CHAPTER SEVEN

73 4 4
                                        

KABANATA 7

I never told mommy what happened last night. Ayoko nang balikan pa. We are now eating at the dining room. Tatlo kami ni kuya Christ.

Magkaharap kaming dalawa pero hindi ko kayang mag-angat ng tingin. He never apologize, should i expect an apologize from him?

"You're so quiet Aera, what happened?"

Mommy asked me, pero hindi ko siya sinagot. Ayoko nang magsumbong. Babaliktarin niya lang ang usapan.

"Mom, I want to move out this evening"

Nararamdaman kong nag angat ng tingin sakin si Kuya kaya diretso lang ang tingin ko kay mommy. Mamamatay ako if magststay pa ako dito.

"What?, malayo pa ang klase darling"

I know. But I don't know if I can still live in this house anymore.

Pinilit ko si mommy, kinumbinsi ko siya na payagan na ako. I'm doing this for my own sake, ayoko pang mamatay.

Tahimik lang si kuya buong breakfast, at alam kong tuwang tuwa siya ngayong aalis na ako.

Tita Ailyn help me prepared my luggage with a heavy feeling. Ayaw niya kasing umalis ako. Uuwi naman ako every weekend eh. I just don't want to stay most of my day here.

Oras nalang ang hinihintay ko at nakahanda na lahat. Nasa baba narin lahat ng gamit ko. Nagkasalubong pa kami ni Kuya pero hindi niya ako pinansin, wala namang bago.

I hope he's happy now.

"Are you really going tonight"

Ayaw pa akong bitawan ni Mommy nang makapasok na ako sa sasakyan. I did kissed her on the cheeks.

"Mommy, napag-usapan na natin to"

Pinahid niya ang luha niya at hinalikan muna ako bago magpaalam. Para naman akong pupunta sa ibang bansa nito. Hindi niya ako mahahatid dahil may zoom meeting siya mamaya.

"Stay safe ha, your medicine, don't forget"

Nagpaalam na ako kay mommy at isinara na ang pinto.

"Alis na tayo" tinignan ko ang katabi ko.

I'm with Kiko. Yep, hindi papayag si mommy na ako lang ang tumira mag isa sa apartment kaya pinasama niya sakin si Kiko. Atleast, meron akong karamay diba?

"Excited ka masyado"

Biro ko pa sa kanya bago sinabihan ang driver na umalis na. Lumingon pa ulit ako sa bahay pero hindi ko nakita maski anino ni kuya. Maybe, he's too busy celebrating.

Nang makarating na kami sa apartment tinulungan pa kami ni Kuya Anton na ipasok ang mga gamit namin, sinalubong narin kami ng landlady. Dalawa ang kwarto kaya nag pasukan na kami ni Kiko para ayusin ang mga gamit namin.

Pagpapaaralin siya ni Mommy sa LPU, kasama ko. Kumbaga ginawa siyang bodyguard ni mom, bodyguard na duwag.

Nilalagay ko sa drawer ang mga damit ko nang maramdaman kong naninikip ang dibdib ko.

N-nahi...hirapan akong huminga. Agad kong nilock ang pinto para hindi ako makita ni Kiko. H-hangin... kailangan ko n-nang hangin...

Habol ang hininga nang buksan ko ang bintana, doon sinalubong ako ng hangin. Sa sobrang sikip ng dibdib ko hindi ko namalayan umiiyak na ako. Hindi, hindi ako pwedeng umiyak. Mas lalo lang sisikip ang dibdib ko.

Unti unti nang nagdidilim ang paligid ko. Ayoko nito. Napaluhod na ako hawak hawak ang dibdib ko. H-hindi ako maka..h-hinga...

"Kiko....."

SAVE ME, KUYAWhere stories live. Discover now