In a dreamlike Yuletide reverie, two souls entangled in a coma-induced romance explore the enchanting realms of Christmas love, but the awakening holds the key to the permanence of their connection.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
┌───® ∘°❉03❉°∘ ®───┐
DAYS turned into weeks, and still, Zephyrine and I are lying here, surrounded by the monotonous hum of medical equipment and the sterile scent of the hospital. Parehas kaming lumalaban na hindi alam kung kailan kami gigising o may pag-asa pa ba kaming magigising. Sa bawat pagtakbo ng oras, parang unti-unting nawawala ang liwanag ng aming paniniwala sa kahulugan ng pag-asa.
The hospital room becomes a witness to our silent conversations and unspoken fears. Among the medical apparatus, a small trinket caught my eye—a symbol of a promise made in the shadows, waiting to reveal its significance. Minsan, mas napipilitan kaming ngumiti ni Zeph para sa isa’t isa, an attempt to defy the gravity of despair that threatens to consume us. But behind those smiles are eyes that mirror the struggle and the longing for a tomorrow we are uncertain of.
Habang umuusad ang mga araw, dahan-dahan ding lumalapit ang panahon ng Kapaskuhan. Punong-puno ng makukulay na Christmas decorations ang bawat kwarto ng ospital. Mayro’n ding malaking Christmas tree sa labas habang napalilibutan ng mga magagandang ilaw na kumikinang at mga maliliit na regalo at Christmas balls na nakasabit dito.
Bawat umaga, umaasa ako sa himala ng Pasko. Umaasa ako na sana makasama ko na ang aking mga magulang. Na sana maging masaya kami ni Zephyrine habang ipinagdiriwang ang araw ng Kapaskuhan. But all of my ’sana’ seems to fade away as the days pass by, leaving a lingering sense of longing and uncertainty in my heart.
Labing-limang araw na ang lumipas, at wala pa ring resulta ang mga doktor sa akin. Unti-unti na ring nanghihina ang katawan ni Zephyrine, habang hindi pa rin siya binibisita ng kaniyang mga magulang.
Sa bawat pagbukas ng mga mata ko sa umaga, iniisip ko kung ito na ba ang araw na magdadala sa akin sa magandang himala. Sa gitna ng hospital room, hinahanap ko ang liwanag na maaaring magbigay saya sa aking puso. Tuwing lumilipas ang mga araw, parang lumalayo ang mga pangarap ko na makasama ang mga mahal ko sa buhay, at mas lumalim ang pangungulila na nararamdaman ko.
“Algin, gumising ka na,” bulong ko sa aking katawan na may maraming nakakonekta na mga makina. Ang bawat pagpatak ng oras ay parang tumitimbang sa aking mga balikat, tila ba’t nagdudulot ng dagdag na bigat sa aking damdamin.
“Pakiusap, gumising ka na,” ulit ko, ngunit hindi lang para sa aking katawan, kung ’di pati na rin para sa aking diwa.
Sa bawat nagdaang araw, sinusubukan kong bumalik sa aking katawan. Pinipilit ko ang aking sarili, ngunit sa bawat pilit ko, unti-unti akong sinasampal ng katotohanang hindi na ako makakabalik.
The door suddenly opened, revealing a burst of warm light from the hallway. Pumasok ang mga magulang ko na may dalang pagkain. Kinuha ni Papa ang mga dala ni Mama at inilagay sa mesa. Naging emotional na naman si Mama habang lumalapit sa aking katawan. Umupo siya sa tabi ko bago hinawakan ang aking mga kamay.