Pagpapatuloy...
" Andra?" Pagtawag sa kaniya ni luis para sana'y makuha ang atensiyon niya dahil tila natulala siya sandali sa pagtitig kay michiru.
" Y- Yes?" Lingon niya rito na para bang wala pa rin sa sarili kaya't napatitig ito sa kaniya na may pagtataka at sa huli ay bumaling kay michiru.
" Uhm my hand?" Pagbawi ni michiru sa kamay nito sa kaniya pagkat napahawak siya rito ng mahigpit at dito lamang siya nakabalik sa ulirat.
" Oh, I'm so- sorry." Sambit niya rito at agad na binitawan ang kamay ni michiru. Bahagya itong ngumiti sa kaniya.
" It's okay. " Tugon nito na hindi bumibitaw ng tingin sa kaniya na malalim pa rin ang boses. Nag-iwas na lamang siya rito ng tingin pagkat ang mga pagtitig ni michiru ay kakaiba sa kaniya at para bang matutunaw siya.
Sandaling bumalot ang katahimikan sa maiksing pagpakilala sa kanilang dalawa. Naramdaman naman ni janika ang kakaibang tensyong namuo at napabaling ng tingin sa lalaking nasa likuran ni michiru na tahimik lamang.
" Uhm- michiru, wants to invest in businesses here in the philippines at ikaw ang naalala ko agad, andra." Biglang saad ni luis na bumasag sa katahimikan, dahil ito ang pakay niya kanina. — " Let's sit down and talk about it." Tumango lamang dito si andra at muling napabaling ng tingin kay michiru na ngumiti pa sa kaniya kaya't muli rin siyang napaiwas ng tingin dito sa huli.
Lumipas ang halos kalahating oras ngunit ang kanilang pag-uusap sana ay hindi pa rin nauumpisahan dahil noong paumpisa na sila ay bigla namang tumunog ang telepono ni luis at iniwan sila nito pagkat mahalaga ang tawag sa kaniya at kailangan niya itong sagutin agad. Tanging si andra at michiru lamang ngayon ang magkasama sa mesa habang si janika at kanang kamay na si akira ay kapwa nakatayo sa likod ng mga amo nila. Nasa paligid din ang mga bodyguard ng dalawa at sa ilang minutong magkasama sila ay walang nagbukas ng usapan ngunit parang ang mga mata na ni michiru ang nakikipag-usap kay andra pagkat kanina pa ito hindi bumibitaw ng tingin dito na hindi magawang matagalan ng babae bagamat napapatingin at lingon din sa kaniya. Simula noong maupo sila ay nakakailang buntong hininga at pikit ng mga mata na si andra dahil hindi niya alam kung hanggang kailan matatagalan ang manatili sa iisang mesa na makasama ang taong kamukhang-kamukha ng dating kasintahan at hindi siya nilulubayan ng tingin.
" Excuse me michiru, but I have to go back to my room to freshen up." Saad ni andra at agad na tumayo sa upuan niya. Kailangan nitong mag-alibi para makaalis ngayon sa lamesa dahil kung hindi niya ito gagawin baka maubusan na siya ng hininga sa mga ginagawang pagtitig sa kaniya ni michiru.
" Sure, andra. " Mula sa pagkadekuwarto ng mga paa ni michiru ay tumayo ito at yumuko pa bilang respeto sa kaniya na kaugalian ng mga hapon ( Japanese bowing/Ojigi. ) Sandaling napapatitig dito si andra sa ginawa nito ngunit muli ring nag-iwas ng tingin. Nang mag-angat ng ulo ito at muling tumitig sa kaniya ng matiim.
Sa huli ay pilit na iwinaksi ni andra ang huling kakaibang pagtitig sa kaniya ni michiru at hindi na tumugon dito. Deretso itong tumalikod at lumakad palayo kasama si janika at ang security niya.
———
Habang naglalakad sa hallway ng hotel patungo sa kuwarto ni andra ay nanginginig pa rin ang buong katawan nito lalo na ang mga tuhod at paa. Pilit lamang nitong kinukumpos ang sarili upang hindi matumba sa paglalakad. Sumisikip din ang palahingahan niya at para bang may nakabara sa kaniyang lalamunan indikasyon ng luhang pilit na pinipigilan mula kanina pa. Lahat nang ito ay pansin ni janika at alam niyang malaki ang naging epekto kay andra nang taong kakikilala lamang kaya't hindi niya maiwasang mag-alala rito. Pagdating at pagpasok nila sa private room ni andra ay pabagsak nitong isinarado ang pintuan at ang luhang pinigilan kanina ay tumulo na sa wakas.
BINABASA MO ANG
The Successor [ BOOK 2 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Pangarap ko ang ibigin ka. Matapos ang ilang taon na pag-iisa, muli niyang bubuksan ang puso para sa iba ngunit paano na lamang kung muli rin magbalik ang taong dating minahal subalit sa katauhan na ng iba. Muli rin kayang mabuhay ang...