PROLOGUE

164 7 0
                                    

"PROLOGUE”

She's moving out. I told her not to! Bakit ayaw niyang makinig sakin!? Ano? Nagmamarunong na yung ampon na yun?

Nagkasalubong ko siya sa hagdan, dala dala ang mga maleta niya. I didn't say anything, kahit gustong gusto ko siyang pigilan. Andami kong atraso sakanya, and i never apologize. Alam kong iniisip niya na ang saya saya ko kasi sa wakas aalis na siya sa pamamahay na to, but i'm not. Ayoko siyang umalis. Hindi pa ako nakakabawi sakanya.

There's a part of me that she deserve everything I've done to her, ampon siya, hindi ko siya kapatid at ayoko sakanya. But, she didn't do anything kundi ang maging mabait at pakisamahan ako lagi kahit halos mamatay na siya sa mga ginawa ko sakanya.

“Are you really going tonight?”

Narinig kong tanong sakanya ni mommy, hoping na mapipigilan siya nito. Pero hindi, ayaw na niya. Ayaw na niya dito nang dahil sakin.

Gusto kong bumaba para mag-paalam sakanya, pero ni hindi ko magawang tignan ang palayo nilang sasakyan nang makalabas na ito ng gate. She's gone, wala na akong mapagbubuntungan ng galit, wala na akong ikukulong sa kwarto, wala na akong itutulak sa pool, wala na akong mapaglalaruan. Umalis na siya.

No. Hindi ako papayag. Kailangan niyang bumalik dito, hindi siya pwedeng umalis!

Dali dali kong kinuha ang sasakyan ng kotse ko at sinundan sila. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa lahat ng mga ginawa ko sakanya.

Nakalabas na ako ng gate nang makitang may sticky note na nakadikit sa upuan ko. Galing yun sakanya.

“I'm finally gone. Hope you're happy kuya, take care always, i love you even if you don't love me, muah!! :)”

Bwesit! Kaya naiinis ako sakanya!

Malapit na ako sa apartment kung saan siya lilipat nang makasalubong ko ang kotse na sinakyan niya kanina. Bumusina pa ito bago ako nilampasan.

Kailangan niyang umuwi sa bahay.

“Aera!”

Tawag ko nang mapansing naka sara na ang pintuan ng apartment niya. Hindi na ako kumatok nang mapansing hindi naman ito naka lock kaya pumasok na ako nang makitang nakahandusay siya sa sahig.

“Save me, K-kuya…..”

“Aera!”

Agad akong tumakbo papunta sakanya. Nahihirapan siyang huminga! Inaatake na naman siya nang sakit niya sa puso. Nakapikit na siya, hindi na niya ako naririnig!

“Aera gumising ka!”

Pinagsasampal ko na pero ayaw niya paring gumising. Hindi pwede…

“Aera! Si Kuya to, gumising ka”

Hindi na siya gumagalaw! Hindi… Hindi pwede…. Gumising kang ampon ka!!!

SAVE ME, KUYAWhere stories live. Discover now