This chapter is wholeheartedly dedicated to wholeheartedly dedicated to ! Thank you for joining the adventure!
---
LIAM
≿━━━━༺❀༻━━━━≾
Ayun, tumatakbo ulit kami, tapos ako ay nasa likuran na naman.
Basta lagi ko nalang natityempuhan ang sarili na napupunta sa likod. Kasi siguro mas napagmamasdan ko sila? O di kaya'y mas mapapanatag ako na ako ang unang makakaramdam ng kung anong trahedyang maaring humahabol sa amin mula sa kalayuan?
Si Christopher 'nga na kakarating lang dahil kinalaban niya pa ang mga kung sino na 'yun sa Arden Inn, ay nakahabol agad at ngayo'y nasa gitna na nila habang pinupuri siya nila Stefan.
Hindi ko naman maiwasan kundi mapangiti din. Christopher really is a cool guy, despite the brash attitude and bad mouth. The combat skills he shares with his sister, Jonah, is unparalleled.
Si Jessa naman ay halatang mahusay din, si Stefan din, lalo si Selene.
Samantalang ako.. Heto lang. Tao lang.
Sila kasi may kanya kanyang kalakasan na nakakaambag sa paglalakbay namin dito. Ako? 'Eto, sumusunod lang sa kanila.
That's when I suddenly remembered the bow I am gripping on. It seems like it vibrated against the skin of my closed palms, as if getting my attention, as if yelling, "hey! I am a talent too!"
"Yes. Archery is a talent too." I mentally answered back. "But it is not enough... I am never enough."
"Let's hope we'll get past the Kreluskos bago magdilim." Nakuha ni Jessa ang atensyon ko. Kahit hindi naman niya ako halos nakikita mula dito ay tumango tango ako.
"Jarith had warned me about the mysteries of the west." Sabi ni Jonah. I watch her eyes lower down, and there's something about the short pause she just did before continuing. "Kaya tama lang din na sa maabot ng ating makakaya, huwag tayo maghihiwalay at magpaabot ng sobrang dilim."
She's probably sad about leaving Arden Inn, about leaving a new good friend. Agad kong banggit sa utak ko habang pinagmamasdan siya. Napansin ko kasi kahapon na halos hindi sila magkahiwalay ni Jarith. Ilang beses ko rin napanood ang pagningning ng mga mata ni Jonah tuwing kausap niya si Jarith. Tapos, ganoong kagulo pa ang naiwan namin sa Arden Inn.....
Napabuntong hininga ako sa mga naiisip.
Napalingon tuloy sa akin si Selene at napataas ng kilay. "Keri pa ba ang laban, Liam?"
Ngumiti ako sa kanya at nagthumbs up.
"Sinabihan kami ni Jarith na tumakas na agad don sa lumang parte ng Arden Inn." Kwento ni Stefan. "Hindi ka na niya nabalikan agad kasi tulog na tulog ka. Kinakatok ka 'nga nila Jessa eh."
"Ay, ganon ba, Ate Jessa?" Tanong ni Jonah. "Mahaba pala naitulog ko..."
"Sabay sabay na kaming kumain sa trofigasbord ulit." Si Jessa naman ang sumunod ng kwento. "Pagkadating namin doon, kumakain na pala si Christopher at magaling na ang binti."
Nasa harapan ko lang si Selene at Christopher, kaya napanood ko ang marahang pagyuko ni Selene para tignan ang binti ni Christopher. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nilang dalawa, alam kong may mayabang na ngiti na ang bumabalot sa labi ni Christopher habang inaanggulo niya ang binti para makita lalo ni Selene.
"Wow, healed and better!" Sabi ni Selene, pero hindi ganoong kalakas para marinig ng iba.
I watched Christopher's head softly flicked to fully face Selene. "Can definitely beat your ass now."
BINABASA MO ANG
A Happily Ever After
ФэнтезиA group of tenth-grade students were not expecting anything out of the ordinary to occur while working on their research papers. Until, a tragic fantasy adventure novel titled The Blood of the Dragon changed everything by transporting them to the wo...
