Hayst!!
Kanina pa ako bumubuntong-hininga simula noong kinausap kami ni Mrs. Alterin hanggang sa makauwi ako sa palasyo namin. Iniisip ko kasi kung tatanggapin ko ba yung offer nila na maging festival model nila ako. I mean hindi naman big deal sa akin ang mag-model, it just that may possibility na magkakasama kami nila Caine at Stareline.
"Vynice, you okay?"
Napaangat ako ng tingin kay ina nang itanong niya 'yon. Nasa hapag-kainan kami kasama sila Ama, Myan at ang nakakatandang kapatid ni Vynice. Glaze, one of the characters na kailangan kong iwasan.
"Uh..."
"Kanina ka pa bumubuntong-hininga, may problema ba?"
"Uhm... W-Wala po, may iniisip lang"
"Si Caine ba ang iniisip mo?" Tanong ni Glaze. "I heard na hindi mo daw siya pinansin kanina"
"Uhm... Wala lang ako sa mood kanina"
" Kahit naman wala kang sa mood kinakausap mo pa din siya. Did you guys fight? May ginawa ba siya?"
" Wala"
" Glaze, hayaan mo na ang kapatid mo. Kakagising lang niya kahapon, ilang araw din siyang walang malay kaya siguro wala siya sa kundisyon." Sabi ni ina
" Sabi niyo e"
Napatingin ako kay Glaze. Glaze is one of the characters na magkakagusto kay Stareline. Isa sa magiging karibal ni Caine.
" By the way Vynice, I heard na ikaw ang kinukuha nilang festival model sa magaganap na school festival niyo?" Sabi ni ama kaya natigil ako sa pagsubo ko. Ibinaba ko ang kutsara ko bago ako nagsalita.
" Uh...opo"
" What do you mean?" Takang tanong ni Ina at tumingin sa akin na nakakunot ang noo. "Hindi mo pa tinanggap yung offer nila?"
"Uhm..."
Sh*t! Kinakabahan ako!
"Uh...binigyan pa po kami ng time para makapag-isip"
"Huh? Hindi naman na kailangan 'yon. If they really want you to be their model, hindi na dapat sila nagbigay ng time."
Napaiwas ako ng tingin kay ina.
" Honey, hindi lang naman nag-iisa si Vynice. May kinuha pa silang mag-oorganize ng school festival. Hindi ba at kasama mo si Caine?"
" Opo" sagot ko
" Oh,ano problema don? I'm sure papayag din agad si prince Caine"
" Tatlo po sila mommy" sabi ni Glaze
" Sino ang isa?"
" Si Stareline"
" Stareline? Who's that? Saang pamilya siya nabibilang?"
" She's a commoner"
Lahat kami napatingin kay Ama
" What? Anong magagawa ng isang commoner?"
Ito ang mga usual na sinasabi ng mga mayayaman o maharlika. Ano bang magagawa ng isang sempleng tao?
"She's smart" I answered
"Andun na tayo, pero ano magagawa ng talino niya kung hindi ka naman kilala ng mga tao. Gusto nilang ipaubaya ang mahalagang selebrasyon na 'yon sa isang tulad niyang pangkaraniwan lang?"
Gusto ko siyang sagutin pero pinili ko nalang na manahimik. Hindi ako puwede magalit sa kanila dahil ako din naman mismo ang nagsulat ng linyang 'yon. I can change the story even some dialogue, pero hindi maiiwasan na maiba ang mga conversation. Like what happen sa school kanina. Everytime na mababago ko ang mga pangyayari, mababago din ang mga sinasabi ng mga character.
BINABASA MO ANG
I'm The Villainess Of My Own Story (Isekai Series 7)
FantasyFara Quezon, isang sikat na story writer. Wala siyang ibang gusto kundi ang gumawa ng iba't ibang klase ng story, she's obsessed with her hobby. Hanggang sa isang araw bigla nalang nasa mundo siya ng sarili niyang kuwento. Kuwento kung saan isa siya...