/ STEP THIRTY ONE /

9 2 0
                                    

/ STEP THIRTY ONE /


Author's Note: Sinong nanood ng PBB737? WAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!! Akala ko pito lang sila, medyo excited lang pala ako na makilala sila. Haha, anyway tuloy ang basa. LOVE.LOVE!

After nang practice namin tinext ko si Cessa. Badtrip naman kasi hindi ko sya kagroup. Doon sya napapunta kila Sapphire at Inah.. Well kasama naman niya si Rica eh. No worries.

To: Best

Cessa? Tapos na ba kayo? Tara kila Crisha.

From: Best

Ha? Di ako makakapunta naglolomi kami eh.

Hindi ko na nireplayan si Cessa. Nakaka-ouch naman. Naalala ko tuloy yung sabi ni Vince kanina.

FLASHBACK

"Sige bukas na uli yung practice natin after class." sabi ni Vince. Naglakad kami sa waiting shed para maghintay ng jeep.

"Saan ka na ngayon Rinrin?" tanong ni Vince.

"Ah baka kila Crisha. Kayo?" maitext nga din si Cessa na tumambay kami kila Crisha after ng practice nila..

"Ah maglolomim kami..diba Ella?"

"Yup." medyo naninibago na ako sa mga nangyayari. This past few days kasi, sila Ella at Rica kila Inah na nasama..Ayoko namang mag-usisa, di naman kasi ako ganun eh. Maya maya napansin ko si Vince na nakatingin sa phone niya, pati si Ella. Nakaka-OP naman kaya nakidungaw din ako. Pero..

"Bawal, hindi ka namin tropa." sabay layo ng phone niya, ouch naman daw. Hindi ko rin alam ngunit aminado akong nagbabago nga si Vince.. pati si Inah ng pakikitungo sa akin..

END OF FLASHBACK

Dumiretso na lamang ako kila Crisha. Dito ako lagi pumupunta kapag ayoko pang umuwi.

"Crisha!" tawag ko sa labas ng bahay nila.

"Pasok ka Rinrin." sanay na si Crisha sakin na laging nandito ako sa kanila kapag ayoko pang umuwi..

"Anong ginawa nyo?"

"MTV."

"Ah nasaan si Cessa?"

"Di ko siya kagrupo eh..saka maglolomi daw sila..kasama niya sila Inah."

"Ha? Ganun ba.." masyado na akong sensitibo sa mga nangyayari sa paligid ko eh...Napansin kong nakatingn sa likod ko si Crisha kaya naman lumingon ako..

"Evo?"

"Oh bakit ka nandito Evo?"

"Ahm, masama ba? Gusto ko makita girlfriend ko eh."

"Paano mo nalaman na nandito ..ako?"

"Nakita ko sila Ella at Vince, pati yung ibang classmate mo.. Pati si Cessa. Tinanong ko sa kanila kung nakita ka nila. Sabi nila dito ka daw magpupunta."

"Ah.." si Cessa mas pinili niya sumama sa kanila, kaysa sakin.

"Tambay tayo samin?"

"Oh sige sige, nandoon ba si Aldrin?" tanong ni Crisha. Bestfriend niya din kasi si Aldrin.

"Oo."

Inintay muna namin si Crisha bago kami nagpunta doon kila Evo, well not actually sa kanila. Kundi kila Aldrin.. Lagi naman ganito eh.. Kila Aldrin lang kami nakakatambay, hindi sa bahay nila Evo. Hindi pa nga kasi kami legal..

"Kamusta MTV niyo?"

"Okay lang.." sagot ko sakanya nang walang gana.. Kasi naman.. Cessa amfs. Nandito kami sa sala nila Aldrin. Habang sila Aldrin, Crisha, Rishii at Bless nasa kitchen.. Ewan ko ginagawa nila. Baka nagluluto? Kitchen eh.

Crossed StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon