Days past at bukas na nga ang school festival. Nairaos naman namin ang practice, at mukhang ready naman na sila. Sa lahat, ako yung subrang napagod at naging abala, dahil nagpa-practis din ako para sa performance ko.
"Princess Vynice!"
Nasa room kami ngayon, naghahanda na para bukas. Hinahanda na namin yung mga props at mga custom na gagamitin bukas.
"Yes?"
Hingal na hingal si Diara nang pumasok sa loob ng room.
"May malaking problema"
"What? What problem?"
"Someone stole our play"
"Huh? What do you mean?"
"Ginaya ng taga-class C ang story natin. Nakita ko silang nagpa-praktis ngayon sa likod ng school"
"What?!"
"Gayang-gaya nila lahat, yung script, yung mga props at costumes"
"What the f*ck?" Sabi ni Skye
"Princess, ano gagawin natin?"
Gusto ko mag-mura at magwala ngayon, pero ano ba magagawa non? Imbes na magwala ako, kailangan ko gumawa ng paraan. Pero hindi ko palalagpasin 'to.
"Vynice, sugurin natin" sabi ni Skye
"Oo nga! Pinaghirapan mo po yung script na 'yon!"
"Oo nga! Mga magnanakaw!"
"Guys relax" sabi ko. "Hindi mareresulba ang problema natin, kung paiiralin niyo ang galit"
"E ano po gagawin natin? Kapag piner-form natin 'yon, baka tayo pa magiging magnanakaw at manggagaya niyan."
"let's just change our story"
"Huh?"
"Vynice, we don't have enough time" sabi ni Glaze.
"I know, pero wala tayong ibang choice. May naiisip ka ba?"
Hindi siya sumagot
"Ang kailangan lang natin ay bagong story, don't worry, dadalian ko lang ang mga lines niyo, pero kailangan natin mag-overtime"
Nagtanguan sila at inumpisahan ko na ngang gumawa ulit ng script. Nahirapan ako kung ano sa mga nagawa ko ng story ang puwedeng gamitin sa play. Some of my story kasi ay fantasy, at mga historical. May mga romantic, pero hindi ko na maalala ang mga scene!!
Habang nag-iisip ako, napatingin ako kay Glaze na abalang nakikipag-usap sa mga kaklase namin. Then nilapat ko ang tingin kay Caine na tahimik lang na nakikinig sa mga chika nong mga kaklase namin.
Why not, right?
"Woah! natapos mo agad?" Namamanghang tanong ni Skye.
"Yeah"
"Wow, ang ganda"
"What do you think guys? May mga ibang kuwenento pa naman ako"
"No need princess Vynice... I mean, this is amazing"
"Yes, ang ganda"
"Really? So?"
"Let's do this" sabi ni Skye
"Princess, how about the names?" Tanong ni Caine
"Ahh... You guys can use your real name, para hindi na kayo mahirapan."
"Can I still be the main character?" Tanong ni Skye
"Yes of course"
So, I decided na ang "My Star" ang i-play namin. Yes, a story where I am right now. But I changed the title. It's "My Sky" since si Skye ang gaganap. At pinagpalit ko din ng character si Glaze at Caine, bale si Caine na yung first lead. At ang gaganap bilang princess Vynice ay si princess Diara.
"Skye" tawag ko kay Skye
"Hmm?"
"Sorry"
"Huh? For what?"
"Pinagpalit ko si Glaze at Caine"
"Ha? Ano ba, okay lang. Basta sa ikakaayos ng play natin" saad nito. "Pero hindi parin ako maka-get over sa ginawa ng Class C! Nakakainis"
"Don't worry, makakaganti din tayo" sabi ko
"Talaga! Hindi ako papayag na ganun ganun lang"
Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Hindi rin naman ako papayag 'no. Pinaghirapan ko 'yon, pinagpuyatan at nagsugat pa ang kamay ko dahil sa kanila!
"Guys!! Attention!!" Sabi ko at napaharap naman sila sa akin. "May mga paalala lang ako"
Bumuntong-hininga ako bago nagsalita ulit
"Wala naman sigurong traydor sainyo, hindi ba?"
Umiling sila at sabay-sabay na nilingon ang isa't isa.
"Well, may tiwala naman ako sainyo. But guys, I want to say na hindi lang grades ang nakasalalay dito, kundi pati buong pagkatao natin. Kapag napahiya tayo, sino masisira? Lahat tayo. Not only us, but also our family. Kaya sana wala sainyo ang nagnakaw ng script"
Nagbulungan sila at nagsimula ng mag-ingay
"Okay, alam ko naman na hindi niyo gagawin 'yon, dahil pinaghirapan na nating i-rehears 'yon. Pero mag-ingat parin. Wala muna kayo pagsasabihan, about sa pagpapalit natin ng script. Kahit sa mga kaibigan niyo, sa mga katapid at pamilya niyo, at kahit sa mga teachers. Atin atin lang 'to, okay?"
"Yes!!"
"Okay! I-memorize niyo muna ang mga lines niyo. Labas lang ako, bibilhan ko kayo ng meryenda"
"Ayon!"
"Thank you princess Vynice!"
"I'll go with you" sabi ni Caine
"No need, kaya ko na" saad ko. "Saka, ikaw lead character dito, kaya dapat pag-igihan mo ang pag-memorize"
"Na-pressured ako bigla"
Bahagya akong natawa sa sinabi niya
"Good luck" sabi ko at tinalikuran na siya.
Lumabas na ako ng room, pero hindi ako sa cafeteria pumunta. Palihim akong pumunta sa likuran ng school, at pagdating ko doon naabutan kong nagpa-praktis sila. Hindi pa nila ako nakikita, dahil nakatago ako sa pader. Pinanood ko lang sila at tama nga si Diara, kuhang-kuha nila ang story ko, at kuhang-kuha din nila ang inis ko. Nang matapos na sila, doon lang ako lumabas habang pumapalakpak. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nila, noong nakita nila ako.
"What a wonderful story!!" Pumapalakpak na sabi ko. "Alam niyo, sa subrang ganda ng story niyo. Muntik na akong umiyak" sarcastic na sabi ko. "Sino ba may gawa ng script niyo?"
Hindi sila sumagot at mga nakayuko lang. Halata sa mga reaksyon nila na guilty sila.
"You know what, parang kapareho siya don sa story namin. Yung script na ginawa ko. It's really similar" sarcastic at may diin sa boses na saad ko. "Wait... Don't tell me, ninakaw niyo yung script namin?"
"A-Anong sinasabi mo? A-Anong ninakaw? Ako ang gumawa ng script na 'to!" Sabi nong isang babae na halata namang nagsisinungaling.
"Wag ka masiyadong defensive girl, napaghahalataan e"
Hindi siya nakapagsalita
"Habang hindi pa nag-iinit ulo ko, sabihin niyo na kung sino ang nagnakaw ng script"
Walang sumagot sa kanila
"Wala ba talagang aamin--"
"Tapos na ba praktis niyo?"
Lahat sila napaangat ng tingin sa taong nasa likuran ko. This voice, sounds familiar. Dahan-dahan akong humarap sa babaeng nasa likuran ko at lihim akong nagulat nang makita siya. I knew it!
"P-Princess Vynice? A-Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)
FantasiaFara Quezon, isang sikat na story writer. Wala siyang ibang gusto kundi ang gumawa ng iba't ibang klase ng story, she's obsessed with her hobby. Hanggang sa isang araw bigla nalang nasa mundo siya ng sarili niyang kuwento. Kuwento kung saan isa siya...