Taiga
*tok tok tok*
Isang malupit na katok ang gumising sa masarap na pagkakatulog ko.
Ano ba yan!! Sino bang lamang lupa ang naglakas loob na kumatok sa maganda kong pinto. Pero syempre, hindi ako tumayo para pagbuksan siya. Masyado kong maganda para pagbuksan ko siya. Tss.*tok tok tok*
"Ms. Taiga, gumising na po kayo. Late na po kayo sa first day of school" sabi nung hampaslupa naming katulong.
Ay shit! First day of school nga pala ngayon. "COMING!!" sigaw ko -_-
While i'm taking a bath, hinanda na nung hampaslupang katulong yung mga gamit ko for school. Aba, dapat lang, pagsilbihan niya ko kung ayaw niyang mawalan ng trabaho. Hahaha!
After i get ready pumunta na ko ng kitchen para mag breakfast. Gosh! I'm so conyo, okay lang maganda naman ako.
"Goodmorning Ms. Taiga" with matching ngiti pa ang mga bruha.
"Pinaghanda na po namin kayo ng breakfast, meron pong pancakes, bread, ham and milk" sabi nung hampaslupa."Geez, ilang taon na ba kayong nagtatrabaho sa mansion na to?" tanong ko habang nakapamewang pa sa harap nila at nung breakfast ko.
"Uhh?? 10 years po??" Hindi siguradong sagot nung hampaslupa.
"Eh yun naman pala e! Gusto niyo yung 10 years na yun ay matapos in just a minute?" Taas kilay kong sabe na siyang kinanganga nila.
"Hindi po Ms. Taiga, ayaw niyo po ba nung breakfast?" Tanong ni hampaslupa.
Isang tanong ni hampaslupa na talagang ikinakulo ng dugo ko, nilapitan ko si hampaslupa with matching taas kilay and crossed arms.
"WHERE'S MY VEGGIEEES?!!" Sigaw ko sa pagmumuka niya na siyang ikinagulat niya. Kaya naman pagtapos ko siyang sigawan nataranta siyang umalis sa harap ko para ihanda yung veggies ko.
"My gosh! Ganun ba kalakas ang signal ng katangahan dito at sagap na sagap niyo?" Sabi ko at umupo na sa nagiinarte kong Golden Dining Chair at ipinatong ang mga maganda at makinis kong kamay sa table.
Nang maihanda na ni hampaslupa ang favorite breakfast ko, inenjoy ko muna and take note 7:30 am na and i'm almost 30 minutes late for school, but i don't care. Ninong ko naman ang may ari ng Rustan University at bestfriend ko ang magmamana nun, kaya okay lang malate. Oh, aangal pa?
After breakfast, sumakay na ko sa nagmamaldita kong Pretty Ferrari na color black, and nagdrive na papuntang school AND YES, nagdrive ako cause i don't want to have a driver. Ayoko kasing may bang humawak sa Pretty Ferrari ko and even my dad kahit siya ang nagbigay nito, this car is my baby.
Nang makarating ako ng school, puno na yung parking lot, but i don't need to worry cause i have my own parking space, katabi ng parking space ng bestfriend kong si Juno Rustan na anak ng may ari ng Rustan University, obvious naman diba?
Pinark ko na yung Pretty Ferrari ko at bumaba na, taas noo akong naglakad with full of confidence.
"Goodmorning Ms. Taiga" bati nung lalaking mukang insektong nakasandal sa kotse niya sa bandang gilid.
Tinignan ko lang siya at tinaasan ng kilay at naglakad na, e ganun ako bumati eh, pake mo ba?
Nang makarating ako ng room namin, nagpapakilala na yung classmate kong lalake sa harap. Inantay ko siyang matapos bago ko pumasok, mahirap na, baka mahimatay pa siya pag dumaan ako, konsensya ko pa.
After a few minutes natapos din agad siya, kaya pumasok na ko. And as I expected nakatingin silang lahat sakin, yan ang gusto ko ATTENTION. Dire-diretso lang ako papunta sa upuan ko. Pero bago pa ko makarating sa maganda kong upuan pero mas maganda ako, may isang pesteng nakaupo dun. At automatic na tumaas yung kilay ko.
"Excuse me? That's my seat" sabi ko nang makarating ako sa harap nung upuan ko na may pesteng nakaupo.
"Your seat? Nauna ko" sabi nung pesteng babae na kanina lang ay nakatungo.
"Yes, nauna ka nga, but that's my seat! Marunong ka bang magbasa o bulag ka? Di mo ba nabasa yung pangalan ko sa upuan na yan?" Tanong ko with taas kilay and crossed arms.
"Ms. Lamoureaux, lumipat ka nalang ng upuan. I forgot to remind you, upuan po yan ni Ms. Sy, may pangalan niya po yan" sabat nung baklang professor.
"ALIS!" Kalmadong sigaw ko sa kanya, tumayo yung pesteng babae at tinignan ako at yung baklang professor ng masama.
"Magkano ba tong pinagmamalaki mong upuan?" Tanong niya sabay sipa ng malakas sa maganda kong upuan. At muntik pa kong matamaan sa pagkabwelo niya.
"OMG! How dare you to kick MY chair?! Alam mo bang mas mahal pa yan sa buhay mo?!" Sigaw ko sa pesteng babaeng yun. Pinepeste niya ang araw ko ah.
She just smirked, at umupo na sa upuan niya.
Aba't! Pasalamat siya at di ako mahilig manakit, ayokong madumihan ang maganda kong mga kamay, pero marunong akong manampal.
Umupo nalang ako, mamaya ko na lang siya babawian ng buhay. Gusto ko tong isang to, palaban. Teka nga sino nga ba to? Lamorkes? La---Lamok? Lamunin na sana ng lupa tong babaeng to.
"Class, may i have your attention? Meron kayong new classmate and she's transferee from other school. Si Ms. Eirene Vane I. Lamoureaux, Ms. Lamoureaux, please introduce yourself" sabi nung baklang professor. Ahh.. So, Eirene pala ang pangalan niya, tss. Pambata.
"I'm Eirene Vane Lamoureaux, and i'm bad to everyone. I'm from Oack's University. And you know guys, you got no jams" walang ganang sabi nung pesteng bida bidang babae.
Wait--- ano daw? 'You got no jams?' Parang alam ko yun.
BINABASA MO ANG
Bad Girls' Love Affair
HumorAno kayang mangyayari kung ang isang Evil Monster ay makilala ang isang Mayamang Maldita na reyna ng Rustan University, magiging friends ba sila? Oh magiging enemy? At paano pa kung may pumasok na Seven Mistery Guys na lalo pang nagpagulo ng storya...