CHAPTER 6

28K 885 639
                                    

2 DAYS AFTER.

Maaga at madilim pa lang ay gumayak na si sophia kasama ang matalik na kaibigang si angela upang dalawin ang ama niya at kapatid sa sementeryo. Masaya ito ngayon pagkat sa wakas ay nagkaroon siya ng oras para sandaling mabisita ang namayapang pamilya. Abala kasi ito sa kaniyang trabaho palagi bilang isang HR sa isang kilalang kompanya, dalawang taon na rin siya rito dahil noong matapos niya ang kolehiyo ay ito na ang kaniyang unang naging trabaho at napasukan. Nagustuhan kasi nito ang patakaran ng kompanya kaya't nanatili rito. Bagamat nahirapan si sophia noon para lamang makatapos sa pag-aaral ay naigapang niya ito na walang tulong galing sa ibang tao ngunit mayroong suporta mula sa mga kaibigan. Ngunit sa paglalakad nila ay napatigil at nagtaka sa mga itim at magagarang sasakyang nakaparada sa hindi kalayuan sa puntod ng mag-amang nestor at milo. Sa huli ay binalewala nila ito at nagpatuloy sa paglalakad subalit muling napatigil nang makita ang ilang mga lalakeng naka-black suit sa paligid pero ang mas nakakakuha ng kanilang atensyon ay ang taong nakayuko ang ulo sa harap ng puntod ni nestor at milo na labis nilang pinagtakhan kung sino ito.

" Magandang umaga po, sino sila?" Magalang na bati ni sophia at bumaling pa ng tingin kay angela. Kapwa may lihim na takot at kaba ang dalawa pagkat hindi nila kilala ang mga taong ito.

Mula sa pagkayuko at talikod nang taong tinanong ay dahan-dahan itong humarap sa kanila. Sa pagharap nito ay labis ang kanilang pagkagulat at nabitawan ni sophia ang hawak-hawak na dalawang bugkos ng mga bulaklak at ang luha ay biglang bumuhos na lamang.

" Sophia?" Malalim na boses nitong sambit na wala ang dating ekspresyon sa mukha.

" Ku- Kuyang?" Nanginginig na pananalita nito. Gustuhin mang itapak ni sophia ang mga paa palapit sa kapatid upang mayakap ito ay hindi nito magawa dahil sa labis na pagkagulat at nanghina ang mga tuhod. Ganoon din ang kaibigan na hanggang ngayon ay tulala.

" Oo, ako nga." Nagkuyumos ang dalawang kamao nito.

" Buhay ka?" Pinilit ni sophia na itapak ang mga paa ngunit dahil sa panghihina ay bigla itong muntik matumba. Mabuti na lamang ay mabilis siyang nasalo ng kapatid. — " Kuyang? Kuyang?" Hinaplos ni sophia ang magkabilang pisngi ng mukha ng kapatid at yumakap dito.— " Buhay ka, buhay ka?" Ang yakap nito ay humigpit sa kapatid at ang pag-agos ng luha'y dumami.

" Oo, sophia." Nangingilid na mga luha sa mata nitong tugon ngunit pilit na pinipigilang huwag pumatak habang tinatapik ang likuran ng bunsong kapatid.

" Mi- Milo?" Pangalang lumabas sa labi ni angela nang makabalik ito sa ulirat at ang luha ay bumuhos na rin pagkat hindi siya makapaniwala sa nakikita ngayon. Napatitig ito sa kaniya sandali ngunit ibinalik muli ang atensyon sa kapatid.

" Sophia, hindi tayo puwedeng magtagal dito. Sumama kayo sa'kin." Angat niya sa mukha ng kapatid at pinahid ng daliri ang luha nito. Tumango ito sa kaniya at muling yumakap kasabay ng mga luha pa rin nito dahil sa labis na pangungulila.

Sinenyasan niya ang kanang kamay at tagapayong nasa kaniyang likuran upang tulungan siyang alalayan ang dalawang babae patungo sa sasakyan pagkat kailangan nilang mag-ingat na walang taong makakita sa kanila. Sumama ang dalawang magkaibigan sa kaniya kahit hindi nila alam kung saan sila dadalhin.

" Kuyang, paanong nangyaring buhay ka?" Pag-angat ng ulo ni sophia at tinitigan ang kapatid na nakayakap sa kaniya. Ito ang unang pagkakataong nakapagsalita siya simula noong makarating sila sa mansyon, isang oras na ang nakalilipas dahil sa labis na pagkabigla at halo-halong mga emosyon. At ngayon nga ay maraming tanong na ang umusbong sa kaniya.

Napahingang malalim ito at luwang ang pagyakap sa kapatid dahil sa tanong na kaniyang narinig.— " Mahabang kuwento sophia at hindi ko masasabi sa'yo ang lahat ngayon. Ang importante nandito na ako. At- kailangan mong umalis dito." Kumunot ang noo ni sophia sa huling narinig at kapwa silang napatingin ni angela sa isa't-isa dahil sa pagtataka. Nasa kabilang mahabang sofa lamang ang kaibigan.

The Successor [ BOOK 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon