KABANATA 5
Tomorrow is the day we all prepared for. We practice months of months para ibigay ang best namin since this is our last year.
"Are you ready darling?"
Tanong ni mommy sakin nang ayusin ko na ang mga gamit ko for last practice. I will do my best, I'll make mommy proud.
"Yes po mommy, excited na ako".
Nakita kong bumaba si Kuya Christ at
pinasadahan ako ng tingin. Nginitian ko lang siya kahit inis na inis na ako sakanya. Hanggang ngayon, hindi parin ako sumusuko kasi alam kong magkakasundo rin kami.Niyakap lang ako ni mommy at ihahatid na sana sa labas ng tawagin ako ni Kuya Christ.
"Sandali"
Nilingon ko siya na ngayon ay may dala dalang thumbler. Ibibigay niya ba sakin?
"Inumin mo yan"
Iniabot niya yun sakin saka umakyat ulit sa taas. Tinignan ko lang ang ibinigay niya sakin at kibit balikat na tinignan si mommy.
I'm glad that his making his move again, pero hindi na ako magtitiwala ngayon. Pagkarating ko agad sa school ay pumunta ako sa cr para itapon ang laman ng thumbler. Kung hindi ako nagkakamali honey yun na may maraming asukal. Gusto niyang sirain ang boses ko para bukas.
Natapos ang araw na puro lang kami practice, hindi naman ako mapapaos dahil kontrolado naman namin kung kailan titigil. Sinet up na namin pagkagabi ang set para wala nang iisipin pa bukas. Pahinga nalang talaga.
Maaga akong natulog, kasi masyado akong excited. Nag out of town si mommy kaya hindi siya makakapunta. Ivivideo ko nalang para mapanuod niya parin kahit papano. Wala rin si ate Myrna at dalawa lang kami ni kuya ang tao sa mansion.
Alas onse na nang magising ako, meron pa naman akong isang oras para maghanda. Palabas na ako ng kwarto nang hindi ko ito mabuksan. Pa ulit ulit ko pang nilubag pero ayaw talaga!
May kinalaman na naman ba si kuya dito!?
"Kuya buksan mo ang pinto!"
Narinig ko ang pagbukas ng gate at ang paglabas ng kotse ni kuya! Iniwan niya ako dito! Nilock niya ako!
Hindi pwede! Kailangan kong makapunta ng school! Si Kiko! Baka nandun si Kiko sa garden! Dali dali akong sumilip sa bintana. Nawalan ng pag-asa nang walang Kiko na makita.
"Itetext ko siya!"
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext sakanya pero message not send yun! Wala akong simcard!
Nakapatay ang wifi ng bahay! Plinano na naman ni Kuya lahat ng to! Paano ako makakalabas? Masyadong mataas kung sa bintana ako dadaan. Wala akong kasama sa bahay. Paano yung performance namin?? Paano na!? Magagalit sila sakin.
Wala na akong magawa kundi umiyak nalang. Anong gagawin ko. Anong bang ginawa ko sakanya at ginagawa niya sakin 'to!
I tried everything to make it up on him! I tried everything para magustuhan niya ako! Pero bakit galit na galit siya! I didn't do anything!
"Kuya buksan moko!"
Para na akong t*nga, umaasa na maririnig niya. Ano bang ginawa ko sakanya. Gaano ba siya kagalit sakin para gawin lahat ng to.
Nakatingin lang ako sa orasan. Binibilang bawat galaw ng segundo. Ilang minuto nalang magsisimula na ang event.
Andami na sigurong text nila sakin. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin pag hindi kami nakapagperform. Makakagraduate ba ako? Paano yung good moral ko.

YOU ARE READING
SAVE ME, KUYA
ContoShe's Aera sweet and humble. Inadopt siya mula sa ampunan nang mayamang mag-asawa. They have son, Christ, 5 year older than Aera. Ayaw niya ng kapatid at ayaw niya sa inampon ng mga magulang niya. He do all the bullies, making sure that Aera living...