CHAPTER 4

33 27 6
                                    

S/A:

Good day readers sorry for slow updates..

Pagpasensyahan nyo na If ever man na may mga wrong spelling ,grammar and also typos ang story na ito. Wala pa po kasi akong time para i edit ito kasi nagsisimula pa lang ako balak ko po kasing taposin mona bago i-edit.

...
" AH ALAM KO NA"- sigaw ko na parang nakatama sa Lotto

"Kung talagang wala kang matuloyan pwedi ka sigurong makituloy kila Althea, sabi nya kasi sakin nag nangungupahan daw sya sa iasang boarding, baka pwedi kang maki share sa boarding house nya"-paliwanag ko ng may malapad na ngiti samantalang bigla na lang nayamot ang itsura ni Althea.

"Bakit sakin pwedi namang sainyo na lang wala ka namang kasama sa bahay nyo eh tapos ako madami ng babayaran sa boarding kaya baka bukas mapalayas na ako."-malungkot nitong sabi.

Akala ko maiisahan ko na si Teyang *(Thea-yang) masa malala pa pala ang problema nito kesa kay Claire, yung kay Claire kasi ma tutulongan ko pa pero yung kay Teyang mukhang wala ako maiooffer na tulong pera kasi yun eh P.E.R.A.

"Ganun ba pasensya na kayo ah pati kayo nadadamay pa sa problema ko"-malunglot na sabi ni Claire

"Naku wag kang mag alala dahil ako naman ang Trainor mo sakin kana muna titira, kami lang naman ni Manang Sol ang nakatira sa bahay eh"-masayang tugon ko sakanya nakita ko naman biglang lumiwanag ang mukha nito at bigla nya akong niyakap.

"Thank you for all Kate"- Claire

Umuwi na kaming tatlo para makapag pahinga na. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa tapat ng boarding house ni Teyang, bumababa ito at nag paalam. Pag kaalis ni Teyang ay saka naman umandar ang Taxi patungo sa bahay.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating sa tapat ng bahay ko nakita ko pa nga si manang Sol na nag aabang sa tapat ng gate. Pagkababa ko ay kumaway agad ako sa kanya tapos ay mabilis kong hinawakan sa braso si Claire para hilahin palapit kay manang.

"Oh maam Kate sino po yang kasama nyo?"-tanong nito sa akin ng makita sa likod ko si Claire

"Ano kaba Manang Sol ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag nyo na po akong tawaging Maam, Kat-Kat na lang po"- pagtatama ko kay manang kahit kasi matagal na itong naninilbihan sa akin palagi nya na lang akong tinatawag na  maam. Ngumiti na lang ito bilang pag sangayon.

"Ah saka si Claire po pala bagong trainee sa company namin, wala daw syang matuloyan kaya dito mo na sya sa bahay tutal ako nman ang trainor nya."-paliwanag ko kay manang tumango ito at inaya na kami para makapasok

"Oh sya sa loob na natin yan pag usapan pasok na kayo at mag palit , nakahain na ang hapunan kaya bilisan nyo masamang pinag aantay ang grasya"-tugon pa nito saka dumeretsyo sa kusina

Umakyat ako sa taas kasama si Claire , dinala ko sya sa isa pang  kwarto na wala namang gumagamit, pinalinis ko ito kay manang bago pa kami maka uwi nagtatanong nga sya kung bakit daw pero hindi ko na lang sinabi kasi mas magandang personal ko na lang sasabihin, kunti lang naman ang alikabok nito dahil kahit walang gumagamit ay palagi parin itong nililinis ni manang.

"Pag pasensyahan mo na ang magiging kwarto mo Claire ah maliit lang kasi ito,pero kumpleto naman ang gamit sa loob kaya wala kang magiging problema, oh sya ayusin mo na ang mga gamit mo at magpalit kana tapos ay bumaba kana lang para saba-sabay na tayong kumain ha"-sabi kay Claire

Umalis ako sa tapat ng kwarto ni Claire para bigyan sya ng Privacy, pagkatapos ay pumasok na din ako sa kwarto ko para gawin ang dapat gawin, nag suot nga lang ako ngayon ng manipis na pajama at damit na pantulog para kahit papano makatulog na ako ng mahimbing.

Nang mattapos ako sa pag aayus sa sarili ko ay napag pasyahan ko ng lumabas, sakto naman dahil kakalabas lang din ni Claire kaya sabay na kaming bumaba at nag tungo sa kusina. Naabutan naming nag sasalin ng juice si manang sa mga baso kaya naupo na lang kami at nagsimulang kumain.Tahimik lang kami habang kumakain wala ni isang gustong mag salita.



"Bakit ka nga pala walang matuloyan iha, nasan ba mga magulang mo?"-panimulang tanong ni manang mabuti na lang at naisipan ni manang Sol na basagin ang namumuong katahimikan sa pagitan namin.

"Ah wala na po kasi akong---"- hindi na naituloy ni Claire ang sasabihin ng biglang tumunog ang doorbell.

"May bisita ka ata Kat-Kat, oh sya sigi mag patuloy lang kayo sa pag kain at ako na ang magbubukas"-manang Sol

Sino naman kayang lapastangan ang mangbubulabog sa mga kumakain ng gantong oras ng gabi?-tanong ko sa sarili ko

Kumain na lamang ako at hinayaan kung sino man ang nasa labas, mukhang kinakausap pa ni manang kung sino mang taong yung  dahil natagalan, malapit ng maubos ang pagkain namin ng biglang may sumigaw sa labas.

"AKO ENING KAHIT MATANDA NA AKO HINDI MOKO MALOLOKO, MAGNANAKAW KA NO?"-rinig kong bulyaw ni Manang sa kausap nya

Sa pagaalala ko kaya manang ay tumayo na ako para silipin sila sa labas mukhang nag aaway na eh.

"Ah Claire jan ka muna ha titingnan ko lang sila sa labas"-paalam ko kay Claire at nag lakad na patungo sa labas.


"Manang Sino ba---Teyang!!!??"- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa gulat ng makita si Althea sa labas ng gate. Gusgusin ito at magulo ang buhok may mga bag itong dala sa likod at meron pang malalaking bag na nakababa sa gilid ng gate namin.

"Kat-Kat pasensya na at hindi ko napaalis yang budol-budol na yan, ang kulit kasi katrabaho mo daw sya at nawawalang kapatid kaya nandito sya para umuwi na daw sa bahay nya, kaya sinigawan ko na lang dahil sa pagkaka alam ko lalaki ang kapatid mo"- pag hingi ng pasensya ni manang Sol

"Okie lang po Manang, opo ka trabaho ko nga sya pero hindi ko po sya KAPATID dahil wala naman akong kapatid na ABNORMAL"- paliwang ko kay manang at pinag diinan ko pa ang salitang kapatid at abnormal.

Pinapasok ko na sa loob si Teyang dahil gabi na baka mapagkamalan pa syang magnanakaw kung dito lang sya sa labas mamaya ko na sya sesermonan dahil alam kong napalayas na sya sa boarding dahil hindi nakapag bayad.



Author's Note💜

Enjoy reading!!!

✈︎  please pa vote and comment po🙏🙏 and if ever na may mga na puna kayong mali comment nyo lang yan ,kasi im wiling to correct it all naman and thank you sa mga nagbabasa out there sana patuloy nyo lang yan.


THE UNBREAKABLE TRIO  (Completed *pinatapos na nila eh)Where stories live. Discover now