BRIDGETON, Border of Bigoria and Mooncrest Empire
-THIRD POV-Snowflakes fell incessantly, enchanting the trees and the ground with their white spell. The wind wailed like a sirene's piercing cries through the dense atmosphere. The onslaught of the weather was overpowering, endangering the lives of those who lived nearby ngunit sa likod ng masungit na panahon, isang nag-aapoy at madugong paghaharap ang naganap sa pagitan ng grupo ng duke ng Estonia at ng mga tulisan na nagmula sa kanluran na nagnanais tawirin ang hanggangan ng Uno Bigoria at Mooncrest.
The clanking of swords, whooshing of arrows, crashing of bones, and wounded soldiers' bellows blended in the air, and the earth was quickly dyed scarlet.
"How long should we be here? I'm already missing my dear Kira," sa gitna ng kaguluhang iyon ay ungol ni Ellias; isang nightwalker at isa sa mga tapat na mandirigma ng duke na mabilis pa sa hanging inatake ang tatlo sa mga pangahas na lumabag sa batas ng Uno Bigoria gamit ang mga kuko nitong mas makapaminsala pa sa patalim.
Bagamat mga nightwalkers rin, walang alinlangang pinuntirya ni Ellias ang leeg ng mga hangal at sa isang kislap ay isa-isang bumagsak ang wala ng buhay na katawan ng mga ito sa lupa kasabay ng paglasik ng mga ulo sa hindi kalayuan
Blood splattered on the ground once more, mixing in with the heavy snow that blanketed the battleground. The Duke of Estonia's warrior, who stands six feet tall, has a lean physique, light blond hair, emerald green eyes, and a gorgeous countenance, proudly brushed away the stains on his hands and dusted his black coat, dirty white shirt, and trousers.
His steady breathing showed that he didn't exert much effort to defeat the enemy, and his normally pale skin indicated that he was unaffected by the chilly weather dahil bilang isang nightwalker, immune sa mababang temperatura ang mga nilalang na tulad ng binata.
"Damn! I am more interested in the reward after this, man," tugon ni Rune; isang werewolf na may kaalaman sa mahika. Abala ito sa pagbuo ng nagyeyelong mga sibat at pagpukol ng mga iyon sa mga umaatakeng kalaban gamit ang kapangyarihan nito. "The more cretins who breach our laws, the more reward and booze we get!" muling saad ng binata na nangingislap ang mga mata dahil sa pagkasabik na matapos na ang labanan.
Nasa limang talampakan at labing isang pulgada ang tangkad si Rune. His thick brown hair, which reached his nape, was carefully tied back. He has a medium complexion and has a pair of hazel eyes. Balingkinitan din ang katawan nito at tulad ni Ellias ay may angking kakisigan. Tanging trousers at kulay pulang roba lamang ang suot ni Rune dahil bilang werewolf shifter, mas sapat na init ang katawan ng binata na panglaban sa lamig.
Hindi kalayuan sa were-mage, isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Corei habang sunod-sunod at walang mintis na nagpakawala ng mga palaso na mabilis na tumapos sa iba pang mga tulisan. Isa rin ang 'elven' sa mga mandirigma ng duke ng Estonia.
He was six feet three inches tall, with a pale complexion and grey eyes. He's lankier than Ellias and Rune, and, unlike most elves, he has short hair that he has dyed black. Ito ang pinakamakisig sa grupo at madalas kuyugin ng kadalagahan sa buong imperyo ngunit tungkol sa digmaan at pananaliksik lamang nakatuon ang atensyon nito."Alright, men! Pull out!" matapos ang ilan pang minuto ay isang buo at malalim na boses ang pumuno sa buong paligid. Bumaling ang tatlong mandirigma sa pinanggalingan niyon at buhat sa kakahuyan ay humakbang palabas ang naka-iintimidang malaking bulto ng pinuno ng grupo na walang iba kung hindi ang duke ng Estonia. Naliligo ito sa dugo na nagmula sa tinapos nitong mga tulisan.
The scarlet smear coated the six feet five inches tall duke's untamed shoulder-length raven hair, and his combat robes down to his boots. The heavy fluid cascaded to the ground as he held a long sharp stained blade in his hands.
Slavic Lauden; the duke of Estonia's pointed gaze scoured the battleground. A thick misty cloud emerged from his mouth as he exhaled deeply.
Tatlong araw na silang nakipagdidigma laban sa mga rebelde mula sa kabilang imperyo. Kahit labag sa loob, napilitan ang duke na tanggapin ang utos ng emperador na pigilan ang mga itong makapasok sa hangganan dahil bukod sa isa ang Estonia sa malapit na mga teritoryo roon, kailangan nila ng salapi upang makabili ng mga pangangailangan habang nagsisimula pa lamang ang taglamig.
The compensation he and his men would receive would be sufficient to see them through the entire three-month winter. Enough to keep him hidden from the emperor's watch for a while longer.
Matapos ang ilan pang sandali, nang masigurong wala ng natira pang buhay sa mga tulisan ay tinanguan ni Slavic ang tatlo n'yang tapat na mga tauhan. "You've done well, men. It's time to return home and get our bounty!"
"Yeah!" sabay na bulalas nina Ellias at Rune na tinapik ang balikat ng isa't-isa at tipid namang napangiti si Corei. Sa wakas ay makauuwi na sila at makapagpapahinga sa mainit at komportable nilang mga higaan. Kaya naman ng humakbang palayo ang kanilang pinuno ay awtomatiko silang sumunod dito.
"I'm coming home, my dear Kira!" Ellias yelled earnestly, while Rune wiped his lips, imagining himself having a nice time with bottles of alcohol.
Corei walked faster to keep up with the Duke. "You need to find a wife soon, your grace," wika nito ng hustong makalapit sa duke.
Naguyumos ang mukha ni Slavic dahil bago sila tumungo sa misyon ay ilang beses na s'yang kinulit nito tungkol sa bagay na iyon. "Not a chance, Cor."
Slavic also prayed that when they arrived at the Copperwick to collect their money, the emperor wouldn't pull another trick and compel him to marry another woman after many failed attempts. Hindi sa ayaw ng duke sa ideya ng pag-aasawa kung hindi, walang binibini sa imperyo ang naalala n'yang tumagal na kasama s'ya kahit isang minuto lang sa iisang silid.
Is it because of his unnerving physical attribute or his temper that frightens them? He was completely unaware. Kaya naman hindi na umasa si Slavic na makatatagpo pa ng babaeng magagawang tanggapin kung ano s'ya at tapatan ang kan'yang magaspang na ugali.
BINABASA MO ANG
LUNA OF THE NORTH
WerewolfIn a world where shapeshifters exist, the Northern Kingdom is a domain where mythical shifters reside peacefully. Governed by a dominant alpha and his formidable luna, they provide assistance to maintain balance in the entire realm. Unfortunately, t...