CHAPTER FIVE

146 20 0
                                    

-IVORY/BATHORY-

"What is going on here?"

The servants whimpered like lost hounds and raced to one corner in dread as Duchess Roxanna yelled, her high rumbling voice filling the chamber.

Lihim na umigkas ang aking magkabilang kilay habang napatuwid ako ng tayo sa aking kinapupuwestohan. Nanikip ang aking dibdib at bumilis ang tibok ng aking puso.

It's fear.

'So that's how the duchess subjugates everyone in that castle, and how she made the real Bathory shudder to her core when they crossed paths in the castle.

Boses pa lang ay mapapaluhod na ang sinomang may mahinang puso. However, it's a shame, because I'm not her real stepdaughter.

Agad na pinatay ko ang takot na nagsimulang gumapang sa aking buong katawan at mabilis na pinag-aralan ang kabuu'an ng aking madrasta.

May taas itong limang talampakan at pitong pulgada na nadagdagan pa ng bahagya dahil sa suot nitong sapatos. Binagayan ng suot nitong hanggang sakong na pulang bestidang tunika na pinatungan ng malambot na pulang roba at makapal na itim na coat ang makinis at malagatas na balat at balingkinitan nitong katawan. Madilim na mansanas ang kulay ng buhok nito at aristokrata ang hubog ng mukha kaya hindi maikakaila na nagmula ang angkan mito sa mataas na antas ng lipunan. Samantala, ang mga mata nitong kulay tsokolate ay tila mga lawin na tila gustong manila. Binagayan iyon ng matangos at mapagmataas na ilong at ang mga labi nito ay pagkakipot na tila laging naka-ismid.

'Well, I know a villain when I see one, and she's one of them.'

While humming inside of my head, my gaze shifted from my stepmother to the man on her side, and the corner of my mouth twitched up.

Ashton Winter; Uno Bigoria's beta and the emperor's right hand. He's Bathory's father, or my father' from that day on.

Una kong napansin ang maayos na pagkakasuklay ng hanggang tengang buhok nito na kasing kulay ng aking buhok. Sumunod ay ang taas nitong nasa anim na talampakan at tatlong pulgada. Ang kulay asul na mga mata nito na hindi kakikitaan ng kahit anong klaseng emosyon ay tinernohan ng madilim na asul na waistcoat suit na pinatungan ng makapal na itim na wolf pelt at itim na sapatos. Bagay na bagay ang kasuotan ng duke bilang kanang kamay ng emperador. Ang may kakitiran at matangos nitong ilong, at ang maninipis at malawak na mga labi nito naman ay tulad ng sa dukesa na tila hindi alam ang pagngiti.

His dull eyes were fixated on me, and while the duchess' furious look wounded me like knives, I remained unwavering from my stance, gazing back at them with a little grin on my lips.

"I am asking what is going on here?" sa pangalawang pagkakataon ay tanong ng dukesa na muling pumuno sa buong silid-kainan. "Helga!"

Sa isang kisap-mata ay bumangon si Helga mula sa sahig at agad na humakbang palapit sa aking madrasta na sapo ang magkabilang pisngi.

"M-maligayang pagbabalik, dukesa," nakayukong bati ng punong tagapagsilbi sa may halong kabang tinig. "Tila nalimutan ni Bathory ang ilang mga importanteng bagay ngunit wala kayong dapat ikabahala, Dukesa Roxanna, Duke Ashton. Ako na po ang bahala sa kan'ya."

Sa narinig na tugon ni Helga ay lalo lamang naningkit ang mga mata ng dukesa. "Kung ganoon ay nalimutan mo na naman pala, Bathory, kung saan ang lugar mo sa kastilyong ito."

'Oh, she's talking to me, right?'

Isang malawak na ngiti ang aking iginawad dito bago nagwika sa magaang tinig. "I sincerely apologize for constantly ignoring my position in 'my father's' castle, stepmother." Sinadya kong diinan ang dalawa sa mga salitang huli kong binitawan saka nagpatuloy. "Hindi ko sinasadya na lagi kayong bigyan ng problema kaya naman simula sa araw na ito, bilang isa sa mga anak ng duke at bilang isang Winter, lagi n'yo na akong makikita rito sa hapag-kainan. As the goes, a feast tastes better when shared among family members."

The entire dining hall became silent as soon as I finished speaking. My stepmother and father were stunned, and Vernon, who was standing nearby in her warm winter clothing, had her eyes wide open and her jaw dropped in disbelief.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. "Alam kong nakabibigla ang aking desisyon ngunit matapos kong lagpasan ang matinding taglamig sa aking silid ng nakaraang gabi, napag-isipan kong panahon na upang sanayin ang aking karapatan bilang isang Winter."

"Have you lost your mind, bitch!" sikmat ni Vernon na hindi na nakapagpigil pa. "Mother, don't tell me you'll let her get away with this! Ang kapal ng bastardang 'yan na humarap sa atin na nakabasahang kasuotan lamang at magsalita ng kung anong kabaliwan!"

"Oh, dear sister, did my garments offend you in any way?" tilting my head to the side, I asked apologetically and turned to face my father. "Your grace, may I request for your kindness to ask a servant to provide me with new dresses so that I will not insult my stepsister again whenever we bump into each other?"

For the love of the Goddesses!

Ang tunay na Bathory ay hindi kailanman magkakaroon ng lakas ng loob na magsalita ng ganoon sa harap ng duke at dukesa ngunit hindi ko mapigilan ang magdiwang sa nakikita kong pagkamaang ng lahat dahil sa bagong Bathory na nasa kanilang harapan.

The duchess clenched her jaw and fisted her hands on her sides. "Your bastard, Ashton, has gone insane. Allow me to discipline her!" Tinabig nito si Helga at akmang hahakbang patungo sa akin nang biglang magsalita ang duke.

"You are not to lay a finger on her ever again, Roxanna," bagamat kalmado ang boses ay may halong awtorisasyon ang boses ng duke kaya awtomatikong natuod ang aking madrasta sa kinatatayuan nito.

"Ashton!" hindi makapaniwalang usal ng dukesa dahil sa unang pagkakataon ay kinontra ito ng asawa.

"Silence," muling wika ni Duke Ashton ngunit hindi pa roon ito natapos nang bumaling ito sa mga tagapagsilbi at nag-utos. "You heard what the lady said. Get whatever she needs and give her one of the solar room's chambers."

"Father!"

"Ashton!"

Sabay-sabay na bulalas ng aking mga kapatid sa ama at madrasta na nanlalaki ang mga mata sa gulat ngunit mabilis na tumalikod ang panginoon ng kastilyong iyon palabas ng silid-kainan.

"Prepare the carriage, Jackson. Let's go back to Copperwick," wika ng duke sa coachman na agad namang tumalima.

My lips pursed as my father faded from view and I returned my eyes to Vernon and my stepmother, who were staring at me as if they wanted to skin me alive. Ngunit hanggang tingin na lamang ang magagawa ng mga ito dahil ang salita ng duke ay batas sa kastilyong iyon.

When Duke Ashton declared, "The duchess can't lay a finger on me," he meant that no one should do so or they will be punished.

Sa totoo lang ay ginulat din ako ng duke.

In Bathory's memories, he's a total ass. Bakit bigla naman yata itong bumait at umaktong mapagmahal na ama sa dalaga?





LUNA OF THE NORTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon