CHAPTER ONE

318 36 31
                                    

-Ivory-

My eyelids fluttered lazily, battling to stay open as my gaze wandered to the dark woodland outside the window of the freezing room I was in. The damaged skin layers on my feet rubbed on the chilly uneven floor and my whole body shook. A tingling sensation raced through my spine, causing little discomfort, but I ignored the biting phenomena and continued evaluating the entire foreign area.

'Nasaan ako?'

Ang unang tanong na namuo sa aking isip ng sandaling iyon.

'Sino ang babeng nasa repleksyon ng basag na salamin ng bintana na diretsang tumingin sa akin nang ibaling ko rito ang aking atensyon buhat sa kakahuyan?' ang pangalawang katanungan na sinundan ng mga boses na umalingawngaw sa aking mga tenga.

"Wala ka talagang k'wenta, Bathory!"

"Walang tatanggap sa'yo sa pamamahay na ito, Bathory!"

"Dapat ka nang mawala, Bathory! Isa kang kahihiyan para sa beta ng imperyong ito!"

Panlilibak ng mga nilalang sa nag mamay-ari ng katawang aking kinagisnan.

Muling kumurap ang aking mga pilik-mata.

For years, I've been in limbo, floating in the dark. There wasn't even a speck of light. No hope. I was trapped and powerless, terrified of being alone for the rest of my life. Akala ko ay hindi na ako makatatakas sa walang hanggang kawalang iyon ngunit sinong mag-aakala na mabibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon?

Matapos ang tatlong daang taon ay nabuhay akong muli ngunit sa hindi inaasahan ay napunta sa ibang katawan ang aking kaluluwa.

Kumibot ang aking mga labi kasabay ng pagkibot din ng mga labi ng babae na aking katitigan.

"Bathory," I whispered her name, which gave me instant access to her memories. Nagsimula ang alaala nito nang iwan ng kan'yang ina sa harap ng pinto ng isang malaking marangyang kastilyo. Ang sapilitang pagtanggap dito ng ama at hayagang pag-ayaw dito ng madrasta.

Despite being accepted into the beta's estate, she was never acknowledged as part of the family. She was bullied. Physically and verbally abused by her stepmother and step-siblings. Even the maids were told to regard her with contempt. She was assigned chores similar to those given to the castle's servants.

One time, Bathory reported the mistreatment to her father, who did nothing to stop it and instead criticized her for being an easy target. Sinabihan din s'ya nito na dapat magpasalamat at tinanggap s'ya ng asawa nito sa kastilyo dahil kung hindi ay sa lansangan s'ya pinulot.

Mula noon ay hindi na nagtangka pa si Bathory na humingi ng tulong sa kahit na sino at tiniis na lamang ang pangmamaltrato. Ngunit para sa kan'yang madrasta at mga kapatid sa ama, bilang anak sa pagkakasala, ang parusang kan'yang natanggap ay hindi sapat. Dahil dito, ibinigay sa kan'ya ang pinakalamig na silid. Ang attic. Iyon ang naging kanlungan ni Bathory hanggang sa magdalaga.

She spent many winters with only a small blanket and an old mattress to keep her weak body warm. She never complained or cried despite her situation. Sa isang parte ng puso ng dalaga, naniniwala itong mababago pa ang takbo ng mga pangyayari sa buhay n'ya.

As I cut her memories, a sarcastic sneer left my dry mouth. "Hoping for a miracle? Such a silly girl," mahinang anas ko at sumang-ayon sa ama ng dalaga.

Only the weak are vulnerable to abuse. As proof, Bathory died from hypothermia, alone in that attic. Helpless and without a cause in that domain. With that, I couldn't help but stare at her and scrutinize her physical appearance.

Bathory stands 5 feet 6 inches tall. She is distinguished by her shoulder-length platinum blond hair and pure white skin. She has a delicate build. Her bones were virtually protruding from her skin, and she has sunken cheeks as a result of starvation. Maging ang mga mata nito ay lubog at nangingitim ang mga paligid marahil sa matinding puyat at pagod. Sa likod niyon, hindi maitatangging may angking kagandahan ang dalaga. Her sandy brows and lashes were stunning, especially when coupled with her doe's crystal blue eyes.

"What a waste," muli kong usal matapos ang aking pag-aanalisa sa kabuo-an ng dalaga na hindi man lang nakaramdam ni katiting na simpatya.

Bakit?

Dahil hindi sapat ang kagandahan upang mapigilan ang mga masasamang p'wersa sa mundong iyon. Hindi pisikal na kaanyuan ang panlaban sa mga ito.

Minsan na rin akong naging mahina at iyon ang naging daan sa pagkasawi ng mga mahahalagang nilalang sa aking buhay.

Images flashed across my mind.

My ears were once again filled with voices.

As I drowned myself in the yells and hollers of the battlefield, my eyes shut tightly. 

"Luna, save yourself!"

"Luna, takbo! Hayaan mo na kami dito! Iligtas mo ang iyong sarili!"

"Luna, parang awa mo na! Tumakas ka at hanapin ang ating alpha!"

"Luna!"

"Luna!"

Kasabay ng tila pagsaklot sa aking puso ng isang malamig na kamay dulot ng mga tinig mula sa aking nakaraan ay ang pagtagis ng aking mga bagang. Binalot ng tila nagbabaga sa yelong galit ang buo kong pagkatao at muling nanginig ang aking katawan.

Iminulat ko ang aking mga mata sabay kuyom sa aking mga kamao sa tigkabila kong tadyang.

"No!" My teeth ground as I rasped sharply to the thin air, preventing tears from forming in my eyes. "I will not let it happen again. I swear on my friends' and loved ones' deaths that I will not be duped again!"

The goddamned traitor, Caussius Gregory!

Ang hangal na Emperador ng Silangan at ang pinuno ng Uno Bigoria ay ang s'yang nagdala ng katapusan sa aking kaharian.

My eyes narrowed and my nails sank deep into my palm as I took an oath. "I, the Luna of the north and the restorer of balance to the shifters realm, vow to bring punishment for your heinous offense. A tremendous doom will befall your kin from your root down to the last drop of your blood. Pray that you do not exist in this world any longer, or you will perish at my hands, no matter what it costs!"

Kasabay ng binitawan kong sumpa ay ang pangakong walang sinoman ang muling makapananakit sa may-ari ng katawang aking sinasaniban.

She had already endured enough!

"Leave it all to me now, Bathory, and watch me teach those scarps a lesson."









LUNA OF THE NORTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon