CHAPTER 12

21 17 3
                                    

S/a:

Good day to all lava babies kumusta kayong lahat.... medyo masama ang panahon dito samin kaya medyo mahina ang sigbak nung nakaraang araw pa sana ako mag uupdate ng chapter 11 kaso sadyang mahina ang signal, ngayong lumakas lakas na susulitin ko na ito.

...

Nakagayak na kaming tatlo kaya naman nag tungo na kami sa labas para mag-antay ng kotseng nirentahan namin patungo sa event, ang sabi nung manager namin last week sa FERER HOTEL CORP. daw gaganapin ang event, and it make me curious because ka apelyedo ni Yana ang hotel na pagdadausan ng event pero ipinasawalang-bahala ko na lamang ito baka nag kataon lang naman na ka-apelyedo nya ang hotel na iyun.



9:00 p.m ang start ng event at 8:46 na ngayon, buti na lang at dumating na ang sundo namin kung hindi ay baka malate kami sa event na pupuntahan namin.



Tahimik lang kaming tatlo sa loob ng kotse hanggang sa makarating na nga kami sa location ng ibinigay namin kay kuyang driver. Bumamaba kami kahit medyo nanghihina ang tuhod ko sa subrang kaba, hindi naman kasi ako sana'y sa ganitong event kaya nahihiya talaga ako. Ito namang kasama ko ay salungat sa nararamdaman ko exited kasi silang pareho unlike sakin na di ko na malaman kung ano nararamdaman ko nasusuka ako na nat@t@e  o naiihi basta i dont know whats my feeling right now.



Hila-hila ako nina Yana at Teyang papasok sa hall at sh!t may pa red carpet ang hotel kaya tengene nemen besh kailangan talagang  isa-isang maglalakd doon, hindi naman kasi kailangang sabay-sabay kaming tatlo baka mapagkamalan pa kaming dalagang bukid eh... kaya binitawan na ako nina Yana at Teyang ,nauna na silang nag lakad papasok at ako ang panghuli,kaya unti-unti na rin akong naglakad papasok.



Maraming tao ang nasa loob at lahat sila nakatingin ng pumasok ako, pati spot light na naroon ay saakin rin nakatutok, hindi ako sanay sa ganito marami ring camera ang naka abang para kumuha ng litrato kaya kahit nahihiya ay naka smile lang ako kahit pa pakiramdam ko ay matatae na talaga ako sa subrang kaba.




Nang makarating ako sa dulo ay agad akong pumunta sa napiling pwesto nina Teyang at Yana. Apaka ganda ng ayus ng venue ang lalaki ng mga chandelier at mukhang nag effort takaga ang nag skirting ng table nila, basta wala akong masabi sa subrang ganda.Marami na rin ang mga nag sasayawan sa gitna, pati nga sina Yana At Teyang ay nakikisayaw na rin sa ibang empleyado ng Company.


Magisa lang akong naka upo sa table namin habang naglalaro ng favorite kung offline game na candy crush, ilang sandali pa ay may lumapit sa may table namin.


"Hi miss!"-ani neto pero tiningnan ko lamang ito sabay balik sa nilalaro ko


"Ahhmm mag-isa ka lang?"- tanong ulit nito

"May nakikita ka bang kasama ko?"- sagot ko rito, hindi ko na talaga maiwasang hindi mag sungit rito.


"Ohhhhhh sungit naman"-lalaki

"Alam kung wala kang ibang sasabihin, umalis kana lang"-sabi ko pa rito, sabay tayo para puntahan sa gitna sina Yana at Teyang.

Malapit na ako sa kanila ng may mabungo akong lalaki.


"Aww sorry sir nagmamadali kasi ako"- pag hingi ko ng paumanhin rito at naglakad ulit.


Nang makita ko sila ay niyaya ko na sila pabalik sa table. Magsisimula daw kasi ang exchange giving. Pupunta lang raw kami sa unahan para hanapin ang pangalan namin. Ilang saglit nga lang ay nagsimula ng magtungo sa unahan ang mga bisita para hanapin ang kani-kanilang regalo. Kaya naman ay yumayo na rin kaming tatlo para hanapin ang pangalan namin.

Hindi nga nag tagal ay nakuha ko na ang regalo ko pero hindi yun ang pinag tuonan ko ng pansin kung hindi ay ang regalo ko na hanggang ngayon ay wala paring nakakakuha.

Asan na ba kasi ang Raiza na yan?- tanong ko sa sarili ko

Naubus na nga makuha ang mga regalo sa harapan  exept sa regalo ko na anag iisa na lang sa unahan.





"Okay everyone isa na lang ang hindi pa nakakakuha at walang iba kundi ang ating company CEO Mr. RAIZEN KENNETH FERER, the eldest child of Mr and Mrs Ferer."- announce ng Master of Ceremony


Wala akong paki alam kung sya na lang ang hindi pa nakakakuha siguro si Raiza ang naka bunot sa kanya kaya wala itong regalo na makukuha ngayon.


Literal na napa "O" shape ang mata at bibig ko ng kuhanin ni Mr CEO ang regalo ko, kaya naman ng makababa ito ay agad ko itong inabangan.


"Wait Mr CEO hindi ho para sainyo ang regalo, para po kay Raiza iyan!"-nahihiya kong sabi


Akala ko ay sasagot sya pero hinila nya ako sa unahan.


"Everyone! Sino ba si Raiza? At saan ba syang branch ng company nag tatrabaho?"-tanong nito sa madla,pero wala ni isa ang sumagot sa mga ito, na ang ibig sabihin ay "Raizen" talaga ang pangalan na nabunot ko at hindi "Raiza".

Namula ako sa subrang pag kahiya kaya agad akong tumakbo, at naghanap ng cr, pero sadyang malas talaga ako ngayon gabi dahil hindi ko mahanap kung naasan ang palikuran sa building na ito. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa may nakita akong pinto at sa tingin ko ay iyun na ang restroom, kaya naman agad akong tumakbo at pumasok reto.


Hingal na hingal pa ako bago isinara ang pinto, at saka humarap sa silid na pinasukan ko subalit laking gulat ko ng ang tumambad saaking mga mata ay ang napagarang silid na animoy silid ng isang maharlikang prinsipe. Napakalawak ng silid at mukhang gawa ang lahat ng ito sa mamahaling mga kagamitan, mula sa sahig, ilaw, at pati sa iba netong gamit tulad ng kama, upuan, whole body mirror, mini bar at pati na rin sa mini kitchen ay pawang mga mamahalin.



Nasa paglilibot  ng may bigla akong makarinig ng mga yabag na palapit sa silid na ito. Naligalig ako kaya nag hanap agad ako ng matataguan, kaya naman ng makita ko ang isang napakalaking kabinet ay pumasok agad ako rito para mag tago.





"Kilala mo ba yung babae pare? Maganda sana kaso parang kilos probinsyana"- rinig kong sabi ng isang lalaki sa kasama nito.

"Actually pre parang pamilyar sakin ang mukha ng babaeng yun eh, hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita"-sagot naman neto sa kausap.


Ilang minuto pa akong nag tago hanggang sa wala na akong narinig na mga ingay mula sa labas ng pinagtatagoan ko. Mukhang wala na ang mga ito kaya napagpasyahan ko ng lumabas, pero sakto namang may nagbuka sa kabinet ng lalabas na sana ako.


"What the fvck are doing here!!"- gulat na sabi ng lalaking walang iba ay si Raizen pala.

Author's Note💜

Hi good evening my lava babies sa wakas ay naka update rin, masaya kasi ako ngayon kasi 1 mistakes lang ako sa exam ko kanina.

i guys Follow me on

Fb:
● Rhe Yha Wp
●Lavander Story
(Same profile)

Instagram:
●Prrtyprobinsyana_05

Tiktok:
Prrtyprobinsyana05

X:
Prrtyprobinsyana05

✈︎  please pa vote and comment po🙏🙏 and if ever na may mga na puna kayong mali comment nyo lang yan ,kasi i'm wiling to correct it all naman and thank you sa mga nagbabasa out there sana patuloy nyo lang yan...

THE UNBREAKABLE TRIO  (Completed *pinatapos na nila eh)Where stories live. Discover now