CHAPTER EIGHT

125 14 4
                                    


WINTER CASTLE

(BATHORY/IVORY)


"It takes years to build trust, but it only takes a wink to break it," I mumbled as I was taking a bath in an acrylic tub in my new room, breaking the deafening silence between me and my chosen personal servant, who was quietly and delicately stroking my hair. 

Naramdaman kong bahagya itong natigilan sa narinig ngunit agad din itong nakabawi sabay hagikhik. "'Yan din ang sabi ng aking ama noong nabubuhay pa, my lady," anito sa magaang tinig habang patuloy sa ginagawa.

Umangat ang isang sulok ng aking mga labi at lihim akong napangiti. Humilig ako sa headrest ng tub at nagtanong ng, "Anong pangalan mo?"

"Madeline po, Lady Bathory pero tawagin n'yo na lang akong Maddy," pakilala nito sa sarili na bagamat hindi ko nakikita ay alam kong napangiti rin ito.

"Maddy," ulit ko sa inusal nito. I wasn't sure if I was still competent at judging character, but I had a feeling she was someone you could rely on.

"Opo, my lady."

Tumango-tango ako at muli itong inusisa. "Mapagkakatiwalaan ba kita, Maddy?"

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga bago tumugon. "Sa totoo lang, my lady, kinakabahan ako sa mga mangyayari sa inyo sa mga susunod na araw." Biglang bumaba ang enerhiya sa boses nito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kilala naman natin kung paano magalit ang dukesa at si Lady Vernon. Baka kung ano ang gawin nila sa'yo. Nag-aalala ako sa kadahilanang hindi ko alam kung paano pro-protektahan ng isang mababang ranggong tulad ko ang aking binibini. Ngunit, ang masasabi ko lang, pagsisilbihan ko kayo ng buong katapatan at sa abot ng aking makakaya. Kung sakali mang magawa kong sirain ang in'yong pagtitiwala, handa akong tumanggap ng ano mang kaparusahan."

I could hear sincerity in her speech, which satisfied me. "All right, Maddy, we're done here. Ikuha mo ako ng tsaa at ako na ang bahala dito."

"Masusunod, my lady!" Muling bumalik ang sigla ng aking personal na tagapagsilbi bago nito nilisan ang silid paliguan ng aking silid upang sundin ang aking utos.

Samantala, minabuti kong umahon na sa tub at tinuyo ang aking katawan ng malambot at mainit sa balat na tuwalya na inihanda sa akin ni Maddy. Matapos ay isinuot ko ang roba saka lumabas ng paliguan na maaliwalas ang pakiramdam. 

The real Bathory hadn't had a shower in weeks, and her hair strands were already greasy and stuck together. My head shook. She was not only denied adequate food and a warm bed, but she was additionally prevented from having access to water for bathing.

Those bitches! 

Napakaraming ipinagkait ng mga ito sa dalaga at habang ako'y nagbibihis ay hindi ko mapigilang pumalatak habang binabalikan ang iba pang mga alaala ni Bathory. Naputol lamang iyon matapo ang halos nasa kalahating oras nang kumatok si Maddy at pumasok sa silid tangan ang tray ng tsaa.

"Paumanhin, my lady at ako'y natagalan," anang aking tagapagsilbi habang inilalapag ang tray sa munting mesa na kalapit ng aking tokador. "Hinarang ako sa kusina ni Hilda habang inihahanda ang in'yong tsaa at inutusang kumuha ng halamang gamot sa likuran ng kastilyo para sa dukesa."

While brushing my long hair in front of the vanity mirror across the room, I discreetly inspected her and noticed bullets of sweat running down the sides of her face. She's also breathing like she's run a mile, indicating she's in a hurry to finish what Hilda assigned her to prepare tea for me afterwards.

Inilipag ko ang suklay sa ibabaw ng desk sabay tayo at hakbang patungo sa set ng upuan kung saan naroon ang umuusok pang tsaa sa teapot at isang munting porselanang tasa. May pag-iingat na ipinagsalin ako ni Maddy ng aking inumin ngunit bigla itong huminto at napakunot-noo. "Lady Bathory, maari po bang igawa kita ng bagong tsaa? Mukhang malamig na ang isang 'to," anito na lumikot ang mga mata hanggang sa mapagawi ang paningin nito sa may pinto kung saan mapapansin ang dalawang anino buhat sa siwang sa sahig.

LUNA OF THE NORTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon