-IVORY/BATHORY
(WINTER CASTLE)Bagamat ibinilin ng 'aking ama' na huwag akong salingin ay inasahan ko pa rin ang isang mainit na komprontasyon matapos na lisanin nito ang kastilyo upang bumalik sa Copperwick; ang sentrong bayan ng Uno Bigoria. At hindi nga ako nagkamali dahil hindi pa man nakalalagpas ng gatehouse ang duke ay agad na akong hinarap ng dukesa nang akmang uupo akong muli upang mag-agahan.
She took haste steps towards me and grumbled, "Have you no shame!" Her face went scarlet, and her body trembled violently in rage. Umangat sa ere ang kamay nito upang bigyan ako ng malakas na sampal ngunit gaya ng panagako ko sa tunay na may-ari ng aking katawan, hindi ko papayagan ang sinoman ang kantiin itong muli.
Before the duchess' palm hit my icy cheek, my hand raised and effortlessly deflected her strike. I grabbed her wrist and pushed her back, causing her to stumble into the arms of Helga and Vernon, who were standing behind her. Sabay-sabay tumili ang tatlo sa pagkagulantang sa aking ginawa.
"You wench!" angil ni Vernon at akmang susugod upang iganti ang kan'yang ina ngunit mabilis na hinagilap ko ang isang tinidor na nasa hapag at itinutok iyon sa nagngangalit kong kapatid sa ama.
Vernon jumped back automatically and for the umpteenth time that day, everyone in the dining hall gasped in shock, causing me to roll my eyes.
Seriously? Wala na bang gagawin ang mga ito kung hindi ang suminghap? I can't believe Bathory allowed these weaklings harass her. If that's the case, she's letting me down big time.
"Stepmother, Vernon, kindly avoid surprising me," matapos ang ilang segundo ay wika ko sa mahina ngunit klarong tinig. "Nitong umaga, napagtanto ko sa aking sarili na hindi ko gusto ang ginugulat ako. I might respond harshly, and I cannot be held responsible for the actions that I did not instigate, can I? Furthermore, your grace, the duke himself said not to lay a hand on me, correct? O baka naman hindi n'yo na iginagalang ang salita ng panginoon ng kastilyong ito?"
Sa aking binitiwang mga salita, agad na naumid ang dukesa at si Vernon, maging si Helga.
Lihim akong napa-iling.
I've met people like them in the past. The nobles of the higher statuses who are incapable of dealing with family dishonor. Kaya ganoon na lang ang naging pagtrato ng mga ito kay Bathory dahil bukod sa nagtaksil ang duke sa asawa nito ay isang malaking eskandalo sa alta sosyedad ang magkaroon ng isang anak sa labas. And the duchess does not tolerate any of it, but her reaction to my last remarks also indicated that she has an aversion of upsetting her husband.
Pathetic.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ibinalik ang tinidor sa ibabaw ng mesa. "Now I lost my appetite. Please, excuse me everyone and oh-!" Bumaling ako sa mga tagapagsilbi na nasa isang sulok at palihim na pinanonood ang eksena sa silid na iyon. Itinuro ko ang isa sa mga ito na ayon sa mga alaala ni Bathory ay ang bukod tanging pinakitunguhan ng tama ang dalaga. "Ikaw, sumunod ka sa akin."
Hindi ko na hinintay na tumugon pa ito nang iwanan ko ang hapag, lagpasan ang aking nagngangalit sa galit na madrasta, ang hindi makapaniwalang si Vernon at ang naniningkit ang mga matang punong tagapagsilbi. Taas-noong humakbang ako palabas ng silid-kainan habang dinadama ang nagbabagang mga titig sa aking likuran.
Batid kong hindi sapat ang aking mga salita upang pigilan ang kung ano mang balakin ng tatlo laban sa akin. They were simply stunned by Bathory's overnight changes as of the moment and will undoubtedly assault again once they have recovered ngunit hindi ang tulad ng mga ito ang magpapataas sa aking mga balahibo.
As I strolled through the corridor leading to my new chamber, a little smirk tugged at my lips. A gust of wind blasted through the arrow-like small windows, and I hugged myself as it hit my thin frame. "I desperately need new dresses. What is your thought about it, Stella?" tanong ko sa presensya na sumusunod sa akin.
"Kung iyon ang nais ng binibini, narito lang po ang in'yong tagapagsilbi upang kayo ay taos-pusong paglingkuran."
'Excellent!'
______________-THIRD POV-
(ESTONIA)The path from Bridgeton to Estonia was treacherous, but the duke and his men arrived safely at the entrance to their lair within a day.
Habang namamahinga sa itaas ng isang burol ay pinagmasdan ni Slavic ang lupaing kan'yang naging pabuya mula sa emperador, sa unang digmaang kan'yang napagtagumpayan.
"It seems like only yesterday that you took over this shitty area, your grace," may malawak na ngiti sa mga labi na untag ni Rune. "Now, you can call it a real territory."
Ellias, who stood on the left side of the duke hummed in accord because he, too, is a witness to how Slavic Lauden's efforts altered a wasteland to a habitat in a short period of time
Isang walang katahimikang piraso ng lupa sa kanluran ng Uno Bigoria ang Estonia noon sapagkat malapit ito sa hangganan ng Mooncrest at ng emperyo ng mga werewolf shifters. Walang nais manirahan dahil sa madalas na labanan, ngunit nang maging sunod-sunod ang pagkapanalo ng duke sa madugong mga digmaan, kinatakutan na ng lahat ang lugar na pag-aari nito.
"Isa na lang ang kulang sa lupaing ito," Corei spoke in a solemn tone and turned to face their leader.
The duke grimaced in an instant because he knew where the conversation would lead. "Cut it out, Corellus. Winter has arrived, and all I need is a warm room, not some lass from those snotty noble family."
Bago pa makabigay ng reaksyon si Corei sa pagtawag ni Slavic sa tunay nitong pangalan ay nagsimulang humakbang patungo sa tarangkahan ang duke.
Batid ng binatang panginoon ng lupaing iyon na hindi habang buhay ay maiiwasan n'ya ang pag-aasawa. Estonia requires a duchess soon. He, too, requires a wife who will bear him an heir to carry on his legacy.
Ang tanging problema lang talaga ni Slavic ay kung sino ang pinagpalang babae ang gugustuhin ang tulad n'ya?
He sometimes wonders why the ladies feared him so much. Hindi naman daw s'ya ganoon kapangit ayon sa tatlong hangal na nasa kan'yang likuran ngunit bakit walang sinomang binibini ang nais maging kabiyak n'ya?
Dapat na ba n'yang pagdudahan ang katapatan ng salita ng mga ito?
The duke shook his head immediately and before he fell to depression, he took long strides to reach the gatehouse quicker. Agad na sumunod sa kan'ya sina Ellias, Rune at Corellus na pawang nagpakawala ng palatak.
Binalewala ng duke ang mga ito, sa halip ay itinutok ang atensyon sa kan'yang nasasakupan. Sa kabila ng malamig na temperatura na bumabalot sa paligid, hindi iyon ininda ng mga mamayan ng Estonia. Pansamantalang nilisan ng mga ito ang init ng kanilang tahanan nang mapansin ang kanilang pagdating.
"Maligayang pagbabalik, mahal naming duke ng Estonia!" masayang bati at pagpupugay ng mga ito.
Slavic's frown vanished. The beast of the battlefield's ferocious exterior has softened.
Isinilang ang duke sa gitna ng digmaan at lumaki sa bahay-ampunan. Naging isang kawal at dumanas ng maraming pagsubok bago maging isang tunay na mandirigma ng emperyo. Noon, mag-isa lang s'ya. Walang salapi at anomang pag-aari ngunit dahil sa pagsisikap at tibay ng loob, nabago ang lahat.
Nagkaroon s'ya ng tapat na mga tauhan at kaibigan, lupain at mga mamamayan.
Slavic lips curved into a small smile as he was filled with mixed emotion. He then convinced himself, "That's right. There's no need for me to find a wife. These people are enough to complete me."
BINABASA MO ANG
LUNA OF THE NORTH
WerewolfIn a world where shapeshifters exist, the Northern Kingdom is a domain where mythical shifters reside peacefully. Governed by a dominant alpha and his formidable luna, they provide assistance to maintain balance in the entire realm. Unfortunately, t...