CHAPTER TWO

176 25 4
                                    

-IVORY-

I was still gathering Bathory's life information, careful not to miss anything from her memories because I have to live her life as the possessor of her body, when my keen hearing picked up heavy footfall against the brick steps leading up to the attic.

Sa paraan pa lamang ng paghakbang ng parating ay masasabi kong hindi maganda ang sumpong nito sa sandaling na iyon.

Ayon sa memorya ni Bathory, isa lamang ang madalas na bisita ng dalaga sa attic. Ito ay ang isa sa mga pinunong tagapagsilbi ng kastilyo at madalas na manakit ng pisikal sa kan'ya, sa utos na rin ng panganay na anak madrasta at kapatid sa ama na si Lady Vernon.

Mga bata pa lang sila ay hayagan na ang ipinakitang pagkasuklam at inggit ni Vernon kay Bathory na hindi alam ng dalaga kung saan nagmula? Lahat ng luho at pagmamahal ng magulang ay nakuha na ni Vernon ngunit tila isa pa ring malaking banta ang tingin nito kay Bathory.

Is it because Bathory, like their father and practically all of the Winter family, had platinum blond hair, which Vernon did not inherit? Or is it because it merely brings back memories of Bathory and her mother's sin?

Why, the poor lass had no notion. While I couldn't care less, even though I became Bathory the instant I awoke in her body. All I can promise is that many things will change because I am not easily intimidated by anyone.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa gilid ng aking mga labi ngunit agad ding iyong naglaho. May pagtitimping naghintay ako sa harap ng bintana kung saan malaya kong pinagmamasdan ang pagkukumahog ng makukulay na mga ibon upang magkubli sa sanga ng mga punong buong tikas na nakalatag sa malawak na kagubatan. Sa aking pag-oobserba, hindi malayong umulan na naman ng nyebe dahil sa patuloy na pagbaba ng temperatura.

In any case, I have nothing to be concerned about. The weather was even worse in the North Kingdom. I was used to the bitter cold, and it seemed like I still had the stamina of a mythological shifter despite the fact that I have a new body

"Excellent," mahinang wika ko bago marinig ang padabog na pagbukas ng kasing luma na ng panahong pinto ng attic.

"Buhay ka pa pala?" buhat sa aking likuran, isang sarkastiko at may bahid ng matinding pagkayamot na tinig ang umagaw sa aking atensyon.

'I, for one, am surprised that I am still alive.' I wanted to respond but remained immobile and mute at the window.

The newcomer snickered, annoyed that I ignored her statement.

"Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob upang tuloy na mabuhay. Baka nakalilimutan mong isa kang malaking kahihiyan sa pamilya ng mga Winter," muli nitong patutsada sa makamandag na boses. "Simula nang dumating ka sa kastilyong ito, hindi na natahimik ang buhay ng dukesa at ng mga anak n'ya. Bakit hindi mo na lang tanggapin na walang puwang sa mundong ito ang isang anak sa labas at isang asong lobo na tulad mong walang kakayahang makapag-palit an'yo."

My lips quivered.

Oh, yes.

That almost slipped my mind.

Bathory was unable to transform into a wolf. Anyone who has been tortured for years is likely to eliminate their inner beast. On the other hand, it makes little difference if Bathory cannot shift. She's got me. The Luna of the North.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang pinunong tagapagsilbi habang marahan naman akong bumaling dito.

Gaya ng aking nakita sa memorya ni Bathory, nasa katanghalian na ang edad nito at may kapayatan ang katawan. Mataas lang ito ng kaunti sa dalaga ngunit sapat na ang matinis nitong tinig at matatalim na mga mata upang maintimida ang sino mang tagapaglingkod na nasa ilalim ng pamamahala nito.

Nakasuot ito ng kumpleto at malinis ng uniporme at tila hindi sapat iyong panangga sa lamig ng attic dahil sa bawat buka ng bibig nito ay may makapal na usok na lumalabas roon dulot ng mababang temperatura ng silid.

"At ano sapalagay mo ang tinutunganga mo pa r'yan? Maraming gawain ngayong araw dahil parating na ang dukesa at si Lady Vernon buhat sa kapital. Kumilos ka na at linisin ang mga-!"

"Helga," tawag ko sa pangalan nito upang putulin ang iba pa nitong sasabihin dahil masyado na nitong kinukulili ang aking mga tenga.

Awtomatikong nakarinig ako ng malakas na singhap mula sa punong tagapagsilbi at hindi nakaligtas sa aking malinaw na paningin ang pagkamaang at panlalaki ng mga mata nito. "A-ano? Anong tinawag mo sa akin?" tanong nito nang unti-unting makabawi sa pagkagulat.

Tuluyan na akong humarap dito sabay kiling ng aking ulo sa kaliwa. Blangko ang ekspresyon sa mukha na tumugon ako dito sa may kahinaan ngunit malinaw na boses. "I called you Helga because I believe that it's your name, right?"

Napabuga ito ng hininga sabay pameawang. "Nababaliw ka na ba? Sino ka upang tawagin ako sa aking pangalan? At kailan ka pa natutong tingnan ako ng diretso sa mga mata! Baka gusto mong tamaan na naman sa akin!" Hindi makapaniwala sa aking pagsagot na bulyaw nito at sa likod ng nakanginginig butong lamig ng silid ay nagsimulang mamula ang mukha nito sa galit.

Sa kasamaang palad ay hindi man lang niyon naapektuhan ni isang buhok sa aking katawan. My face remained emotionless when I spoke back in a sluggish low voice. "You're being too loud in the morning, Helga. Hindi kaya masyadong malamig para sa'yo ang silid ko kaya mainit ang ulo mo?" Straightening my back, I strode forward in a a lethargic pace, the floor making an unsettling creaking sound. "You see, Helga, I had a dream last night. Kagabi, naramdaman kong huminto na ang aking baga sa paghinga dahil sa nagyeyelong atmospera ng silid na ito na s'yang naging kumot ko sa magdamag." Diretsong itinutok ko dito ang aking bughaw na mga mata habang isang ngisi ang unti-unting lumitaw sa gilid ng aking mga labi.

"Anong pinagsasabi mong baliw ka! Sumosobra ka na, Bathor-" tangkang hahakbang si Helga upang simulang atakehin ako ngunit awtomatiko itong napahinto nang muli akong nagsalita.

"Last night, I died here. Cold and alone. Do you know what it's like to be frozen to death?" Tinawid ko ang aming pagitan sabay hinto nang ilang dali na lamang ang pumagigitna sa amin. "It was terrible, searing, and stabbing your flesh like a thousand knives. Death is more horrible than what you imagine, Helga."

Naglaho ang pamumula ng mukha ng kaharap kong pinunong tagapagsilbi at muling naging kulay papel ang balat nito. Nanlaki ring muli ang mga mata nito na tila nakakita ng multo.

"I-imposible. N-namatay ka kagabi?" nautal na anas ni Helga kasabay ng paglarawan ng matinding hilakbot sa katawan. "K-kung ganoon, isa ka ng m-"

"Just kidding!" I quickly cut her off and walked by her, a broad grin formed on my face.

The bitch is such a dupe.

"Geez! I'm starving. Get your ass in the kitchen and start making my breakfast, Helga!" I then exited the attic and jogged down the stairs as if nothing had happened, leaving the head servant stunned.

Did you see that?

The table has turned, Bathory.

At nagsisimula pa lang ako.

LUNA OF THE NORTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon