*Riiiiiiiiing*
"Ok class don't forget your assignments, ingat sa pag uwe." Announce ng professor namin.
"My G! First day palang may assignments agad? At take note 'ASSIGNMENTS' means madami. Bwiset!! Nasabi ko na lang sa sarili ko habang inaayos mga gamit ko.
"Ms. Taiga pinapasabe po ni Big Boss na sabay daw kayo umuwi." Sabi sakin ng classmate kong nerd na lalaki.
"Ha? Si Juno?" Tanong ko sa kanya.
"Opo." Sagot naman nung nerd.
"Ok. Pasabe nalang sa kanya na hinatayin niya ko, Chuuu!! Bilis!!" Taboy ko sa kanya.
Nang matapos na ako sa pag aayos ng gamit napansin ko si lamok este si Eirene na tulog paren, hindi nya ata narinig yung bell kaya nilapitan ko sya.
"Eirene? Wake up. Uwian na!!" Pag gising ko sa kanya at pinopoint ko sya sa balikat.
"Ahmmmmm! Ha? Sige." Sagot nya habang nag uunat.
"Tsk! Wala man lang THANK YOU?" Reklamo ko ng pabulong. But she just smirk. "Bwisit talaga tong lamok na to."
"Salamat? Wala sa dictionary ko yun! Ge." Sabi nya sakin habang naka salumbaba parin sya sa upuan nya.
"Di ko tinatanong!" Pagtataray ko sa kanya at umalis na.
Anyway, nakalabas na ako ng room at on the way nako sa parking area kung nasan si Baby Pretty Ferrari ko.
-Parking Lot-
"Antagal? Pinaglihi kaba sa pagong?" tanong ni juno nang makarating ako sa Pretty Ferrari ko.
"Geez. Maganda ako at ang magaganda hindi nagmamadale. Kung natatagalan ka edi dapat nauna kana, kaya ko namang umuwi eh" Sagot ko sa kanya na irritable.
"La? Ang maldita talaga neto. Joke lang! Tara na dito kana sakin sumabay, wala namang mangangahas na kumuha ng Pretty Ferrari mo e. May pupuntahan tayo bestfriend" Sagot nya sakin at na nag make face pa nung sinabi niya yung 'Pretty Ferrari mo e' at binuksan yung door ng car nya. Parehas kami ng car Ferrari na black pero mas maganda yung akin.
"Tss. Pasalamat ka bestfriend kita dahil kung hindi baka kung anu ano pang maldita words ang lumabas sa bibig ko. BTW, san mo naman dadalhin ang magandang bestfriend mo?" Pasweet na tanong ko.
"Sa langit. Haha!" Sagot nya pagkasakay sa car nya.
"Gusto mo Juno Rustan unahin na kita sa langit?. Kung sang lupalop mo man ako dadalhin, itigil mo nalang. Ang magagandang tulad ko ay walang panahon para jan." Masungit na sabi ko at tumingin nalang sa window ng car.
Pinaandar niya na yung Ferrari niya at dinala na ko sa kung saang lupalop. Shems! Nahahaggard yung beauty ko sa lalaking to, wala manlang akong ideya kung saan kami pupunta.
"Bestfriend, san mo ba ko dadalhin? Kung may gusto ka saken, dapat una palang sinabe mo na. Hindi yung tinatakas mo pa ko." Sabi ko sa kanya.
Nagulat nalang ako nang biglang pumreno si Juno, at muntikan ng masubsob ang maganda kong muka.
"Ano ba?! Pwede bang magdahan dahan ka?! May balak ka bang patayin ako?!" Sigaw na tanong ko, shet! Muntikan na kong mawalan ng problema. Kagandahan ko na nga lang ang pinakamasaklap kong problema sisirain niya pa. Tsk.
"Hah! Ngayon ko lang nalaman, bukod pala sa maganda ka at maldita ka na assuming ka pa. Grabe ka, di na kita mareach." Natatawang sabi niya.
"Pupunta tayo ng clubhouse, okay" pahabol niya pa. Shet! Medyo napahiya ako dun ha.. Tsk, edi kung di niya ko crush bakla siya. Dalawang klaseng lalaki lang ang meron sa mundo, una yung mga lalaking nagkakandarapa sakin at gagawin lahat para lang mapansin ko, pangalawa ang mga lalaking inggit sa kagandahan ko kasi mga beki sila. Tss.
Pagtapos niyang sabihin yun nagdrive na ulit siya. Kainis, sarap tirisin ng kumag na to.
Nakarating na din kami sa clubhouse na sinasabi niya at pumasok na kami sa loob. Maganda naman, bagay sa magandang tulad ko.
"Uy pre! Buti dumating ka, kala ko absent ka nanaman sa inuman natin eh" sabi nung lalaki kay Juno. Infairness, hindi siya mukang insekto okay naman siya, muka naman siyang tao.
"Syempre naman babawi ako pare. Matagal na din akong di nakakapunta dito" sabi naman ni kumag (Juno) sabay tingin sakin at nahalata niyang naiirita na ko kaya naman inakbayan niya ko bigla. Sheett!! Ang bigat ng braso niya, susuntukin ko na talaga to eh!
"Nga pala V, si Taiga, bestfriend ko." Nakangiting sabi niya dun sa bee, teka bee? Yung bubuyog na ex ni Chelsea? Don't tell me ito yun.
"Bee? Ikaw ba yung pinagmamalaki nung malanding clown na si Chelsea?" Di makapaniwalang tanong ko dun sa bee. Tinignan naman niya ko ng blankong reaksyon.
"Excuse me, it's V not Bee" pagcocorrect niya at mukang tamad na tamad magsalita. Aba, masungit tong isang to ah! Siguro bakla siya.
"Pake ko kung Bee o V yang pangalan mo, panget parin naman yan kahit anong gawin mo" sabi ko sa kanya. Hah! Kala mo papatalo ko sa kasungitan mo ha!! :P
"Tss. Okay, ano nga ulit pangalan mo? Taiga? Bagay sayo para kang Tiger, masyadong matapang" poker face niyang sabi saken. Sisigawan ko na sana yung bubuyog kaso bigla akong hinila ni kumag at dinala na dun sa table at pinaupo sa upuan.
"Ano bang gagawin natin dito?!" Iritang tanong ko kay kumag. Kainis kasi! Dadalhin ako dito wala naman akong gagawin.
"Magiinuman" tipid niyang sagot saken. Wow ha! Dinala niya ko dito para makipag inuman? Sarap niya talagang tirisin.
Kumuha na siya ng isang bucket ng redhorse. At uminom mag isa, inaalok niya kong uminom pero todo tanggi ako. Ang cheap lang, redhorse? Tss, para sa mga tambay lang yan...
Maya-maya pa may dumating na limang lalaki at nakitable samin.
"Uy V?! Nakauwi naba yung kapatid mo?" Tanong nung Zayk kay Bee.
"Hindi pa! Alam mo naman yun loner" Sagot naman ni Bee pag tapos nya inumin yung kadiring redhorse.
Wait? Kapatid? May kapatid sya? Haist! Malamang, tanga lang Taiga? Ang gandang tanga ko naman.
Kalahating minuto lang ang nakalipas biglang bumukas yung pinto.
"I'm home" Sagot nung nasa pinto di ko pa sya nakikita eh! Pero babae.
"Oh! Nanjan na yung hinihintay mo, ikaw na sumalo ng ihahagis nya."
Sabe ni Bee kay Zayk. Kaya tumayo si Zayk at pumunta sa pinto.
Nanlaki mata ko nang makita ko yung babaeng pumasok ng pinto. Si Eirene Lamoreaux. *Ha? Si Eirene kapatid ni V?* How? Tanong ko nalang sa isip ko nang puno ng pagtataka.
"Catch! Where's V?" Tanong ni Eirene pag ka hagis nya ng bag at key ata ng car nya.
"Ha? Ayun oh. Anyway, Kumain kana ba?" Tanong ni Zayk kay Eirene na nakasalampak na sa sofa.
Teka, pake ko ba kung kapatid niya yang bubuyog na yan. At pake ko sa buhay nila.
*yawn* nakakaantok naman dito, gusto kong matulog. Sumandal nalang ako sa upuan at pumikit na. Pagdilat ko napansin kong titig na titig sakin yung mukang bungo na si Angelo. Ang creepy lang, pinagnanasaan ata ako. Bahala siya, hanggang tingin lang naman siya eh. Pumikit na ulit ako at natulog na lang.
BINABASA MO ANG
Bad Girls' Love Affair
HumorAno kayang mangyayari kung ang isang Evil Monster ay makilala ang isang Mayamang Maldita na reyna ng Rustan University, magiging friends ba sila? Oh magiging enemy? At paano pa kung may pumasok na Seven Mistery Guys na lalo pang nagpagulo ng storya...