Kabanata 25

1.9K 48 0
                                        

Months passed...

Maayos na ang lagay ni Cian, pero nanatili parin ako sa bahay. Hindi muna ako bumalik sa apartment ko for some reason. Umuwi ako doon isang araw, at hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog ng maayos doon. Lagi nalang ako nanaginip ng hindi ko malamang senaryo. May nakikita akong mga tao, pero malabo ang mga mukha nila.

"Fara"

Napalingon ako kay mama nang tawagin niya ako. Nasa sala ako inaayusan ang kapatid ko.

"Pagkahatid mo kay Cian, puwede ka bang mag-grocery? Wala na tayong stock dito"

"Sige po"

"Ito yung pera oh..."

"Hindi na po" sabi ko at tumayo na.  "Cian, kunin mo na gamit mo"

"Sige po ate"

"Fara, kunin mo na 'tong pera"

"Ma, sabi ko sainyo wag na. May pera pa naman po ako"

"S-Sigurado ka?"

I smiled and nodded. Okay na kami ni Mama, napatawad ko na siya at napatawad niya na rin ako. Pero, may mga oras pa din na, nagkakailangan kaming dalawa. But, we're fine now.

"Let's go ate!" Sabi ni Cian habang bumababa ng hagdan.

"Sige na Ma"

"Ouhm... Mag-iingat kayo"

"Bye Mama" Paalam ni Cian sakaniya.

Umalis na kami ni Cian para ihatid siya sa school. Nag-abang lang kami ng tricycle, at nang makasakay na kami agad din kami nakarating sa school, dahil malapit lang naman 'to.

"Ate, pasok na po ako"

"Okay"

Sinundan ko lang siya ng tingin papasok ng gate ng school. Nang mawala na siya sa paningin ko, agad na akong sumakay ulit sa tricycle at nagpahatid na sa grocery store. Bumili lang ako ng mga kailangan namin, then mga pang-baon ni Cian sa school.

Anyway, I stopped writing stories. Hindi naman sa tinatamad ako. I don't know, wala ng pumapasok sa utak ko na bagong story. At saka, nag-focus muna ako sa pagpapaaral kay Cian. Nagtrabaho ako sa isang restaurant bilang waitress. Isa itong public restaurant at hindi rin ganun kasikat, kaya maliit lang ang sinasahod ko. Pero tama lang naman ang sinasahod ko, para sa pagpapaaral kay Cian. Tinutulungan din ako ni Mama. Nagtitinda siya ng mga street food sa tapat lang din ng bahay namin.

After ko bayaran ang mga pinamili ko, agad na akong lumabas ng grocery store at mag-aabang nalang ng tricycle pauwi sa amin.

"Fara?"

Kunot-noo akong napalingon sa babaeng tumawag sa akin at doon nakita si Carla.

"Carla"

"My God! Nagpakita ka rin!"

"Uhh..."

"Ilang buwan ka hindi nagpakita! Panay chat ko sa 'yo, 'di ka nagrereply o kahit seen"

"Uhm... Busy lang" naiilang na sabi ko.  "So Uhm... Kumusta?"

"Okay naman. Ikaw ba? Ano ba pinagkaka-busy-han mo?"

"Nagkasakit kasi ang kapatid ko"

"Oh... That's why..." Sabi niya.  "Anyway, since nagkita na rin naman tayo. Let's hung out, I really miss you"

"I'd loved to, but I have work today"

"Ehh? What time ba uwian niyo?"

"6:30"

"Then that's fine, 7pm naman ang start ng party"

"Party?" Kunot-noong tanong ko

"Yup, birthday ni Ken ngayon, don't you remember?"  Umiling lang ako.  "Magtatampp 'yon kapag nalaman niya" natatawang sabi niya.  "Anyway, pupunta din si Davin doon, kaya dapat pumunta ka"

"S-Si Davin?"

"Yup! Kakauwi niya lang last month. Hinahanap ka nga niya sa amin e"

Ilang taon ko din siya hindi nakita sa personal. Last na balita ko sakaniya ay noong sinabi sa akin ni Carla na may girlfriend na daw siya. After that, wala na akong naging balita at ayuko na rin makarinig pa ng tungkol sakaniya, dahil alam kong masasaktan lang ako.

I've been so in love with him, since childhood. Though, alam kong walang pag-asang maging kami, dahil magkaiba kami ng buhay. Kung baga, langit siya, lupa ako. Hindi kami nakapag-usap noong umalis siya, kahit na kasama ako noon sa paghatid sakaniya sa airport. Gusto ko siyang kausapin noon at sabihin ang nararamdaman ko para sakaniya, pero ni bye hindi ko nasabi.

"So ano? Chat ko sa 'yo yung place, or if you want sunduin nalang kita sainyo"

"Uhm..."

"Hephep! Bawal tumanggi"

Mukhang wala naman na akong magagawa, kaya tumango nalang ako. Nag-usap pa kami saglit, bago ako nagpaalam na sakaniya dahil papasok pa ako ng trabaho. Pag-uwi ko ng bahay, agad akong nag-asikaso ng sarili ko para pumasok sa trabaho.

"Ma, alis na ako"

"Sige, ingat ka"

Sumakay na ako ng jeep papunta sa trabaho ko. Pagdating ko doon, nagtaka ako dahil nakalagay sa may pinto ay "Closed". Pagpasok ko sa loob, parehong napatingin sa akin si ma'am Ave at sir Ian.

"Fara, hindi mo ba nabasa ang chat ko?" Tanong ni ma'am Ave.

"Hindi po e, bakit po?"

"Wala muna tayong pasok ngayon"

"Po?"

"I just realized na puro tayo trabaho. So I decided na bigyan kayo ng time para makapagpahinga at makasama ang family and friends niyo"

Hindi ako nakapagsalita at tumango nalang. Nag-usap pa kami saglit, bago ako nagpaalam na. Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si mama na nag-aayos na ng titindahin niya mamayang hapon.

"Oh? Akala ko pumasok ka?"

Kuwenento ko kay mama ang sinabi ni ma'am Avi sa akin, at tango lang naman ang sinagot niya. Nakuwento ko rin na nagkita kami ni Carla kanina at nakapagpaalam na rin ako sakaniya na may pupuntahan kami ni Carla na party.

Tinulungan ko si Mama na magtinda ng mga street food, hanggang sa maghapon na. 5:00pm nag-asikaso na ako. Nakaligo na ako at nag-ayos ng sarili. I wore a black jogger pants, black hanging blouse and white rubber shoes. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko, naglalagay naman ako ng kaunting face powder at water proof lipstick, para hindi agad matanggal kahit kumain ako o uminom.

Siguro ang tanging maipagmamayabang ko lang sa mukha ko is my long curl eyelashes and my pointed nose. The rest, hindi na ganun kaganda, especially my body. Hindi naman ako mataba at hindi rin payat, sakto lang.

After ko mag-ayos, sinuklay ko naman ang maiksi kong buhok. After that, kinuha ko na ang sliding bag ko at lumabas na ng kwarto. Nagpaalam lang ako kay Ma at Cian, tapos umalis na ako. Nag-jeep lang ako papunta sa bar club kung nasaan daw sila, kaya pagdating ko doon medyo nagulo ang buhok ko at pinawisan din ako. Inayos ko muna ang buhok ko, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, then nag-spray ng pabango.

Hahakbang na sana ako papasok sa loob, nang bigla akong may nabunggo.

"Sorry" hinging paumanhin ko at lalagpasan na sana siya, nang bigla nalang niya ako hawakan sa braso ko.

"Fara?"

Nag-angat ako ng tingin sakaniya at nang makita ko ang mukha niya, hindi ko alam ang ire-react ko. Gulat at kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"G-Glaze..." 

I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon