Kabanata 24

1.1K 30 0
                                    

"Hinayaan kita noon dahil akala ko gagamitin mo ito sa mabuti. Pero nagkamali ako. Ginamit mo ang libro ko para gumawa ng bagong mundo at nanggamit ka pa ng tao!!" Galit na sabi ni Goddess Aurora.

Is she a real Goddess?

"Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito, Alwina!"

"Bakit ka ba nangingialam? Ha? This is what I want! I just want to be like you! Masama ba 'yon?"

"I told you, you can't be like me! Only our beloved God can decide what kind of Goddess you will be! But because of what you did, I just hope na patawarin ka pa ng panginoon. Kaya tumigil ka na at makinig ka sa akin"


Hindi nakasagot si Stareline--I mean Alwina. Napaluhod ito at napayuko. Bumuntong-hininga naman si Goddess Aurora at humarap sa akin sabay yuko na kinagulat ko.


"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng kapatid ko"

"N-Naku ayos lang po 'yon!! H-Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad!" Natatarantang sabi ko. Umayos siya ng tayo at ngumiti sa akin.


"Salamat"

"Uhm... K-Kapatid niyo po si Star--I mean Alwina?"

"Ahh... Yes. She's my younger sister"

"Younger sister? I thought she's a old woman" naguguluhang sabi ko.  "And I thought she's a witch"

"Nilinlang niya lang kayo" sabi niya at bigla nalang may hawak siyang stick at tinutok 'yon kay Alwina at bigla nalang siya nagliwanag. Nang mawala na ang liwanag ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang magandang babae.   "Iyan ang totoong itsura niya"

E mas maganda pa siya kaysa kay Vynice e


"So, gusto niyo na bang bumalik sa totoong mundo niyo?"

Napalingon ako kay Goddess Aurora

"Yes please" sabi ko

"Pero, kailangan kong burahin sa alaala niyo ang lahat ng alaala, simula nang makilala mo si Alwina."

"Uh... Okay lang po"


"Then, are you guys ready?"

"Yes!" Sabay-sabay na sabi namin


"Then... Here we go"

Bigla nalang lumiwanag ang buong paligid kaya napapikit ako.


"Fara!"

"Fara gising!"


Unti-unti akong napamulat ng mata, medyo malabo pa ang paningin ko kaya kinusot-kusot ko 'yon hanggang sa luminaw na ito. Nakita ko si mama na nakaupo sa gilid ng kama ko.

"M-Ma?"

"Mabuti naman at gumising ka na!" Sabi nito at tumayo.  "Ano ba ang pinaggagawa mo sa buhay at kahit paglinis ng apartment mo ay hindi mo magawa?! Bumangon ka na diyan at linisin mo itong apartment mo at pati na rin yang sarili mo! Napakabaho mo na, ilang araw ka na bang hindi naliligo, huh?" Sermon niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tamad na tanong ko

"Ano pa nga ba? E di binibisita ka!"

"Ma, wala akong pera"

"Ayon ba ang tingin mo sa akin? Pera lang ang habol sa 'yo?"

"Hindi ba?" Sarcastic na tanong ko.

I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon