/ STEP THIRTY TWO /

7 1 0
                                    

/ STEP THIRTY TWO /

Since December ngayon, ang Student Body Organization ay busy. Yes yes yo! Busy kami. Gosh, kaya naman datapwat may meeting kami kung paano at ano ang idedecorate namin.

"So anong idedesign natin ngayon sa school? Yung style ng christmas tree paano?" si Inah yan yung nagsasalita. Amp..

"Medyas..tapos lagyan natin ng design.." suhestiyon ko. Cute kaya yun medyas tas lalagyan ng disenyo tas lalagyan bawat room! Malay natin may gift yun kinabukasan from Santa!! Yey!

"Medyas? Kaninong medyas ang gagamitin, sayo?" sarkastiko niyang sabi, medyo nagulat naman ako sa sinabi niya..tumahimik na lang ako at sumsipsip ng refresh..

"Ano guys?" tss. Di ko alam kung sino sa amin ang president. Pero okay lang naman galit siya sakin kasi..Nasense lang ng instinct ko..Paano kasi sa room, basta nafefeel ko lang..

"Ahm, may nakita ako sa youtube, ganito yung ginagawa oh." biglang nagsalita si Perry , yung muse ng SBO. Tapos kumuha siya ng colored paper at dinemo yung design na napanood daw niya.

"Ah sige yan nalang, ang galing talaga ni Perry!" sabay pat ni Inah sa balikat ni Perry. Nagstart na kaming mag gawa ng designs, excuse kami sa buong araw na ito, lahat kaming miyembro ng SBO.

"Sa christmas tree paano?" tanong ulit ni Inah. Di ko nalang siya pinansin , di din naman niya tatanggapin sasabihin ko.

"White Christmas kaya?" si Vince ang nagsalita.

"Ha? Wag yun, aksayado sa bulak...Ahm, may naisip na ako.." sabi niya tapos kumuha siya ng mga gamit dun sa stock room nagpatulong siya kila Bryan..Pinag-ambag niya din kami tapos pinabili niya sa ibang member yung mga kailangan.

Naalala ko lastyear nung naggagawa din kami ng disenyo sa school, hindi naman ganito. I mean hindi ganito yung atmosphere ng SBO. Iba sya kumpara last year... Ibang-iba.

Inabot kami ng lunch pero hindi pa kami natatapos.. Yung christmas tree itinatayo na nang mga boys..Si Inah nandun siya kasi siya naman nakaisip..Habang kami dito guagawa pa din ng disenyo.. May naisip akong isa pang disenyo kaya naman ginagawa ko.

"Ate Rin ano yan?" tanong ng isang member.

"Ah naisip ko. :)"

"Ang ganda ah.." tapos napansin kong ginaya niya.. Ginaya din ng iba yung ginagawa ko. Pati ni cessa..

"Hi President."

"Hello po Sir!" tapos biglang tumabi sa akin si Sir, yung adviser ko.

"Ikaw nakaisip nun?" sabay turo niya sa chrsitmas tree.

"Hindi po ah, si Inah po."

"Sus, ang ganda kaya nung lastyear na gawa niyong christmas tree, lahat ng idea sa president nanggagaling..."

"Luh, hindi nga po ako ang nakaisip ng christmas tree ngayon, si Inah po---" di ko na natapos kasi biglang pinatawag si Sir sa office..

"Hooo kapagod!" sabi ni Inah nang makabalik siya..

"Guys ano yan?" sabay turo sa ginagawa namin.

"Naisip ni ate Rin.." sabi nung isa.

"Ah...mukang ferris wheel ah. Hahahahaha.." pinagwalang bahala ko nalang yung sinabi niya at nagpatuloy lang sa ginagawa. Pagkatapos noon idinikit na namin sa bawat tapat ng room..Dito na nga kami naglunch sa kubo eh..

Around 3 na kami natapos ng pagdedecorate sa school plus yung sa christmas tree pa. Nakakapagod masyado. Pagbalik namin ng didiscuss lang si Sir. Pero ang nagawa ko nalang ay matulog.

Crossed StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon