PINKY PROMISE

47 16 43
                                    

┌───® ∘°❉02❉°∘ ®───┐

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

┌───® ∘°❉02❉°∘ ®───┐

THE ROOM was bathed in the soft glow of the night, the only sound the rhythmic hum of medical equipment. Umupo ako sa tabi ng bintana, habang binabantayan ang aking mga magulang na mahimbing na natutulog sa tabi ng aking katawan.

The sterile hospital environment seemed to fade away, replaced by the warmth of their presence in the dimly lit room. Ang bigat ng kanilang pangamba at pagmamahal ay nangingibabaw sa paligid, isang tahimik ngunit makapangyarihang p’wersa na bumabalot sa akin tulad ng maalab na yakap.

Sa katahimikan ng gabi, natagpuan ko ang kapanatagan sa aking puso sa simpleng pagmamasid sa kanila. My mother, her face relaxed in slumber, her hand gently clasping mine as if holding onto a lifeline. Beside her, my father, his furrowed brow eased in sleep, stood as a pillar of strength even in his unconscious state. Ang kanilang presensya ay nag-uumapaw sa katahimikan, isang patunay kung gaano nila ako kamahal bilang anak.

Hindi ko maiwasang titigan ang kanilang mga pisngi na nababalot ng mga tuyong luha. I felt guilty for every tear they’ve shed earlier. Ang bawat luha na tumutulo sa kanilang mga mata ay nagpapakita kung paano sila nasaktan ng husto, habang ako’y nakaratay sa puting higaan na ito. I felt the bitterness of regret for every decision that might have led to the accident.

Sa gitna ng katahimikan, naisip ko kung paano ko maaayos ang sitwasyon, kung paano ko mababawi ang pangarap na malapit nang mawala at maglaho. Kung mabibigyan man ako ng isang pagkakataon, susulitin ko talaga ang bawat minuto na kasama ko sila at ipaparamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal.

Habang tumatakbo ang oras, may mga tanong ako na bumabalot sa aking isipan. Paano ko masasabi sa kanila na ang lahat ng ito ay dahil sa pagkakamali ko? Paano ko ilalahad sa kanila na kung naging mas maingat lang ako, kung nakinig lang ako sa kanilang sinabi, baka hindi ako napunta sa ganitong sitwasyon?

“Hello, praning!” Nagulantang ako sa biglaang pagsulpot ni Zephyrine sa tabi ko. She had a mischievous grin on her face, as if she held the secret to untangling the knots in my thoughts. “Ano ba’ng minumuni-muni mo rito? Iniisip mo ba kung kailan ka mamamatay?”

Sa halip na sagutin ang kaniyang mga tanong, binigyan ko lamang siya ng ngiting matamlay. Nakatuon lang ang tingin ko sa labas ng bintana kung saan makikita ang mga maiilaw na Christmas lights, habang ang malamig na simoy ng hangin ay nagpapasayaw sa mga dahon ng mga puno.

Simula no’ng nakausap ko si Zephyrine, parang unti-unti kaming nauugma sa isa’t isa. Palagi na siyang pumupunta dito sa aking k’warto, upang kulitin ako. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob kapag kasama ko siya. Sa bawat paglapit niya, tila ba ang aking damdamin ay parang nabubuo ng mahinahon, parang musika na dumarampi sa aking mga tenga. Her smile and words have transformed into red doorways that open my hearts and minds.

Yule Reverie ✓ (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon