"I like him"
Bigla akong nabingi sa sinabi niya. Yung puso ko, parang tinutusok na naman ng daang-daang karayom.
"I confessed to him..." Yumuko siya at nakita ang lungkot sa mukha niya. "But he rejected me"
Hindi ako makapag-react sa sinabi niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya, na nasasaktan talaga siya.
"Nagalit din siya sa 'kin, dahil nakita mo kami sa ganoong senaryo. Nag-sorry ako sakaniya, pero hindi niya ako pinansin"
"Kailan pa?" Tanong ko
"Hmm?"
"Kailan ka pa may gusto kay kuya?"
"Actually, noong isang araw lang"
"Ha?"
"Pinagtanggol niya ako don sa mga umaapi sa akin, tapos tinulungan niya din ako buhatin yung mga box na pinadala ni Mrs. Alterin sa akin. He's so kind and I enjoy talking to him, at kita ko na nag-enjoy din siya. Kaya akala ko meron siyang gusto sa akin."
Lihim akong nagulat sa kuwento niya. Ito kasi yung senaryo kung saan magsisimulang magkagusto si Glaze sakaniya. Pero nabaliktad ang sitwasyon. Dapat si Glaze ang magko-confessed kay Stareline, and Stareline rejected him.
"I'm sorry" hinging paumanhin ko.
"Ano ka ba, wala ka naman kasalanan. Pinairal ko lang talaga ang katangahan ko."
"Star..."
"Vynice, ikaw naman"
Pareho kaming napatingin ni Stareline kay Skye
"Don't worry, I will talk to her later" sabi ni Stareline sabay tayo.
"Vynice ikaw na"
"Uhm... No, I'm fine"
"Ehh? Ayaw mo mag-picture?"
Umiling lang ako
"Tayong tatlo nalang"
Hinila niya kami pareho ni Stareline doon sa nagdo-drawing. Nasa gitna ako habang nasa magkabilang gilid ko naman silang dalawa. Yakap ni Skye ang braso ko habang si Stareline ay sempleng nakatayo lang sa gilid ko. Halos sampung minuto kami drinawing nong lalaki. Pero ang bilis niya ha, tapos ang ganda pa ng pagkaka-drawing niya sa amin.
"Ang ganda!" Natutuwang sabi ni Skye
"He's amazing" sabi ko
"T-Thank you" sabi nong lalaki
Pagtapos namin doon, nagpatuloy lang ulit kami sa paglibot, pero this time kasama na namin si Stareline. Subrang nag-enjoy ako kasama sila. Gusto ko nga na makasama pa sila ng matagal kaso malapit na mag-start ang play namin, kaya kailangan na namin bumalik ni Skye sa room. Pagbalik namin doon, bumungad sa amin ang mga kaklase naming abala na sa pag-aayos ng props at nag-aayos na rin sila sa mga sarili nila. Kaya tinulungan ko na rin si Skye na mag-ayos, dahil siya nalang ang hindi pa ready.
After non, agad na kaming pumuntang auditorium. Inayos na namin ang stage, may mga nagsisidatingan na rin na mga tao.
"Guys, ready na kayo?" Tanong ko
"Yes!!"
"Good" sabi ko. "Huwag kayong kakabahan, okay? Okay lang magkamali, ang mahalaga nakapag-perform kayo ng maayos. Pag may nagkamali ang isa sainyo, alam niyo na gagawin!"
"Yes!!"
"Get ready! Good luck!!"
Pumunta na sa stage si Skye at hinintay nalang na magbukas ang nakaharang na kurtina. Nang bumukas 'yon, agad na nagsimula ang play. Naging maayos naman ang naging performance nila, may mga sumabit at nagkamali pero agad naman 'yon nasulosyunan. I was the one who's singing the background music, live. So, I'm part of the play. I was just sitting on the chair, at the backstage.
BINABASA MO ANG
I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)
FantasyFara Quezon, isang sikat na story writer. Wala siyang ibang gusto kundi ang gumawa ng iba't ibang klase ng story, she's obsessed with her hobby. Hanggang sa isang araw bigla nalang nasa mundo siya ng sarili niyang kuwento. Kuwento kung saan isa siya...