Third Person's POV
Ito ang araw ng field trip nina Hani Reese Go at ang kanyang mga kaklase sa Tonyeong, isang lugar na medyo malayo sa kanilang city kaya naman alagang-alaga siya ng kanyang mommy.
Ikinalat ng kanyang mommy ang mga gamit sa tabi ng maleta ni Hani.
"Pumili ka ng mga dadalhin mo anak." sabi ng kanyang mommy at excited na ngumiti na parang siya ang pupuntang field trip.
"Ma nakapili na ko." Sabi ni Hani at kinamot ang ulo.
"Anak naman eh. Pumili ka na diyan baka kung sakaling ma-bored ka eh di atleast may dala ka." sabi ulit ng kanyang mommy.
"Ma hindi ko niyan kailangan" sabi ni Hani at napasimangot.
Ang kulit ni mommy baka maunat itong medyo curly kung hair at baka di na humaba itong bangs ko tss. Nasa isip ni Hani
"Yan lang ba talaga ang dadalhin mo? Ang konti naman." sabi ng kanyang mommy at kinalkal ang maleta nito.
Naglalaman ang kanyang maleta ng isang sweater na may print na Music is My Life. Limang pants, limang t-shirts at ibang pang personal use.
"Ma naman eh kinalkal mo pa nakaayos na eh. Yan lang talaga ang dadalhin ko." sabi ulit ni Hani at ibinalik ang mga gamit sa maleta at isinara ito.
Lalabas na sana siya ngunit hinila siya ng kanyang mommy at inabot ang isang malaking notebook.
"Ito anak dalhin mo baka kasi kailanganin mo eh." sabi ng kanyang mommy at ngumiti.
Tinanggap na lang niya ang notebook at isiniksik sa maleta upang magtigil na sa kakakulit ang mommy niya.
"Tara drive na kita sa school." sabi ulit ng kanyang mommy.
Tahimik lang sila sa buong biyahe at nang makarating na sila sa school ay bumaba na sila. Itinali ng kanyang mommy sa kanyang leeg ang hawak nitong dilaw na panyo. At saka inayos ang wavy na buhok ng kanyang anak.
Hinalikan niya ito sa noo at nagpaalam na sila sa isa't-isa. "Stay safe." sabi ng kanyang mommy at kumaway naman si Hani sa kanyang mommy habang naglalakad patalikod papunta sa field.
Nang mawala na sa paningin niya si Hani ay pumasok na siya sa kanyang kotse at nagdrive pauwi.-
Hani Reese Go's POV
Habang papunta ako sa field kung saan kami lahat magkikita-kita sabay hila-hila ko itong maleta ko ay isinuot ko muna ang aking earphones.
Makikinig muna ako ng live sports.
Ngayon kasi ang swimming tournament ni Bryan, ngayon ay isa itong national competition hindi pipitsuging competition.
Si Bryan ang guy bestfriend ko. Magkasabay kaming lumaki. Basta mula noong 8 years old pa lang kami magkasama na kami lagi. Bale 10 years na kaming magbestfriends.
Hindi ako makakapanuod ng live kasi may field trip.
Nang makarating ako sa field ay nadatnan ko si Eunice at ang iba ko pang mga kaklase, pati na rin ang iba pang estudyante na galing sa iba't-ibang grades and levels ay nandito na rin.
"Hani!" tawag sa akin ni Eunice at kumaway.
Ngumiti lang din aki at kumaway pabalik. Pagkatapos ay tumambay muna ako sa bench para pakinggan sa live broadcast ang nangyayari sa tournament.
"Bryan Han is leading!" excited na sabi ng mga announcers ng live broadcasting radio na pinakikinggan ko ngayon.
Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ay ina-announce na kung sino ang winner.
Napangisi na lang ako nang banggitin ang nanalo ng gold medal.
Astig mo talaga Bryan.
Tumayo na ako at hinila ang aking maleta papunta kina Eunice.
Pagdating ko sa tabi niya ay may isang babaeng parang model kung maglakad kaya literal na napanganga ang mga kaklase kong boys.
It's because of her skirt. When she reached our place we bumped each other's shoulder. Ganyan kami magbatian parang mga magtropang lalake. But no, we're perfectly straight.
"Did you wear it?" She asked.
I nodded 2 times. Mukhang hindi naman siya kumbinsido kasi ngumisi pa ako sa kanya.
"Hindi mo ata sinuot eh." sabi niya ulit at nagpout. Jusko sinong umimbento ng pout pout na yan at hindi maganda sa paningin.
"Irene, suot ko." sabi ko and I unbuttoned my blouse exposing the printed violet t-shirt.
Yes, Irene is her name and she is the fashionista of our class and also my closest friend.
"Yey!" She said. "Look Eunice we have the same shirt." sabi niya at umakbay pa sa akin. "We have the same shoes too!" sabi niya ulit at tinalikod niya ako at tumalikod din siya ulit at umakbay sakin. "We have the same bags too." sabi niya pa at bumitaw sa akin at pumalakpak.
"Mga trip niyo talaga." sabi ni Eunice na tumatawa habang umiling-iling.
"Wag niyong sabihin na parehas din kayo ng ano-" hindi na natuloy ni Eunice ang sasabihin niya ng napasigaw ulit si Irene.
"Suot mo din ba yun?" Tanong niya.
Tumango ako dahil alam ko na yung tinutukoy niya.
"Let me see. Let me see." sabi niya at lumapit sa akin at pilit na tinataas ang palda ko.
"Woah parehas din kayo ng panty?!" Sigaw ni Eunice kaya naka-attract na kami ng tao ngayon. Lalo na ang mga boys.
"Oy patingin kami."
"Oo nga patingin."
Sabi ng group of boys from our class na papalapit sa akin pero bago pa sila makalapit sa akin I already glared at them kaya napa-atras sila ng wala sa oras.
"Iba talaga ang kamandag ng tingin ni Hani hahaha." sabi ni Eunice and she burst out laughing. Kanina pa siya tawa ng tawa huh.
"CR muna tayo guys." singit ni Irene at hinila kami papuntang cr.
Pumasok na sina Irene at Eunice sa cr and I decided to stay here outside, im sure na nagreretouch nanaman ang mga yun. Kararating lang nila at retouch agad ang inaatupag.5minutes na, ang tagal nila. Tss.
I fished out my phone from my pocket when it vibrated.
I received a message.
From: Krystal Jung
Kinalimutan mo na ba ako? You are my only friend right?
Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ang pagbagsak ng phone ko.
Krystal Jung
Krystal Jung...
Napapitlag ako ng may biglang tumapik sa balikat ko.
Si Irene pala kasama si Eunice.
"Oh nahulog mo nanaman phone mo?" She asked at saka pinulot ang phone ko.
Inagaw ko agad ang phone ko sa kanya at naunang umalis.
Baka kasi mabasa niya yung message.
Si Krystal..
She is everywhere and she will haunt me.
BINABASA MO ANG
Who Are You: School 2015 (ongoing)
Fiksi UmumREMAKE of Kdrama: Who are you:School 2016, starring Kim Sohyun, Yook Sungjae and Nam Joohyuk.