Chapter 7

4 0 0
                                    

Eirene

Nakarating na kami ngayon sa clubhouse namin. Naunang pumasok si Taiga sa loob ng clubhouse habang ako ay hinahalungkat ang mga laman ng L.V bag ko ;) kase hinahanap ko yung nagiinarte kong Sony Xperia.

Pagpasok ko sa clubhouse namin, nadatnan kong nag aaway si Taiga at V. Nakapamewang si Taiga at as usual nakataas ang kilay niya, si V naman ay naka crossed arms lang at nakangiti na parang may masamang balak kay Taiga.

"WALA KONG PAKE!" Sigaw ni Taiga na lalong kinalaki ng ngiti ng magaling kong kapatid. Magsasalita na sana si V pero pinigilan ko siya.

"Anong meron? Bat kayo nagsisigawan?" Kalmadong tanong ko, napatingin naman sila sakin.

"Di naman ako sumigaw ha! Si Tiger lang yon!" Parang batang sumbong sakin ni V at nagpout pa, lalo namang tumaas ang kilay ni Taiga sa sinabi ni V.

"What? Stop acting like a child! Ikaw ang nauna! Gumanti lang ako!" Sigaw ni Taiga kay V.

"Tama na nga yan! Para kayong mga bata!" Sabi ko sa kanila, nahuli kong napapangiti si V, si Taiga naman mukang iritang irita.

"*sigh* hay nako! Eirene, ano bang gagawin mo dito at sinama mo pa ko? Imbis na magshoshopping ako ngayon. Kainis" pagrereklamo ni Taiga saken. May naisip naman akong bright idea sa sinabi niya.

"Ay.. Sorry Taiga, mukang di kita masasamahan sa pagshoshopping. May kailangan pa kasi akong tapusin e, sorry talaga" pabebeng sabi ko sa kanya. Abot langit na ang taas ng kilay niya dahil sa sinabi ko, hahaha! Pikon na pikon na to xD

Mukang naisip na din ni V ang plano ko kaya nginitian niya ko at tumango lang ako sa kanya.

"Pinapunta mo ko dito para sabihing may tatapusin ka pa? Ano yun, Ginawa mo kong taga hatid mo?" Galit na tanong ni Taiga.

"Di naman sa ganun, biglaan kasi to e. Sana maintindihan mo Taiga" paawa effect ko pa sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko?" Sabi niya at tumalikod na.

"Don't worry Taiga, sasamahan ka naman ni V magshopping!" Sabi ko, napalingon naman siya sa sinabi ko.

"Huh? Yan? Sasamahan ako?" Tanong niya habang diring diri na tinuturo si V. Tumango tango nalang ako.

"Wag na lang, ako nalang mag isa" sabi niya at naglakad na ulit, pero pinigilan siya ni V.

"Hinde, sasamahan na kita." Sabi ni V habang hawak hawak ang kamay ni Taiga. Naks! Umii-score ang kapatid ko ^___^

Tinignan naman ni Taiga yung kamay nila ni V na magkahawak, mukang diring diri siya sa ginawa ng kapatid ko. Hahaha! Grabe! Nakakatawa sila.

"Bitiwan mo nga ko!" Sabi ni Taiga pagkaalis niya ng kamay niya sa kamay ni V.

"Arte mo naman, ako na nga humawak sa kamay mo nag-iinarte ka pa." Mahinang sabi ni V.

"Wala kong pake sa nararamdaman mong bubuyog ka. At pwede ba, wag mo na kong samahan magshopping. Di kita kailangan" taas noong sabi ni Taiga kay V.

"Di naman kita sasamahan e, sasabay lang ako sayong pumunta sa mall, may kailangan kasi akong bilhin" sabi ni V.

Lalong tumaas ang kilay ni Taiga sa sinabi niya, abot langit na ang kilay ng bruha at pulang pula na siya sa galit.

"Bat sabi mo kanina sasamahan mo kong magshopping?" Nagpipigil ng galit niyang tinanong.

"bakit? Gusto mo samahan kita?" Nakangising sabi ng kapatid ko.

Natahimik si Taiga sa sinabi ng kapatid ko..

*A moment of silence*

"Haha! Tara na nga! Sasamahan na kitang magshopping!" Sabi ni V sabay kinaladkad si Taiga palabas ng clubhouse. Wala namang nagawa si Taiga.

Bad Girls' Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon