1 WEEK AFTER.
Tahimik lamang si andra sa harap ng salamin ngayon habang abala ang team niya sa pag-aayos sa kaniyang mukha at buhok ngunit mahahalata at makikita sa mukha nito na tila walang gana at hindi maganda ang gising. Nasa isang mamahaling 5 star hotel at pribadong kuwarto sila ngayon na pagmamay-ari ng pamilyang Artamendi. Dito napili ni sabrina na ganapin ang kaarawan ng kaniyang asawang banyagang negosyanteng si Ricardo Luis Delgado.
" Miss andra, hanggang sa matapos ba sila sa pag-aayos sa'yo eh, ganyan ang mukha mo?" Nasa likod lamang si janika nitong nakaupo at kanina pa niya pansin ang mukha ng kaibigan na wala sa mood mula sa malaking salamin. Napatitig din sandali kay andra ang make-up artist at hairstylist nito sa tanong ng assistant ngunit tumingin lamang ito sandali sa kanila at nagbuntong hininga sa huli. — " Hmm dahil ba 'to sa wala si congressman at hindi mo siya makakasama ngayon o kahit masundo ka man lang mamaya?" Alam naman ni janika ang sagot dito ngunit naisipan pa ring biruin ang kaibigan subalit inirapan lamang siya nito at nanatiling tahimik.
Hindi naman sa sobrang wala sa mood si andra ngayon kaya't para bang tinatarayan niya ang assistant ngunit dahil ito sa hindi siya komportable na pag-usapan ang relasyon niya sa kongresista sa harap ng ibang tao na hindi niya pinagkakatiwalaan sa kaniyang personal na buhay lalo na't wala naman sila sa harap ng camera. Nakuha at naintindihan ito ni janika kaya't isang ngiti na lamang ang ibinato nito sa kaniya. Hanggang sa matapos ang pag-aayos kay andra ay nanatili itong tahimik.
" Nakakainis kasi siya janika, nangako pa siya sa akin na iki-clear ang schedule niya ngayon, tapos- hays!" Inis na litanya ni andra pagkalabas ng glam team niya ng kuwarto. Natawa naman sa kaniya ang kaibigan na umiiling.
" Hmm — eh, paano 'yan kapag nanalo na si congressman sa election, mas lalong mahahati ang oras niya sa'yo at sa trabaho. Akala ko ba gusto mo siyang manalo?" Napaisip si andra sa narinig at sandaling natahimik.
" Yes, I want him to win the election. I just don't want him to make promises and— hindi niya tutuparin." Inis pa rin nitong litanya. Hindi naman masisisi si andra pagkat napag-usapan nilang patiuna ito ni chico ilang araw na. At bigla itong nagpasabi sa assistant niya mismo at hindi pa sa kaniya. Na hindi na nga ito makakasama ngayong gabi dahil mayroong mahalagang meeting tungkol sa kampayan sa darating na halalan. Ang kaibigan at assistant niyang si janika ay napapailing at napapangiti pagkat kilala siya nitong mahaba ang pasensiya at hindi basta-basta naiinis o kahit nagagalit.
" Alam mo naman na sobrang busy ang mga politiko miss andra, and you have to understand him." Tumayo si janika sa kaniyang upuan at lumapit sa likuran ng kaibigan at tinapik-tapik ng dalawang kamay niya ang balikat nito upang tila aliwin. — " And maybe kailangan mo nang sanayin ang sarili mo ngayon pa lang, if ever na manalo na siya, para hindi ka naiinis kapag hindi siya makakapunta sa mga event na dapat magkasama kayo." Mula sa malaking salamin sa harapan niya ay napatitig si andra dito pagkat mayroong punto ang kaibigan kaya't napahinga siya ng malalim.
" Yeah, you're right — a- at ano pa nga bang magagawa ko?" Muli itong huminga ng malalim habang si janika ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi dahil hindi pa rin siya sanay na makitang ganito muli ang kaibigan. Huli niyang nakitang umasta ng ganito si andra, noong una itong umibig sa namayapang kasintahang si milo.
" Tsaka I'm sure babawi 'yon sa'yo, miss andra. Si congressman pa ba, hmm?" Mayroong tilang pang-aasar sa tinig ni janika rito ngunit inirapan na lamang siya nito at hindi na tumugon.
Matapos na makapag-ayos ni andra at kumpos ng sarili ay lumabas at bumaba na rin sila ni janika ng kaniyang private room kasama ang personal bodyguard niya at tatlo pang security. Dahil alas otso na ng gabi at nagsisimula na ang party, bagamat mukha pa rin itong walang ganang humarap sa mga tao. Kung hindi lamang magtatampo sa kaniya ang kaibigang si sabrina at hindi siya kinatawan ng ina at kumpanya nila ay hindi na ito itutuloy ngayon sa party.
BINABASA MO ANG
The Successor [ BOOK 2 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Pangarap ko ang ibigin ka. Matapos ang ilang taon na pag-iisa, muli niyang bubuksan ang puso para sa iba ngunit paano na lamang kung muli rin magbalik ang taong dating minahal subalit sa katauhan na ng iba. Muli rin kayang mabuhay ang...