Kabanata 1

3.7K 88 1
                                    

"Princess Vynise"

"Hmm..."

"Princess Vynise, baka po mahuli kayo sa klase niyo"

"Tinatamad ako"

"P-Pero kailangan niyo pong pumasok ngayon dahil dalawang linggo na po kayong hindi pumapasok"

D*mn! Why I forgot about this part? Tamad pa naman ako mag-aral lalo na at kailangan mong gumising ng maaga.

"Princess Vynise"

"Ouhm... Babangon na"

D*mn!

Wala akong choice kundi ang bumangon at mag-asikaso. Naligo muna ako at habang naliligo ako napatingin ako sa reflection ko sa salamin kung saan nakikita ko ang buong katawan ko. Hindi ko ini-expect na yung ginawa kong katauhan ni Vynice ay magiging ganito. Kung masiyado akong exaggerated sa pagiging masama niya, mas exaggerated ako sa pag-describe ng katauhan niya. She's gorgeous with her long blonde curly hair, thick eyebrows, long and thick eyelashes, her dark brown eyes, her pointed nose and her thin pinkish lips. Matangkad din siya at maganda ang hugis ng katawan.

I described her that way because every villain in any story had their own unique beauty.  Masama ka na nga panget ka pa, ang boring non. Napapansin ko 'yon sa ibang mga story o kahit sa mga drama sa TV, mas magaganda yung mga kontrabida kaysa sa main character. Ginaya ko lang sila.  Masiyado nga lang exaggerated.

After ko maligo lumabas na ako ng banyo na nakatapis. Naabutan ko si  Ariya na hinahanda na ang mga susuotin ko.

"Princess Vynise, papatuyuin ko na po ang buhok niyo"

Naupo na ako sa harap ng isang table mirror. Inumpisahan na ni Ariya patuyuin ang buhok ko gamit ang blower. After non sinuklay niya ang buhok ko at tinali 'yon pataas. Inayos niya ang pagkakaayos ng curtain bangs ko then sinimulan na niya akong lagyan ng mga palamuti sa mukha. Tinulungan niya din ako mag-suot nong uniform ko.  It's a white long sleeve polo with black ribbon necktie and a black blazer suit na may name tag sa left side. Sa bottom naman ay black skirt na may white line sa waistline at sa dulo ng skirt, hanggang kalahati lang ng hita ang haba at nakasuot din ako ng mabahang puting medyas at itim na school shoes na may three inches na takong.

Ngayon ko pinagsisihan na ginawa kong ganito kaiksi ang school skirt!

Pagtapos ko mag-ayos lumabas na kami ng kwarto ko. Sinabit ko sa kanang balikat ko ang bag ko habang hawak ang strip nito. Lahat ng madadaanan namin ay gumigilid at yumuyuko at ganun din pagdating sa school pero naririnig ko ang mga bulungan ng iba.

"Bakit pa nagising 'yan?"

"Shh...baka marinig ka"

Napabuntong-hininga nalang ako at napailing. Kailangan kong masanay. Pagdating ko sa room agad na tumahimik ang mga kaklase ko, hindi ko sila pinansin at dumeretso nalang sa upuan ko. Ang upuan dito ay pataas, pahagdan siya at mahaha ang mga upuan at lamesa. Dalawang row lang siya, sa isang upuan tatlo ang kasya pero dahil isa tayong villainess wala akong katabi.

Well actually wala namang permanenteng upuan,it's up to you kung saan ka uupo. Kaya naupo ako sa bandang gitna sa left side.  At dahil inaantok pa ako at wala pa namang teacher, pinatong ko ang magkabilang braso ko sa lamesa saka sinubsob ang mukha doon.  Hindi ako natutulog, nakapikit lang ako kaya naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante.

"Omg!!"

"Good morning prince Caine!"

"He's really handsome"

Napaangat so ng ulo nang marinig ko ang sigawan ng mga estudyante at pagkaangat ko nakita kong paakyat si Caine.  Prince Caine Loir, the second main character, the leading man, the second prince of Loir kingdom. He's handsome, tall, hot and smart. Kaya famous siya at kung bakit patay na patay si Vynise sakaniya. He's the reason kung bakit siya nabaliw, kung bakit babagsak ang kaharian ng Auzia at siya rin ang pumatay kay Vynise.

Kailangan kong umiwas sakaniya!

Binalik ko ang pagkakasubsob ko sa mga braso ko at pumikit ulit. Narinig ko ang mga naging reaksyon ng mga estudyante.

"Huh? Did she just ignore prince Caine?"

"Oh my... What happen?"

"Is that really princess Vynise?"

Okay, naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaksyon nila. Kapag kasi nakikita ni Vynise si prince Caine mabilis niya itong sasalubungin at babatiin. Yayakapin ang braso ni prince Caine at iinggitin ang ibang babaeng nagkakagusto dito.  Pero dahil ang misyon ko ay ang baguhin ang istoryang ito, kailangan kong lumayo sakaniya at sa main character ng story na 'to.

I don't want to die!

Nakamukmok lang ako hanggang sa dumating yung prof namin. I'm bored! Nakapangalumbaba ako habang nagsusulat ng note sa notebook ko. Nakadalawang sunod na subject bago nag-break time. Tumayo ako at sinukbit ang bag ko sa balikat ko at tahimik na bumaba para lumabas ng room.

"Princess Vynise, Prince Caine come with me"

Taka akong napatingin kay Mrs. Alterin. Lumabas na siya at sumunod naman si prince Caine.

What now?

Buntong-hininga akong sumunod nalang sakanila. Nasa likuran lang nila ako hanggang sa makarating kami sa office ni Mrs. Alterin. Naupo siya sa swivel chair niya sabay lapag nong mga gamit niya.

"Pasensya na sa biglaang imbetasyon, may mahalaga lang akong anunsyo para sainyong dalawa--actually, tatlo kayo"  sabi nito at sumilip ito sa may pinto.  "Andiyan na pala siya"

Napalingon ako sa may likuran at doon nakita ang isang babae. A girl wearing a thick eyeglasses, naka two braided ang kayumanggi nitong buhok and she's wearing thick stripe green jacket. 

Don't tell me...

"Miss Romeron"

"Uhm... P-Pasensya na po kung nahuli ako" nahihiyang sabi nito.

"It's okay" sabi ni Mrs. Alterin   "By the way, this is Miss Stareline Romeron. She's from section A"

Sabi na. It's her, the main character. I just remember, this is the time kung saan unang nagkita-kita sina Star, Caine at Vynise. Ito yung umpisa ng pagpapahirap ni Vynice kay Star. So kaya kami pinapunta dito ni Mrs. Alterin para sa isang festival.

"Mrs. Alterin, bakit niyo po kami pinapunta dito?" Tanong ni prince Caine

" Yes" she said   "You guys are aware about the school festival?"

We just nodded

" Napag-usapan kasi naming mga teacher na kayo ang kunin naming mag-oorganize sa darating na festival."

" Po?"

Napatingin ako kay Star

" Uh... Uhm... S-Sorry"

"Why us?" Tanong ni prince Caine

" Stareline is smart and creative. You prince Caine, you are also smart alam naming magiging successful ang festival na 'to sa tulong niyong dalawa" paliwanag niya at tumingin sa akin.   "Princess Vynise, we want you to be our festival model. At saka gusto rin ng mga head teacher na mag-perform ka before and after festival."

I knew it! Sa story tinanggap ni Vynise ang project na 'to but as Fara nagdadalawang isip ako. Anong alam ko sa mga ganiyan?

"Of course, I am giving you guys a time to think about it.  But I hope pumayag kayo, kayo yung first choice naming mga teachers lalo ka na princess Vynise"

Lahat sila napatingin sa akin kaya natigil ako.

Ngayon ko pinagsisihan na sinulat ko ang part na 'to!!

_____________

Name: Fara Quezon
Age: 20
Hobby: Writing/Reading

I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon