad kong tanong. Saka ako nahiga sa kama. Wala rin naman talaga akong ideya kung anong ginawa kong nagpaiyak kay Angelica. Ang alam ko lang ay magaling lang talaga siyang umarte.

"Why are you very rude to Angelica?" Tanong ulit ni kuya.

Rude? Ako pa ang rude?

"Kuya please, you dont know anything and you probably won't believe me. So please take her with you and go away." I said facing the wall of my room.

Narinig ko na lang na bumukas ang pinto.

Napalingon ako at nakita kong palabas na si kuya mag-isa.

"Bring that girl with you kuya!" Sabi ko while pointing my finger at Angelica.

"God! Rae it's her birthday! Bakit ka nagkakaganyan? Do you hate her that much? Makipagbati ka na." And with that. He left and closed the door.

"Ano nanaman Angelica? Ano nanamang kailangan mo? Hindi pa ba sapat yung ginawa mo sakin sa school kanina?! Pagod na ko Angelica. So just leave." Sabi ko nang nagkakamot dahil sa pagkairita at pagkainis saka ako tumayo para buksan ang pinto at ng pabalik na ko sa kama ay biglang sumara ang pinto.

Yes! Umalis na siya. Buti naman at-

"Ouch!" I groaned in pain.

She grabbed my hair tightly.

"Bakit ka nanabunot? Huh? Sawa na akong magpaalila sayo Angelica. Lumabas ka na." Kalmado kong sabi habang pinipilit tanggalin ang kamay niya sa buhok ko.

Tumaas naman ang kilay niya at binitawan ang buhok ko saka siya humalukipkip.

"Im not yet satisfied sis. I want to entertain my self." Sabi niya at ngumiti nang pang-asar.

Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong dinamba kaya napahiga kami sa may lapag.

Sinabunutan niya ko at inuntog sa semento kaya napahiyaw ako sa sakit. Thats painful!

Nakadagan siya sa akin ngayon habang nagpapakawala ng malalakas na hampas samantalang sinasalag ko lang yung mga yun.

I dont want to hurt her because she is my 'sister' pero ang ganituhin niya ako. Hindi porke kapatid ko siya ay mapapalagpas ko ang ginagawa niya.

"Kuya! Help!" Sigaw ko pagkatapos niya akong sampalin ng malakas na hindi ko inaasahan.

Sheeeet of paper ang sakit! Feeling ko mahihiwalay yung ulo ko sa katawan ko.

Who Are You: School 2015 (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon