SELENE
Pagpasok ko ay agad ko nang hinayaan ang Enhanced Senses ni Hoderlia na mabuhay muli. Agad na bumalot sa balat ko ang mainit na temperatura sa loob dahil sa mga maliit na apoy, ang pabangong sumasayaw sa hangin, at natatanaw ko na agad ang anino ng hepe sa gitna.
Lumakad ako patungo sa hepe na iyon habang ramdam na ramdam ko ang bawat lalaki na pumepwesto at pinaliligiran ako. Naririnig ko kahit simpleng paghinga nila, bawat galaw nila base sa tunog ng mga damit at kung anong bakal na nasa kasuotan nila.
Nakatingin lamang sa akin ang hepe. Habang ako ay marahan na umupo sa sahig para pasimpleng mahawakan ang sandata ko na ngayo'y nakasabit sa hita ko. I let my fingers graze the hilt of my throwing dagger, before calmly positioning my hand in my lap.
Tinignan ko nang maigi ang hepe. The chief has long hair pulled up in a big bun. Lines and stretches of age sculpts his face, yet his eyes remain alert and intense. A paper is on his hand, and with the light of a small fire beside him, I realized that paper is actually a portrait of Joandra.
Napakuha ako nang malalim na hininga, dahil halata na pinagkukumpara niya ang hitsura ko kay Jonadra. His calculating eyes shift from me to Joandra's portrait. Namalayan ko nalang ang sarili na muling kinakapa ang sandata sa aking hita.
"The name?" Sabi niya. His voice is stern and has filled the area.
"Hoderlia, sir."
Hindi siya sumagot. Patuloy siya sa pagtingin sa litrato na iyon ni Joandra. Ilang segundo pa bago niya binaba ang papel at binaling na ang buong atensyon sa akin.
"Kamukhang kamukha mo 'nga siya, ano?"
Hindi ako umimik at pinakiramdaman lamang ang mga lalaki sa paligid ko. My eyes are now nailed at the presence of the chief, watching every inch of his move.
"You cause quite an excitement among my village, even my trusted workers have to put their work down just to see a glimpse of you."
Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinasabi niya. Dapat talaga nagsasalita rin ako pabalik, pero for the first time ata sa buong buhay ko, nawalan ako ng ideya kung paano madadala ang usapan namin ng ibang tao.
Siguro ba dahil sa mga lalaki sa paligid ko na halos mahawakan ko na ang mga awra nila sa hangin sa lakas ng mga presensiya nila, sila na bawat segundo ata ay lumalapit sa akin? Dahil ba rinig na rinig ko ang bawat kilos nila at napapanood ko sila sa gilid ng mga mata ako?
Panandaliang humigpit ang hawak ko sa aking sandata. I need to relax. I am once again becoming overstimulated and today is not the right time to pass out again. Pasimple akong kumuha ng malalim na hininga.
"No answers, eh?" Sabi lamang ng hepe at marahan na sumandal sa kanyang upuan.
"Apologies, sire." My throat feels cramped. My voice sounds like a dying frog. I gulped down and took another breath. "I am just feeling nervous, that is all."
Pinakawalan ko ang sandata ko at hinayaan itong nakadikit sa balat ko. The cold hilt of my dagger rests on the skin of my thigh, and I let it stay that way, to be anchored from it despite whatever may happen.
Isang tawa ang umalingawngaw sa tolda. Halos pumikit na ang hepe sa malakas niyang tawa, habang ako ay napasimangot kasi wala namang nakakatawa.
"Dear, dear. No need to be nervous." He raises a hand and one of the men steps out. "Bring our visitor a glass of water, some fruits would work too."
Lumabas kung saan ang lalaking iyon habang hindi inalis ng hepe ang kanyang tingin sa akin. Parang nanliliit ako sa tingin niya sa akin, para 'bang inaaral lahat ng kilos ko. Nangingilabot ako.

BINABASA MO ANG
A Happily Ever After
FantastikA group of tenth-grade students were not expecting anything out of the ordinary to occur while working on their research papers. Until, a tragic fantasy adventure novel titled The Blood of the Dragon changed everything by transporting them to the wo...