Alas 5 pa lang ng umaga ay bumangon na siya kahit na masakit ang katawan niya lalo na sa gitnang bahagi ng katawan niya. Tumingin siya sa asawang nakahubad at himbing na himbing sa pagtulog. Paika ika siyang naglakad patungong banyo. Mabigat ang pakiramdam niya pero bawal siyang umabsent kasi may mahalaga siyang meeting ngayon. Pinaandar niya ang gripo sa bathtub at tinimpla ang tubig sa maligamgam para maibsan ng konti ang sakit ng katawan...Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya ng pang opisina. Naka pencil cut skirt at sleeveless ang suot niya na pinatungan ng coat at pinaresan ng flat shoes. Still the same old her pero umikli lng ang paldang suot at naka sleeveless na siya. There's no point to wear those clothes before since may asawa na siyang tao the pretensions of her look is already over. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at bumaba na. She's suppose to have her honeymoon kasama si Harrison pero di niya kayang makita ito pagnagising na. Nagluluksa ang puso niya dahil matapos makipagtalik ng asawa sa kanya kapatid pala ang niya iniisip nito habang ginagawa nila yun. Alam niya sa sarili niya na sa simula palang ay ito na ang mngyayari pero masakit pa rin talaga ma experience mo na ang reality. Kinuha niya ang gamit at bag para makaalis na nang bahay nagdala lang siya ng kape at sandwich at mabilis na nagmaneho ng sasakyan. Di na siya nag abala pangmagprepare ng almusal ng asawa dahil baka maabutan pa siya nito sa kusina.
"Damn". mura niya ng maramdaman niyang wala na ang asawa sa tabi. "Honey? Honey?" tawag niya sa asawa mabilis na bumangon para hanapin ito. Pagtingin niya sa relo ay nanglumo siya. It's almost lunch time at alam niyang pumunta ito sa eskwelahan. Di man lang talaga siya hinintay ng asawa masakit pa naman ang katawan nun dah sa nangyari sa kanila kagabi. Napangiti siya ng maisip ang nangyari sa kanila they madelove. Tipsy siya kagabi pero alam niya ang nangyayari at damang-dama niya kung paano niya inangkin ang asawa pero mali ang nasabi niya kagabi nasambit niya ang pangalan ni Sophie dahil nagpapasalamat siya dito na umalis ito at narealize niya na si Ally talaga ang tunay niyang mahal. Or he was just lusting over his wife? Kagabi niya na realize na si Sophie ay parang little sister lang sa kanya kaya kahit minsan di sila umabot sa punto na magtalik hanggang kiss lang ang kaya niyang gawin dito magkaibang magkaiba sa nararamdaman niya ng makasama si Ally. His body wants her so bad at takot siyang mawala ito sa kanya kaya simula ngayon nangangako siya sa sarili na aalagaan niya ang asawa at papatunayan dito na deserve niya ito. His wife is pure and I don't know how to name these feelings i felt for her. bulong ng utak niya.
"Mam ang ganda niyo talaga at ang bait pa." sabi ng isang nanay nagulat pa siya ng biglang may iniabot ang tatay ng isa sa mga estudyante ng school niya. Ito ang biyudong Mayor na matagal ng nagpapalipad hangin sa kanya.
"What's this for mayor Jimenez?" tanong niya dito sabay abot ng bulaklak.
"Para sa 'yo yan Mam." sagot nito sa kanya sabay kamot sa ulo while he grinned showing his killer smile. Okay,gwapo si mayor pero di niya ito type at matured ito masyado ito ang best friend ng tito Marco niya which is 12 years younger sa dad niya and besides may asawa na siya.
"I hope this is the last Mayor. Ayoko pong ma issue and besides I'm already married but we can be good friends." prangkang sabi niya dito.
"Okay let's be friends then kahit na basted mo ako . This is why I really like you mam masyado kang prangka at walang paligoy-ligoy." sagot nito sa kanya sabay halakhak na showing his two dimples on his cheeks. Ngumiti siya dito. "Don't be so formal to me Mayor, just call me Ally." aniya at nakipagbiruan na sa gwapong mayor.
"Don't call me Mayor then. Just call me Lawrence too or maybe Renz since we're already friends. nakangiti pa ring sabi nito sa kanya. Natigil lang sila sa pagkwekwentuhan ng dumating ng pinsan ni Ally.
"Hi Marj!" Excited na sabi niya sa pinsan na dinamba siya ng yakap kumalas lang ito sa kanya ng mapansin ang lalaki sa tabi niya. Nginitian naman ito ni Renz habang pairap naman na dineadma ito ni Marj.
"Di ko akalain na maliligaw pala ang mayor dito sa school mo ate." sarkastikong sabi ni Marj.
"Is that how you greet your dad's best friend little Marj?" nanunuyang sagot nito sa pinsan niya. There must be something between these two she bet. Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga ito.
"Kahit kailan talaga ang suplada mong bata ka."ani Renz dito.
"So what kung suplada ako?Di mo na problema yun Mr. Mayor!"pagtataray ng pinsan niya.
"Still the childish brat I used to know. Wala pa ring pinagbago."pangaasar pa nito sa pinsan niya.
"Hmp! Pasalamat ka at kaibigan ka ni dad kung hindi baka nahampas na kita ng bag ko!Bwe..."di niya natapos ng sasabihin ng biglang nagsalita si Renz at sumeryuso.
"Stop saying bad words in this place young lady! Alam mong maraming bata ang makakarinig sayo na nagmumura. saway nito sa kanya.
"Whatever Mayor Oldie!" sagot ni Marj sabay irap. Kumukulo talaga ang dugo niya sa lalaking ito matapos siya nitong tanggihan dati. He was her first heartbreak at kahit kailan hindi niya ito mapapatawad not even in her dreams.
Nawili naman si Ally sa bangayan ng dalawa at kinikilig siya sa mga ito. Playboy talaga si Mayor. Natatawang bulong ng utak niya.
"Tara na nga ate!May asungot kasi dito!"padabog na aya ng pinsan niya sabay hila sa kamay niya.
"See you around girls."ani Renz sabay kindat pa.
"See you around mo mukha mo!Leche ka!"
Malakas naman na humalakhak si Renz dahil sa reaksiyon ni Marj bago niya iniwan ang mga ito.
"Wag lang sana mapatid ang matagal ko ng pagtitimpi sa 'yo Marjorie." mahinang bulong niya sa sarili."Napadalaw ka Marj?"tanong niya sa pinsan na di pa rin maipinta ang itsura..
"Gusto sana kita yayain sa party ko bukas ng gabi Ate tsaka na miss din kita syempre. Hahaha" anito sabay halakhak at yakap sa kanya. "Wala pa ba talagang balita kay Ate Sophie kung nasaan na siya ngayon?"
"Wala talaga eh. Di pa rin siya nagpaparamdam." sagot niya dito sabay buntong hininga. Kahit galit siya sa kapatid ay di pa rin niya maiwasan ang magalala para dito. Mahal niya ito at ayaw niyang masaktan ito..Kung nasaan man ito sana ay nasa mabuti itong kalagayan...
"Ate lunch out tayo tapos libre mo ako"masayang sabi ni Marj sa kanya.
"Nauto mo ako dun ah. Hahaha" aniya dito sabay halakhak
"Bakit ang hinhin mo pa rin te kahit humahalakhak ka na?How to be you po?"tanong ni Marj sa kanya.
"Loko ka talaga Marj kung anu anong pumapasok diyan sa utak mo."natatawa niyang sabi dito.
Natigil lang ang usapan nila ng tumili si Marj dahil sa di niya inaasahang bisita.
"Hi kuya Harry! bati nito sa asawa ng pinsan pero napairap lang ang pinsan niya sa asawa. Nangangamoy LQ ang dalawa kaya nag decide siyang umuwi na para makapag usap ang dalawa.
"Hi Marj,Hi Honey!"bati niya sa dalawa.
"Naku ate mauna na pala ako may photoshoot pa pala ako ngayon. Bye Lovebirds see you some other time!" anito at tuluyan ng umalis.
"Do you need anything Harrisson? pormal niyang tanong sa asawa. Galit pa rin siya dito hanggang ngayon kahit sinong babae naman siguro hindi matutuwa na ibang pangalan ang isinigaw habang nagniniig sila."Masama bang dalawin ko ang asawa ko at yayaing maglunch?"
"Busy ako Harrison at alam kung busy ka rin sa kompanya kaya bumalik ka na sa trabaho mo." pagtataboy niya dito.
"I'm always free anytime basta't para sa asawa ko honey and we're having lunch weather you like it or not. Let's give this marriage a try to workout because I don't want our parents to be disappointed because of this deal that we made."mahabang lintanya nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya. She has no choice but to mend the pain from last night physically and mentally na bugbog sarado siya but kailangan niyang magtiis. Ngayon pa ba siya magiinarte kung ang lalaking mahal niya mismo ang nakikiusap sa kanya na subukan nilang mag workout ang kasal nila? She can't always say no to this man. Maybe it's the time to make him fall in love with her at gagawin niya ang lahat para mahulog na ang loob nito sa kanya ng tuluyan. Kalimutan na muna niyang nagtatampo siya dito...
A/N: sorry kasi slow update😅salamat sa pagbabasa
BINABASA MO ANG
Hanggang sa Ako ay Mahalin mo
RomanceBroken| Martyr| Cheat|Marriage| Lies| Second chances| Forgiveness Mahal na ni Ally si Harrison noong mga bata pa lamang sila pero ng makilala nito ang bunso niyang kapatid na si Sophie ay nabaling ang atensyon nito sa kapatid niya hanggang sa siya...