Chapter Twenty-Two

5 2 0
                                    

JONAH

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Pagpikit ko ng mga mata ay agad na akong nadala sa panaginip ko.

Hindi ako klaro mananaginip. I usually don't have long dreams. It's always the short ones, the fragment ones, the ones I tend to forget the moment I wake up.

Pero ibang iba ito, at hindi ko malaman kung mamamangha ba ako o ano! Kasi ngayon, halos nararamdaman ko ang lahat. Buhay na buhay ang diwa ko, pero alam ko pa rin panaginip lang ito.

Hindi kalayuan sa akin ay may bahay. Gawa iyon sa makakapal na kahoy. It sat quietly at the green grass with pretty flowers poking through it. Hindi ako sigurado, pero base sa kalangitan na puno ng mga ulap, hapon na sa lugar na ito.

It's nice and peaceful, if it wasn't for a pair vigorously charging at each other.

Sobrang bilis nila kaya hindi ko na maaninag ang mga galaw nila. Basta 'yung babae ay tumatalon, 'yung lalaki naman ay umiiwas sa mga binti nung isa para hindi ito madali.

Parehas silang may hawak na stick. Habang tumatagal ay napapansin ko na... hindi naman pala sila totoong naglalaban. Siguro, parehas silang may pinapractice.

I confirmed it to myself when the woman finally captured the man and settled her stick to his neck. Maliit lang pala ang babae-dahil hanggang ilalim lamang ng tenga siya ng lalaki. Pero hindi maikakaila ang kakaibang lakas niya. Even from afar, I can see her strong grip on the man's wrists, giving the man no room to move.

"Impressive, Julicia." Sabi ng lalaki. Pagkatapos ay binitawan na siya ng babae-ni Julicia- at bumulagta sa lapag.

"I'm so tired, master." Akala ko ay nahimatay siya, pero sobrang pagod lang pala kaya siya napahiga. "Gutom na rin ako, nais kong ng malamig na tubig at ilang malagkit na panghimagas."

The master offered Julicia a hand, which she happily accepted. "Sagot ko na ang pagkain natin, Julicia. Karapat dapat lamang na pakinin ng masasarap na pagkain ang pinili ng mahiwagang si Mater Fana."

Tumayo lahat ng mga balahibo ko nang marinig at maintindihan ang sinabi ng Master. Si Julicia, ang babaeng nakikita ko ngayon, ay pinili din ni Mater Fana. Malamang, siya ang unang henerasyon na napili ng dragon!

Ako ay natuwa doon sa sinabi ni Master, pero si Julicia ay nanlumo. Napatingin lamang siya sa ibaba. "Hindi ko pa rin talaga maintindihan, Master." Sabi niya. "Ano ba kaya ang mayroon sa akin na ako nalang pinili ni Mater Fana?"

The wind swooshes very gently, swaying the trees, making the vibrant grass to dance, and playing with Julicia's hair. Ngunit wala akong naramdaman na kung anong ihip, na para 'bang multo ako sa lugar na ito!

Tumingin sa itaas si Master habang nakapewang pa. Inilibot niya ang tingin sa maliwanag na langit na akala ko ay nakasulat doon ang sagot sa tanong ni Julicia. Pagkatapos ay napangiti siya at binalik ang tingin kay Julicia.

"We never know how Mater Fana's thought process was, my dear Julicia. She's too... majestic to even think about it." Lumapit siya nang bahagya kay Julicia. "But one thing I am sure is that Mater Fana makes the wisest choices, and if you are her choice, then who are we to question that?"

I could basically watch how the Master's answer washed over Julicia's consciousness. Her eyes twinkle beautifully. Ako naman ay kinilabutan din na ewan sa sagot ni Master. Eh hindi naman ako ang kausap niya, pero pakiramdam ko kasama ako sa usapan nila!

"You are strong and you know how to adjust with life's difficulties," dagdag ni Master. "That's enough reason to be chosen to carry the beautiful Dragon's magic."

A Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon