PROLOGUE

109 36 16
                                    

Note: This story is not edited so please understand my situation as a student author because i have no time to edit it..thank you

...

"Hoy babae! Kung maka dikit ka sa boyfriend ko wagas ah"- sigaw ko sa babaeng kanina pa nagpapansin sa boyfriend ko.

Nandito kasi kami sa Bar malapit sa opisinang pinagtatrabahohan ko, isinama lang naman ako dito ni Calix Kenouchi na bf ko kasi nag aaya daw nang inuman ang mga barkada nya. Napromote kasi  ang boyfriend ko sa kompanya nila bilang Financial Manager, nalaman siguro nang mga kaibigan nya....ayun inaya mag inoman celebration na daw nang pag ka promote nya. Ayaw ko pa sanang payagan kaso mapilit eh... kung ayaw ko daw sya payagan...sumama na lang daw ako sa kanya.

Kanina pa sila nag iinoman pero parang hindi pa sila nalalasing. Nakakaramdam na nga ako nang boring kaya nag laro na lang ako nang Candy Crush. Hindi ko na namalayan ay tumayo na pala ang mag kakaibigan at pumunta sa gitna para mag sayaw. Pero di rin naman sila nag tagal doon na hilo siguro kaya naupo ulit sila at nag inoman. ilang saglit pa ay may babaeng lumapit sa kanila at take note nag pakalong boyfriend at kung maka lingkis parang ahas eh. Sa una hinayaan ko lang kasi ayaw ko nang gulo kaso parang nanadya eh..ito namang bf ko parang gustong gusto nya pa.


Hindi na ako naka tiis sa kababoyang ginagawa nya kaya itinulak ko na sya, Sabay sampal

"Aw!! Sino ka ba ha?"-sagot neto sakin

"Gusto mo bang makilala kung sino ako ha?"-me

"Pwesss ako lang naman ang Girlfriend nang lalaking niyayapos mo at take note girl Im his FUTURE WIFE"- sabi ko at pinagdiinan pa ang word na Future Wife.

Nakita kung tumaas ang kilay nang hipokretang babae na toh. Kaya tinaasan ko din sya nang kilay, hindi ako talunan noh... mataray Vs maldita.

"Hahahahahahaha Nagpapatawa ka ba Miss sa gwapo ng lalaking ito papatul sayo? Eh ang panget ng pagmumukha mo!"- pangiinsulto neto sakin

Hinintay kung  ipagtangol ako ni Calix pero parang umaasa lang ako na ganun ang gagawin nya kasi parang wala naman syang pakialam kung bastusin ang gf nya. Lumagok lang naman kasi sya nang alak habang tumatawa.

Gusto ko pa sanang labanan ang babae na ito kaso parang di ako mananalo kung sya ang kinakampihan ng Bf kung malandi hindi n ako makatiis sa nakikita ko sa loob kaya umalis na lang ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero alam ko lang ay kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito.

Naglalakad ako mag-isa  sa isang malawak na park. Hindi ko kasi lubos maisip na ganun ang inasal ni Calix, kahit kailan talaga hindi na sya magbabago halos pang sampung break na namin nung isang araw at pang sampung beses na rin kami nag balikan, babaero kasi ito at yang ugali nya palagi ang dahilan nang break-up namin pero palagi ko naman syang pinagbibigyan kasi mahal na mahal ko.

Noong una ayus lang naman saakin kasi una palang thats why i give him second chance kasi sabi nya kesho di nya daw sinasadya ako lang daw ang mahal nya wala nang iba. Ako naman si uto-uto kaya pinatawad ko hanggang nga sa umabot na kami nang 10th chances. At sinisigurado ko na last na ito kasi nasasaktan na rin ako eh.

Hindi ko na malayan na tumutulo na pala ang luha ko habang naglalakad, kaya agad ko iyung pinunas nang likod ng aking kamay. Ako na lang pala ang nandito sa park, tiningnan ko ang cellphone ko alas-10 na pala ng gabi,kaya pala wala nang katao-tao. Yumoko na lang ako ng makaramdam na naman ako ng lungkot sa pagiging magisa sa buhay. Dahil wala na rin namang katao-tao ay sinigaw ko na lamang ang sama ng loob ko.

"AHHHHHHH KATE ANO BA INTINDIHIN MO NAMAN ANG SARILI MO..ANG T*ANGA MO KASI ALAM MO NAMANG BABAERO ANG BOYFRIEND MO NAG PAPAUTO KA NAMAN"-sumbat ko sa sarili ko

Simula bata pa ako palagi kung nararamdaman na mag isa ako na walang nagmamahal saakin. Wala kasi akong pamilya lumaki ako sa ampunan at nung tumungtong ako sa tamang edad naghanap kaagad ako nang trabaho siguro nung time lang na yun ako naka ranas ng swerte sa buhay. Nung nag apply kasi ako ng trabaho ay natanggap agad ako kasi suitable naman daw yung resume ko sa posisyong inaapplyan ko.

Ako nga pala si Kate Baldezamo 23 years old at isang empleyado ng isang sikat na kompanya sa buong mundo walang iba kundi ang Puerto Minas Company or  PMC. Nang makuntento ako sa pag sigaw ay tumayo na ako para umuwi sa dorm. Pero habang nagaantay akong taxi ay may naaninag akong dalawang tao sa may bandang madilim na parte ng park.

"Ano ba Ken bitiwan mo nga ako, sinabi ko na sayong layuan mo na ako diba?"-rinig kong  sigaw nung isa at kung hindi ako nagkakamali ay boses ng babae iyun.

Lumapit ako ng kaunti at patuloy na pinakinggan ang ang dalawa. At kung hindi ako nagkakamali ay nag aaway sila pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Lumapit ako sa dalawa at hinatak palapit saakin ang babae saka ko sya itinago sa likod ko.

"Sino ka?"-sabay nilang tanong saakin

Saka lang ako natauhan, actually sa subrang lutang ko diko na malayan na lumapit pala ako sa dalawang ito kaya pinanindigan ko na lang.

Author's note💜

𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚒𝚜 𝚖𝚢 𝚂𝚎𝚌𝚘𝚗𝚍 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚘𝚗 𝚠𝚊𝚝𝚝𝚙𝚊𝚍 𝚐𝚞𝚢𝚜 𝚊𝚗𝚍 𝚑𝚊𝚕𝚘𝚜 𝚔𝚊𝚜𝚊𝚋𝚊𝚢 𝚔𝚘 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚒𝚗𝚊𝚠𝚊 𝚜𝚊𝚔𝚊 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚞𝚗𝚊 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚝𝚑𝚎 𝚝𝚒𝚝𝚕𝚎 𝚘𝚏

" 𝚆𝙴 𝙼𝙴𝙴𝚃 𝙸𝙽 𝙿𝚁𝙾𝚅𝙸𝙽𝙲𝙴 𝙱𝙴𝙵𝙾𝚁𝙴"

Hope you enjoy it love yah muahh!!
And guys i will update to this story Twice A week because of my study and im hoping for your understanding.

THE UNBREAKABLE TRIO  (Completed *pinatapos na nila eh)Where stories live. Discover now