CHAPTER 7

30 21 1
                                    

S/A:

Hi good day to eveyone !! Merry christmas to all happy holyday wishing na sa 2024 maalis na lahat na sakit na naramdaman nyo sa taong 2023.

Walang ng reread kasi wala pang time sa pag eedit so guys expect many wrong spelling,grammar and more typographical error.

...

Nakauwi na ako sa habay pero wala parin sina Teyang at Claire, siguradong nag punta na yun sa mall para mamili ng ipangreregalo sa mga nabunot nila. Nasa kwarto ako ngayon gabang nakaupo sa kama, nirerelax ko lang ang katawan ko dahil subrang napagod ako sa office kanina, marami kasing mga budget na kailangang pagtuunan ng pansin, like the budget for the orphanage because every end of the year nagkakaroon ng isang celebration sa mapipiling Bahay-ampunan, nag dodonate ang kumpanya ng ilang mga gamit na ipangreregalo sa mga batang  naroon at pera para sa pandagdag pang gastus sa pagkain, damit ,at iba pa. Nagbibigay rin ang kumpanya ng perang pang pagawa ng mas maraming  facilities at para marami na ring bata ang matulongan ng ampunan.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako para mag bihis ng pambahay nag hugas muna ako ng mukha bago tuloyang nag suot ng damit pambahay. Tumingin ako sa wall clock Aba mag aalas sais na ng gabi wala parin ang dalawa. Naisipan kung kunin ang cellphone ko sa bag para sana tawagan ang dalawa ng mapansin ko ang isang maliit na papel, at naalala ko na yun pala ang papel na nabunot ko kanina kaya kinuha ko iyun at binuksan "Rhaiza" yan pa lang ang nababasa ko sa name ng nabunot ko ng marinig kong may nagtatawanan sa labas kaya itinago na muna ang papel at lumabas para tinganan baka sina Teyang na ito sa bagay malamang sila lang naman ang kasama ko mageexpect pa ba ako ng iba.

Pababa pa lang ako ng hagdan rinig na rinig ko na ang tawanan nila. Tsk ano kayang nakain ng mga ito at parang good mode masyado kanina pa sila sa Cafeteria eh.

"Saan kayo galing"-bungad ko sa kanila

"Sa mall bumili kami ng pangreregalo sa nabunot namin"-Teyang

"eh ikaw kailan ka bibili? Saka sino ba nabunot mo? kilala mo ba o kilala namin?"-sunod sunod na tanong ni Claire

"Rhaiza lang naman ang nabasa ko kanina kaya paniguradong di rin kilala iyun parang sa kabilang branch yun eh, ang sabi kasi ni manager lahat daw ng staff kasali kaya malamng taga ibang branch yung nabunot ko."- paninigurado ko  sa sarili ko

Kaya na pagpasyahan ko na lang na sabihin na sa kanila, wala namang problema dun eh.

"Rhaiza... yan yung nabunot ko at siguro bukas na lang ako bibili ng pangreregalo sa kanya"-sagot ko sa kanila

"Rhaiza? May empleyado ba ang PMC na Rhaiza ang name?"-tanong ni Teyang

"I think wala naman, nabasa ko kasi lahat ng file ng mga empleyado sa buong company as in all branch, yun kasi ang unang ipinagawa sakin ni Mrs Sue eh and wala naman akong natatandaan na merong Rhaiza doon!!"-taas kilay na sabi ni Claire

"Hay naku mga pala desesyon talaga kayo eh noh... malay ba natin kung meron naman talagang Rhaiza sa company di nyo lang na basa resume nya"-sagot ko sa kanila

Bago pa man kami tuloyang mag talo ay tinawag na kami ni manang Sol

"Kat-kat, Claire, Teyang hali nga kayo rito sa kusina..."-sigaw ni manang Sol

Tumingin muna kami sa isat-isa bago nagmamadaling lumapit kay Manang.. Naabutan namin syang naghihiwa ng mga sangkap para ata sa lulutuin nyang ulam... mukhang pagod na pagod na rin ito sa maghapong pag tatrabaho, kahit pa kasi pinagsasabihan ko sya na wag nang masyadong magpagod dahil matanda na sya ay makulit parin ito. Actually 58 yeara old na si Manang Sol halos 8 taon na rin itong naninilbihan sa akin kaya nanay na talaga ang turing ko sa kanya.

"Tulongan nyo ng ako rito sa pag gagayak ng sangkap kesa mag away-away kayo jan"-utos nya saamin na mukhang nakikinig lang rin sya sa amin kanina.

"Opo Manang"-sabay sabay naming pag sang ayun kay manang at nagkatinginan kami sa isat-isa tapos ay sabay-sabay kaming nag tawanan. Nag unahan kami sa pagkuha ng kutsilyo dahil paunahan kung sino ang maghihiwa ng sangkap. Nauna si Claire makakuha sa kutsilyo kaya sya ang maghihiwa samantalang  pumunta naman ako sa ref para kuhain ang Karneng baboy at pakuluan ito. Si Tetang naman ay walang ng pagpipilian sa mga hugasin na sya naka assign.




Masaya kami ni Claire  sa pagluluto ng pagkain namin para sa hapunan, samantalang si Teyang ay naliligo na sa lababo dahil basang-basa na ito ng tubig.



Masaya pala kapag nagkakasundo kaming tatlo, di man kami nag simula sa magandang  simula bilang magkakaibigan, masaya naman kaming natutulongan ang isat-isa, halos dalawang buwan na rin silang nakatira sa bahay ko,kaya kabisado ko na rin mga ugali nila. Minsan kapag sabado at linggo ay sabay-sabay kaming nagsisimba at pagkatapos ay uuwi dito sa bahay para mag movie o kaya naman mag garden. Mahilig rin kasi sila sa mga halaman tulad ko kaya kahit papaano ay nagkakasundo kami sa ibang bagay.


"Ang bango naman ng niluluto mo ate kat-kat"-papuri ni Claire saakin

"Ano bang niluluto mo Kat?"-tanong naman ni Teyang

"Sinigang na baboy.. specialty ko ito turo sakin ni Sister Marie noong nasa bahay ampunan pa ako"-proud na sabi ko sakanila

"Wow mukhang masarap yan, patikim kami mamaya ah"-sabay nilang sabi

Tumango na lang ako bilang tugon sa kanila. Pagkatapos kung magluto ay  inilipat ko na ito sa isang lalagyan at pagkatapos ay dinala sa lamesa sa dining room. Kapag hindi ko pa kasi ito inalis dito ay malamang mauubos lang ito ng dalawang matakaw nakailang tikim na sila eh or should i say nakakailang  kain na sila.



Masayang kumain kami ng sama-sama, ito ang unang beses na nagkasabay-sabay kaming kumain yung as in kumpleto, minsan kasi nag OOT kami ni Teyang sa trabaho kaya nauuna ng kumain sina manang at Claire, minsan naman may pinupuntahan si Claire at Teyang kaya Magisa lang din akong kakain basta palagi kaming di nagkakasabay kumain siguro dahil busy  kami nung mga nag daang buwan, Nagtitrain kasi ako kay Claire at may mga trabaho pang pinapatapos sakin ang company kaya doble doble ang pagod.


Nang matapos kaming kumain ay tulong-tulong kaming nag ligpit ng kinainan namin, tutulong pa sana si Manang Sol pero pinigilan ko na.

"Kami na lang ho jan Manang mag pahinga na po kayo sa kwarto nyo"-nakangiti kong sabi sa kanya.

Authors Note💜

Sorry sa mga Typos ha alam kung mahirao intindihin pero thank you pa din sa mga nagbabasa at pinagtyatyagaan ang story ko lab yah palagi dont worry kapag natapos ko na ang story na ito i eedit ko na rin naman sya.






✈︎  please pa vote and comment po🙏🙏 and if ever na may mga na puna kayong mali comment nyo lang yan ,kasi im wiling to correct it all naman and thank you sa mga nagbabasa out there sana patuloy nyo lang yan.

THE UNBREAKABLE TRIO  (Completed *pinatapos na nila eh)Where stories live. Discover now