Chapter 2

15 0 0
                                    

Natapos na yung first subject namen at wala yung isang professor namin sa next subject kaya freetime. G.! First day absent? Tss. Walang kwenta -_- anyway, hindi rin naman ako nakapag focus ng maayos dahil sa pesteng babaeng to, pinagiisipan ko kase kung pano ko sya babawian ng buhay.

'Girls, si Eirene Vane I. Lamoureaux a.k.a EVIL ng Oack's university. Anak sya ng mayamang may ari ng sikat na company sa Las Vegas, I know her because madalas kami sa Las Vegas ng family ko. Evil talaga daw ugali nya sabi ng mga taga Oack's tapos ngayon dito na sya mag aaral? Ba't sya lumipat? My G.! Jurassic labas ng room naten may Maldita na may Evil pa!.' Chismisan ng mga classmates kong babae!

"Oo! Jurassic talaga labas ng class naten at kayo ang mga dinosaurs, ang lakas ng loob nyong banggitin sa chismisan nyo yung precious name ko! ><" sagot ko sa kanila kaya natigilan sila sa pag chichismisan!

'Sorry! Ms. Taiga.' Sagot nung isang dinosaur. At tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Sa susunod na pag chichismisan nyo ako hindi ko na kayo sisitahin pa, I'm just going to give you a slap straight sa mga panget niyong muka. Want? Para may instant blush on kayo." Sabi ko ng natatawa.

Pero bumalik agad ako sa diwa ko, oo nga bat sya lumipat? Whatever her reason sisiguraduhin kong pagsisisihan nya ang paglipat nya sa school na to at sa ginawa nya saken. Sabi ko sa isip ko at hindi ko napansin na nakatingin sya sakin, kaya agad din akong umiwas ng tingin! Ang creepy nya kasi tumingin.

"Hoy? Sino dito yung transferee?" Tanong nung babaeng mukang prostitute, si Chelsea Maurene Smith sya ang pangalawang popular na babae dito sa Rustans. Why? Sa flirt ba naman neto e. Kahit panget pinapatulan Yaaaak!

"Her! *Pinopoint ko si pesteng babae na nakatungo at natutulog.* At by the way may pangalan ako! Hindi ka ba sanay na bumanggit ng magandang pangalan? Kung hindi, masanay kana." Sagot ko sa mukang prostitute na si Chelsea.

"Tss. Me? Oh c'mon. Ang popular na katulad ko ay hindi kumikilala ng kagaya mo." Sagot nya sabay taray!

Aba. Feeler to a! "Excuse me? Ikaw? popular? Ang pagkakaalam ko I'm popular than you. Wag kang feeler jan." Sagot ko sa kanya with Maldita Look.

"Ako feeler? FYI. mayaman ako maganda and i'm the most popular woman in Rustan University. Ex ko nga si V e! Ey ikaw? Ni isa sa mga poging badboys ng school walang pumatol sayo!" Sabi nya sakin ng punong puno ng pagmamalaki.

"Oh really? First of all, wala akong pake kung mayaman ka, mayaman din naman ako e. Second, popular ka? E bat di kita kilala? Mas sikat pa ata yung hampaslupa kong katulong kesa sayo. Third, so what kung ex mo yung, sino yun? Bee? Tsk, mageex na nga lang tutubi pa. And lastly, baliktarin mo ko, hindi ako pumapatol sa kung sinu-sinong cheap jan sa tabi-tabi. Wag mo kong igaya sa kaharutan mo" i said while smirking like a professional bitch. At tinalikuran na siya.

At dahil sa makabasag muka kong sagot sa kanya, literal na napanganga siya. Tsk, napaka baba niya. Ang cheap niya kung ikukumpara saken.

-------------------------

End of chapter 2

Bad Girls' Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon