"Princess!"
Dahan-dahan akong napamulat ng mata at bumangon. Nanliliit ang mga mata ko dahil sa hindi ko makilala ang lugar na kinaroroonan ko.
This is not my room!
"Ate"
Napaharap ako sa batang babaeng nagsalita, kunot-noo ko siyang tinignan. Nag-aalala itong nakatingin sa akin.
Who is this?
"A-Ate... Kumusta po ang pakiramdam mo?"
Ate? Ako ba kinakausap nito?
"Ate"
She's talking to me. Pero sino ba 'to? Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid? At saka nasaan ba ako? Kailan pa lumaki ang kwarto ko?
"Princess Myan, hayaan niyo muna magpahinga si princess Vynise"
Napatingin ako don sa isang babae at kumunot ang noo ko.
Princess Myan?
Napatingin ako don sa batang babae
Princess Vynise?
What the f*ck? Wait...Nananaginip ba ako?
Kinurot ko ang braso ko dahil pagkakaalam ko kapag kinurot mo ang sarili mo magigising ka sa panaginip.
"Ouch!"
"Ate! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" Naiiyak na sabi nong bata at niyakap ako. Pero hindi ko siya pinansin.
The f*ck is happening? I'm not dreaming! I'm inside of my own story!! Princess Myan? The younger princess of Auzia kingdom! Princess Vynise, the first princess of Auzia kingdom. The villainess of my story, My Lovely Star one of my fantasy story. Hindi ko pa siya napa-publish dahil kakatapos ko lang gawin nito. But the question here is, paano ako napunta sa story na 'to?
"Iha..."
Napalingon ako sa matandang tumawag sa akin. Naglalakad ako ngayon sa isang eskinita pauwi sa apartment ko. Galing akong grocery store, bumili lang ako ng snack.
"Iha puwede ba makahingi ng kaunting barya" sabi nong matanda "Pambili lang ng pagkain"
" Uh..."
Wala akong pera, sakto lang yung dinala ko pang-bili ng snack. Kaya nga naglalakad lang ako ngayon.
" Uhm... P-Pasensya na po, wala na po kasi akong pera"
" Ganun ba? S-Sige, ayos lang"
Bakas sa mukha niya ang lungkot at mas lalo lang ako naawa sakaniya.
" Uhm... Kung gusto niyo po, ito nalang po" sabi ko sabay abot sakaniya ng isang onigiri at isang bote ng softdrink.
"Thank you iha"
Bahagya lang akong ngumiti sakaniya
"Para makabawi ako sa kabutihan mo, tanggapin mo itong libro"
May inabot siyang libro sa akin, medyo luma na tignan at kakaiba rin ang disenyo nito. Pero maayos pa ang balat nito. Tinanggap ko 'yon at tinignan ang nilalaman non pero kumunot ang noo ko nang wala namang nakasulat doon.
"Walang sulat 'yan dahil ikaw ang gagawa ng sarili mong kuwento. Kailangan mo maging maingat dahil sa isusulat mong kuwento sa librong 'yan ang magiging kapalaran mo."
"Po?"
Napatingin ako sa libro at mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi ko ma-gets ang sinabi niya.
"Ano pong ibig niyong sabihin--"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang nawala sa harap ko yung matanda. Hindi ko na inalala pa yung nangyari ng gabing 'yon at nakalimutan ko na rin ang sinabi nong matanda tungkol don sa librong binigay niya. Isang gabi may bigla pumasok sa isip ko na bagong estorya at nagawa ko nga ang My lovely star. I'm planning to published this story kapag natapos ko na and I just finished this night.
So it means, kaya ako nandito dahil sa binigay na libro nong matanda? Seriously?
"Ate"
Napatingin ako doon sa batang nakayakap sa akin. She's still sobbing. Hinaplos ko ang mahabang buhok niya at naramdaman ko ang pagkatigil niya at napaangat ng tingin sa akin.
"I'm sorry" sabi ko at ngumiti sakaniya. Saglit siyang napatulala sa akin at maya-maya lang ay ngumiti siya at niyakap ulit ako.
"Princess Vynise, ayos na ho ba kayo? Dalawang linggo na po kayong walang malay at pati ang hari at reyna ay nag-aalala na para sa inyo"
Ariya, Vynise personal maid for almost 17 years. Since pinanganak si Vynice. Ariya is one of those people na ayaw na ayaw kay Vynice, one of those people na gusto siyang mawala sa mundo. Vynice killed Ariya's mother dahil hindi nito sinunod ang gusto niya. Ganyan kasama si Vynice, she's a villain, she's evil.
" I'm fine" sempleng sagot ko.
As I remember, nagkaroon ng malubhang sakit si Vynice. Wala siyang malay for almost two weeks and I think ito yung araw na nagkamalay siya. Pero ang hindi ko inaasahan na gigising siya as me at gigising ako as her. Bakit sa dinami-daming character, bakit sakaniya pa?
Napabuntong-hininga ako at napailing nalang.
"Myan"
Tinawag ko si Myan dahil hindi na siya lumayo sa akin.
"Myan"
Nakatulog ba siya?
"Princess Myan?"
"She's sleeping" sabi ko
"Naku! Pasensya na po princess Vynice" natatarantang sabi nito. "Dadalhin ko na po siya sa kwarto niya"
"No need, hayaan mo nalang siya"
"Po?"
Kita ko ang gulat sa mga mata niya at pagtataka.
"I'll take care of her. Hindi ba at kailangan mong ibalita kay ama ang pag-gising ko?"
"Uh...O-Oo nga po pala" sabi nito at umayos ng tayo. "B-Babalik po ako agad"
I smiled at her
"Take your time"
Yumuko siya at umalis na. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Nalipat ang tingin ko kay Myan na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan kong inayos ang pagkakahiga niya sa kama tapos nilagyan ko din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. After non naglakad ako palabas ng terrace at doon nakita ang maliwanag na kapaligiran at sa subrang taas ng palasyo ay kita ko mula sa terrace ng kwarto ko ang mga nakatayong bahay sa labas at hindi kalayuan sa palasyo.
This is the city of Auzia, such a wonderful place. Pero ang bayan na 'to ay unti-unting babagsak at maghihirap ang mga tao dahil kay Vynise. Alam kong masiyadong oa ang pagiging masama ni Vynice, pero naisip ko kasi na mas exciting yung story kung subrang sama talaga ng kotrabida. Pero ang hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa katauhan niya!
But wait... Since ako yung gumawa ng story na 'to, ibig sabihin kontrolado ko ang mga mangyayari? Kaya kong baguhin yung mga mangyayari, o yung story mismo. Maliligtas ko pa ang mga tao sa story na 'to at ang lugar na 'to.
Hindi naman ako mahihirapan dahil alam ko ang lahat ng tungkol sa mundong 'to--sa kuwentong 'to.
Kapag ba natapos ko na ang story na 'to babalik na ulit ako sa totoong mundo ko? I hope so, hindi ko pa nagagawa yung mga gusto ko at hindi ko pa natutupad ang nag-iisang pangarap ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)
FantasyFara Quezon, isang sikat na story writer. Wala siyang ibang gusto kundi ang gumawa ng iba't ibang klase ng story, she's obsessed with her hobby. Hanggang sa isang araw bigla nalang nasa mundo siya ng sarili niyang kuwento. Kuwento kung saan isa siya...