CHAPTER 10

4K 446 91
                                    

" Paano niyong nalaman nandito siya ngayon sa cebu?" Usisa ni michiru habang papasok sila ng kaniyang mga tauhan sa isang abandonadong gusali.

" Sa babae niya, kumicho." Napakiling ang ulo niya kay akira sa tugon nito.

" How?" Malokong ngumiti si akira na ikinailing ng kaniyang ulo. Kasabay nito ang paghigpit sa hawak na sa samurai.

" Hmm simple, ginamitan ko lang ng charm." Napaismid siya ritong ngumiti at napailing ang ulo.

Sa pagpasok nilaʼy kagyat na bumungad kay michiru ang kaniyang pakay ngayon sa gusali. Nakaluhod ang lalake sa malamig na semento at nakatali ang dalawang kamay nito na paharap at napakapiring ang mga mata. Wala rin itong suot na pang-itaas na damit. Ikiniling pa ni michiru ang ulo upang tingnang maigi ang mukha ng lalakeng tila nakakaawa sa hitsura nito sapagkat bago siya dumating ay mukhang pinahirapan na ito ng mga tauhan niya ngunit hindi man lang ito makikitaan ng takot sa katawan na kaniyang ikinaismid. Tandang-tanda niya pa hanggang ngayon ang pagmumukha ng lalake sapagkat kahit kailan ay hindi ito nakalimutan. Tandang-tanda niya pa rin kung paano ito tumawa at matuwa noong mga panahong nagmamakaawa siyang itigil ang mga pagpapahirap sa kaniya sa loob ng kulungan. Dahan-dahan niyang hinila ang isang upuan at bago siya naupo ng mukhaan sa lalake ay hinubad muna ang suot na suit jacket at itinupi ang puting long sleeve. Dito ito napaangat ng ulo na parang inaalam kung sino ang taong kaharap. Huminga siyang napakalalim bago tanggalin sa bayna ang hawak na samurai nang makaupo. Narinig ito ng lalake kaya lalong napaangat ang ulo. At dito niya na ito nakitaan ng bahagyang takot. Napangiti siya sapagkat nakuha ang nais na maging reaksyon ng lalake sa kaniyang presensiya. Marahan niyang inumang ang samurai sa piring nito sa mata upang tanggalin. Para naman itong nakakita ng isang bangkay na umahon mula sa kabaong nang makita ang kaniyang buong mukha at makilala sapagkat hindi lamang siya ang hindi nakalimot kundi ito rin.

" Milo?" Ikiniling niya ang ulo at napaismid sa pangalang narinig. Ang pagkagulat naman sa mukha nito ay hindi nawala.

" Senior Inspector. Arthuro Bautista, hindi mo pa rin pala siya nakalilimutan?" Matalim at matindi siyang tumitig sa mga mata nito na ngayon ay nanginginig na ang buong katawan dahil sa labis na takot.

" Pa- Paanong nangyaring buhay ka? Pa- Patay kana diba? Ka- kasama ka sa mga namatay sa aksidente?" Nanginginig na din ang pananalita nito ngunit muli siyang napaismid.

" Hmm naniniwala kana bang totoo ang himala, senior inspector?" Sa madilim na awra niya ay lalo itong natakot at nanlaki ang mga mata. Mataas lamang ito kay milo ng isang ranggo sa kapulisan.

" Mi- Milo, wala akong kinalaman sa nangyaring aksidenteng ʼyon; labas ako roʼn. " Paglilinis nito antimano ng sarili na kaniyang ikinatawa at muling matalim na tinitigan ito sa mga mata.

" Aksidente nga ba? Hmm?" Napagtanto nitong mayroong hindi dapat sinabi. — " So kilala mo kung sino?" Mabilis na iniling-iling ng lalake ang ulo bilang tugon ngunit hindi ito ang gusto niyang makuhang sagot. — " Hindi? Sigurado ka bang hindi mo kilala, senior inspector?" Inuwang niya ang hawak na samurai sa balikat nito.

" Hi- Hindi talaga at wala akong alam doon." Bagamat makikita ang takot mula pananalita at mukha nito ay nakikita niyang nagsasabi itong totoo.

" Okay. " Huminga siyang malalim bago tumayo mula sa kinauupuan at sinenyasan ang mga tauhan na agad siyang sinunod. Tila nagliwanag naman ang buong mukha nito sa narinig.

" Naniniwala kana ba sa akin? Pakakawalan mo na ba ako ha?" Habang inaalalayan ito ng mga lalakeng nakaitim na tumayo at muling iniwanan sa gitna na pinagtakhan nito.

Umiling-iling ang ulo niya kasabay ng pagtunog ng dila mula sa loob ng labi. — " Nagmamadali ka lang? Hindi pa tayo tapos senior inspector at nag-uumpisa pa lang ako." Lubhang nanlaki ang mga mata nito at muling namuo ang takot na makikita na sa mukha. — " Oo, maaaring wala ka ngang alam sa nangyaring ʼyon pero marami kang nalalaman sa mga nangyari saʼkin sa loob ng kulungan!" Mabilis na lumuhod ito sa paanan niya upang magmakaawa.

The Successor [ BOOK 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon