Pagtutuloy...
OSAKA JAPAN.
Palapit pa lamang sa pintuan ng dojo ang lalake ay naririnig niya na ang mga pag-inda at suko ng ka-sparring ng amo. Napapikit na lang ito ng mga mata at iling ng ulo sapagkat sanay na siya sa mga ganitong senaryo sa tuwing sasabak ang amo sa training nito at hindi mapigilan ang bugso ng damdamin minsan.
" Kumicho?" Pagtawag niya sa amo pagpasok ng dojo ngunit hindi siya nito nilingon sapagkat tila hindi siya narinig.
Patuloy ang amo sa malalakas na pagsuntok sa mukha ng lalaking ka-sparring nito, na ngayon ay nasa sahig at bahagyang duguan na ang mukha. Kanina pa ito tumatapik sa likuran ng amo, bilang tanda ng pagsuko sa laban. Ang mga tauhang nasa paligid ay tahimik lamang nakamasid sa pagiging marahas na naman ng amo.
" Michiru?!" Malakas na pagtawag na ng lalaki sa among lider upang makuha ang pansin nito.
" Nani?!" ( What ) Pasinghal na pagtugon nito sa kaniya paglingon na matalim ang mga mata.
" Nakahanda na ang lahat." Nagdikit ang panga ng amo sa narinig at isang suntok pa sa mukha ang binitiwan sa ka-sparring bago ito tumayo.
Nagngangalit ang mga panga nitong lumakad palapit sa kanang kamay habang hinuhubad ang suot-suot na grappling gloves nito na may mga bahid ng dugo.
" Fire him." Madiin na sambit nito pagtapat sa gilid ng lalake at may matalas pa rin na pagtitig dito. Bahagyang nagulat naman ito sa narinig pagkat kapapalit lamang nito sa tao ngayon at kailangan niya na namang humanap ng ibang ipapalit.— " Yowai! " ( weak ) Naiiling na dagdag ng amo at itinapon ang hinubad na gloves.
" Hai! " Payuko at mabilis na pagtugon na lang ng lalake sa amo upang humupa ang tila init ng ulo nito. Wala itong itinugon sa kaniya dahil sa pagkadismaya, tumalikod lamang at galit na lumabas ng dojo.
Iiling-iling na lamang ito paglabas ng amo at sandaling tinitigan ang mga tao niya na walang nagawa kundi ang manuod at manahimik sa mga na saksihan.
" Mabuti na lang dumating ka boss aki, a- akala ko talaga papatayin na ako ng amo mo eh, hays!" Pagtayo ng lalake na iikaika pa habang pinupunasan ang duguang mukha nito.
" Pasensiya kana, okay ka lang ba? " Pagtapik ni akira sa balikat ng lalake ngunit iling lang ang itinugon nito.— " Sige, triplehin ko na lang ang bayad sa'yo." Sapagkat kita niya sa mukha nito ang hindi magandang natamo mula sa amo. Tumango na lamang ang lalake sa kaniya at umiiling pa rin na tumalikod.
" Kayo talagang mga hapon, sadista! Kung alam ko lang na hayop pala ang michiru na ʼyan. Hindi ko na sana 'to tinanggap eh." Bulong ng lalake habang naglalakad palabas ng dojo na malinaw nilang naririnig.
Muling napabaling ng tingin si akira sa kaniyang mga tauhan ngunit ngayon ay mayro'ng matalas na pagtitig na sa kanila, kaya't napayuko ng ulo ang mga ito sa kaniya.
" Michiru-san, ano ba ang gagawin ko sa iyo?" Paghinga nitong napakalalim kasabay ng pag-iisip din ng malalim.
Bilang kanang kamay at isa sa mga tagapayo at personal bodyguard na rin ni michiru ay dapat ito ang unang makakabasa sa amo, ngunit kahit siya ay hindi na rin ito maintindihan minsan. At kung ano ba ang tumatakbo sa isipan nito.
———
Tahimik lamang ang kanang kamay na si akira sa likuran ng amo habang nasa kalagitnaan ito ng taimtim na pagri-ritual sa harap ng puntod ng mga magulang nito, bilang pagbibigay galang dito. Alinsunod na rin sa kaugalian at tradisyon ng mga hapon. Sa cemetery muna naisipan ni michiru na tumungo upang dalawin ang magulang at makahingi ng gabay at makapagpasalamat sa mga ito, bago niya harapin ang mga bagay na kailangang tapusin. Mga bagay rin na normal nang ginagawa ng mga hapon sa tuwing dadalaw sa mga mahal sa buhay na pumanaw.
BINABASA MO ANG
The Successor [ BOOK 2 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Pangarap ko ang ibigin ka. Matapos ang ilang taon na pag-iisa, muli niyang bubuksan ang puso para sa iba ngunit paano na lamang kung muli rin magbalik ang taong dating minahal subalit sa katauhan na ng iba. Muli rin kayang mabuhay ang...