Chapter 3

16 0 0
                                    

Sa wakas. Break time na, gutom na din ako, kaya naman nauna na kong lumabas ng room namen at dumiretso sa canteen.

Nakita ko naman agad ang bestfriend ko na may kasamang apat na lalaki, nakikipag usap siya sa mga lalaking kasama niya at nakapwesto sila sa iisang table. Nagtatawanan pa ang mga bruho.

Pumunta naman agad ako sa pwesto nila, wala kong pake kung may mga kasama siya. Masyado kong maganda para problemahin ko sila.

Nang makarating ako sa tapat ng table nila, nginitian ako ni Juno, yes, yung bestfriend kong anak ng may ari ng school. Bigla namang nagsilingunan yung mga kasama niya saken.

"Witweew!! Pre, girlfriend mo ba yang chicks na yan?" Tanong nung lalaking mukang bungo. Nagulat naman si Juno sa tanong niya at nanlaki yung mga magaganda kong mata.

Magsasalita na sana ko ng biglang nagsalita si Juno, "hindi pre, bestfriend ko siya" sagot ni Juno na siyang kinangiti nung lalaking mukang bungo.

"Bestfriend mo lang siya?! So, pwede ko siyang ligawan?" Sabi naman nung lalaking chinito at medyo mataba yung pisngi,

Aba! Anong tingin nito saken? Isang pipitsuging bitch na pwede niyang makuha ng ganun-ganun lang?

Tinignan ko ng masama si Juno, yung tingin na nagsasabing ilayo-mo-yang-lalaking-yan-sakin-look nagets naman niya agad.

"Pre sorry, hindi ka type ng bestfriend ko e" sabi ni Juno na ngumingiti ngiti pa.

Teka, ano bang ginagawa ko dito? Ano to? POV ko to diba? Bakit sila lang yung dada ng dada? Alis na ba ko? Alis na nga ko, wala namang kwenta tong mga to. Tss

Naglakad na ko palayo, nang biglang sumigaw si Juno "Taiga! Wait!!" Sigaw niya tapos hinawakan niya yung braso ko, luh? Muntanga naman to, muka tuloy kaming magjowang nag away tapos nagsosorry siya saken.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko sa kanya, walang sali-salita bigla niya kong niyakap, nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Wala, namiss lang kita bestfriend" sabi niya habang patawa tawa, sarap sampalin at balibagin ng lalaking to. Pasalamat siya namiss ko rin siya, pero teka nga! Masyado nang matagal yung yakap e, tinanggal ko na yung pagkakayakap niya sakin, masyado na siyang korni.

"Tumigil ka nga sa yakap-yakap na yan, ang korni mo!" Natatawang sabi ko sa kanya, natawa naman siya at hinila yung kamay ko.

"Oy, san mo ko dadalhin?" Tanong ko habang hila hila niya ko.

"Papakilala lang kita sa mga tropa ko." Sabi niya.

Nakabalik na kami dun sa table nila at nagtinginan yung mga tropa niya at ngumiti samin. Ang creepy lang nila.

"Mga pre, ito nga pala yung bestfriend kong maldita. Siya si Taiga" pagpapakilala niya sakin sa mga kaibigan niya, tinaasan ko lang sila ng kilay. Aba, ganun ako bumati e, pake mo?

"Taiga, sila nga pala yung mga bago kong kaibigan" sabi niya.

"As if i care" walang ganang sagot ko sa kanya. Biglang sumimangot yung muka niya, pero ngumiti ulit, palangiti talaga yang bestfriend ko kaya lumalabas yung dimples niya sa pisnge ^___^

Binalewala niya yung sagot ko at binanggit yung pangalan ng mga kaibigan niya.

"Ayun si Zayk *sabay turo dun sa lalaking chinito na mataba yung pisngi*" kumindat naman yung Zayk sakin. Ughh! Mukang manyak.

"Ayun naman si Angelo *turo dun sa lalaking mukang bungo* ingat ka diyan" bulong niya sakin, kumaway naman yung Angelo saken at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"*tinuro niya naman yung lalaking maputi at cute ngumiti* ayun si Brin" sabi niya at nginitian ako nung Brin pero nakataas padin ang kilay ko.

"At eto naman---" naputol yung sasabihin niya nung nagsalita ako.

"Si Jin" tipid kong sagot at nakatingin sa lalaking nakaheadset at nakapikit.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Juno. Aysh? Tanga lang? Kakasabi ko lang 'si Jin' tapos itatanong kung kilala ko ba? Ang shunga naman ni bestfriend.

"malamang, kakasabi ko lang diba?" Walang ganang sagot ko.

"Pano? I mean, san mo siya nakilala? Sa panong paraan?" Tanong niya na parang di makapaniwala. Tss, parang tanga lang ha?

"Classmate ko siya nung High School" tipid na sagot ko at di tumitingin sa kanya. Gosh! It's so boring na here.. I wanna eat na.

"Ah ganun? Okay." Sabi niya na parang napapaisip pa. Bigla naman siyang natauhan nung nagsalita yung lalaking mataba yung pisngi, ano nga ulit pangalan nun Zayk?.

"Taiga, sumabay ka na samin kumain, dito ka upo oh!" Sabi niya at hinawakan pa yung katabi niyang upuan na walang nakaupo.

"Ayoko nga!" Sagot ko sa kanya at humarap kay Juno.
"Aalis na ko." Sabi ko at tumalikod na.

"Nice to meet you Taiga!" Sigaw nung isa sa kanila, ewan ko kung sino basta wala kong pake.

Habang naglalakad ako papuntang counter may nakasalubong akong nag aaway.

"You bitch! Bago ka lang dito kaya wag kang magkakamaling banggain ako!!" Sigaw nung babae, tinignan ko kung sino. Si Chelsea Maharot lang pala.

"Eh ano ngayon kung bago lang ako? Kahit bago lang ako dito, kayang kaya kitang banggain ng paulit ulit. And what did you just called me? Bitch? Yes, i'm the bitch. Kaya ingat ka baga ma-bitch kita" mahinahong sabi nung isang babae.

Teka si Lamok yun ah.. Yung bida bidang babae na sumipa ng maganda kong upuan. So, magkaaway sila? Hah! This is great!

Dumaan ako sa harap nila at sinadya kong banggain si Chelsea Maharot para mapahiya siya kay Lamok. ewan ko ba? Pero parang gusto kong kampihan si Lamok at makipag join force sa kanya.

"OMG! What the Fuck?!!" Sigaw ni Chelsea. Muntikan ba naman siyang ma-out of balance at matumba e xD

"Oops! Sorry, di ka kasi tumabi, ang laki mong harang" sagot ko while smirking. Take that, slut!!

"Damn you!! Gusto nyo bang pagbuhulin ko kayong dalawa?" Sagot nya na halos puputok na yung muka niya sa galit.

"Tss. Bago mo pa kami mapagbuhol nakalibing kana. Don't you dare to make wrong moves darling, dahil kung hindi, mapapaaga talaga ang byaheng langit mo." Sabi ni Lamok kay clown habang hawak hawak sa kwelyo ng napaka short nyang blouse kaya inis na inis si clown.

"Get off your hand on my sexy blouse. Geez. You!! Both of you! I will make your life miserable. Fuck!!" Sigaw nung clown habang dinuduro kami ni lamok sabay alis kasama yung mga alipores nyang kamuka nya.

"Hoy lamok! Enemy mo rin pala sya? Nice :) ako din e!" Sabi ko sa kanya with my lovely smile!

"I'm Eirene. Evil for short! Wag mo akong tawaging lamok baka makaranas ka ng dangerous bite ng lamok na sinasabe mo. At baka sumunod ka kay clown sa langit." Sagot ni Eirene habang nagbabayad sa may counter.

"Oh talaga? Matatakot na ba ko?" I asked while smirking. Tumingin siya saken.

"It's up to you kung matatakot ka, e mukang wala ka namang kinatatakutan." Naka evil smirk na sabe niya at nagtawanan kaming dalawa. Ewan, pero ang gaan ng loob ko sa kanya, mukang magiging friends kami.

Evil Monster & Maldita Bitch ;)

Bad Girls' Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon