CHAPTER ONE

113 5 0
                                        

Kabanata 1

"What?? No Mom! I don't want a little sister! I don't want that child to be adopted!"

Pagpasok ko palang ng mansyon ay yun agad ang narinig ko. Marahil ay anak yun nila Don Crisostomo, at Senyora Criselda. Inampon nila ako mula sa ampunan ng pumunta sila doon noong isang araw at ngayon lang nila ako kinuha. Ang laki ng bahay nila, ang ganda pa. Hindi ako makakapaniwalang dito na ako titira.

"Not every decision you want matters in this house Christ, i'm your mother, whether you like it or not pakikisamahan mo ang kapatid mo!"

Hindi ba ako gusto ng anak nila? Hindi pa naman niya ako nakikita ah. Magpapakilala muna ako sa kanya tas sasabihin kong mabait ako para di na siya magalit sakin.

"Hi kuya Christ!"

Tawag ko sa kanya sabay kaway! Tumakbo ako papalapit sa kanya ng itulak niya ako, salubong pa ang dalawa niyang kilay. Bakit ba siya galit sakin?

"Christ!"

Sigaw ni Senyora sa kanya bago niya ako tinulungan tumayo. Hindi naman masakit. Sanay naman akong tinutulak sa ampunan.

"I'm not your kuya, don't touch me you homeless"

"Meron akong bahay, sa ampunan ako nakatira dati!"

Hindi naman talaga ako homeless ah! Nakatira kaya ako sa ampunan. Narinig ko ang pagtawa ng senyora kaya napakunot ako ng noo. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Whatever! I don't like you!"

"Ganyan naman lahat pag una palang eh, ayaw nga rin sakin nitong si Senyora pero nagustuhan niya rin ako!"

Nginitian ko si Senyora. Naalala ko pa nung inirapan niya ako nung nakasalubong ko siya sa ampunan. Tas nung marinig niya akong kumanta eh nagustuhan niya rin ako.

"I don't care! I don't like you, and don't you dare call me kuya! I'm not your kuya, i don't even know you!"

Nginitian ko siya. Pero kilala ko naman siya. Siya si Kuya Christ, 13 years old na siya. Mahilig siyang tumugtog ng mga instrument gaya ng guitar, piano, violin, at marunong din siyang mag drum. Magaling din siyang mag drawing kagaya ko, at mahilig din siya sa music.

"Btw, im Aera, im 8 years old" hindi niya ako sinagot at umalis na. Galit na naman siya?

***

Maaga akong nagising para tumulong sa gawain sa kusina. Yan kasi ang laging turo sakin ni Sister Moira nung nandoon pa ako sa ampunan. Sabi niya, lagi daw tumulong at wag tatamad tamad!

"Good morning po!"

Bati ko sa kusinera nila na ngayon ay abala sa paghihiwa ng mga gulay. Umakyat ako sa may stool para tulungan ito sa paghihiwa, kasi hindi ko abot ang counter.

"Naku Aera, hindi pa ako nakakapagluto! Ipagagawa na muna kita ng cereal" cereal? Ano yun?

"Hindi pa po ako nagugutom, tutulungan ko lang po kayo"

Kunot ang noo nito nang matingin sakin. Lagi ko namang ginagawa to sa ampunan, ang tumulong sa pagluluto.

"Ay hindi na! Mapapagalitan ako ni Maam, umupo ka nalang jan at ipagagawa kita ng cereal"

Hindi naman matigas ang ulo ko kaya sumunod nalang ako. Yun din kasi ang laging sabi nila sister, dapat sumunod ako sa kung ano ang sinasabi ng iba.

"Okay po"

Bumaba na ako ng upuan at lumipat sa lamesa, nang makitang pumasok sa kusina si kuya Christ.

"Good morning kuya!"

SAVE ME, KUYAWhere stories live. Discover now