CHAPTER 3

14.4K 657 165
                                    

" Michiru?" Isang magandang tinig ang narinig nito sa gitna ng kaniyang mahimbing na pagkakatulog.

" Hmm?" Tugon niya rito na hindi iminumulat ang mata.

" Michiru?" Pagtawag muli nito sa kaniya kaya't pilit niya nang iminulat ang mga mata.

Sa kaniyang pagmulat ay isang magandang mukha at ngiti ang bumungad sa paningin niya kaya't napangiti rin siya rito.

" Kailangan ko nang umalis, michiru." Saad nito gamit ang malumanay na tinig at paghalos sa kaniyang buhok na mayroong lambing. Sa narinig naman niya ay dahan-dahan siyang napabangon mula sa pagkakahiga ng kaniyang ulo sa mga hita nito.

" Bakit, saan ka pupunta hmm?" Kunot noo na tugon niya rito subalit hindi ito tumugon, bagkus ay ngumiti lamang muli at tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan pagkatapos ay lumakad palayo sa kaniya.

Sa pagtataka ni michiru ay sinundan niya ang babae sa paglalakad nitong nakapaa patungo kung saan. Nasisiguro niya na hindi lamang ito ang unang beses na kaniyang nakita ang dilag. Nakasuot ito ng puting dress na bahagyang lagpas lamang ng tuhod habang ang mahabang itim na buhok nito ay nakalugay.

" Saan ka ba talaga pupunta?" Mayroong takot sa tinig ni michiru na tanong ngunit nilingon lamang siya ng babae sandali at nginitian.— " Huwag mo 'kong iwan, sasama ako sa' yo." Sa tinig niyang may bahagyang pagsusumamo sa huli. Tumigil naman ang babae sa paglalakad at hinarap siya.

" Hindi puwede, michiru. I'm sorry." Malambing na paghaplos nito sa kanang pisngi ng kaniyang mukha at mapait na ngumiti.

" Bakit hindi?" Mayroong takot pa rin at litong tanong niya rito. Muli namang hinaplos ng babae ang kaniya na ngayong magkabilaang pisngi ngunit wala na itong itinugon at humalik lamang sa kaniyang mga labi, pagkatapos ay tumalikod agad at nagpatuloy sa paglalakad.

Nalilito man si michiru sa mga nangyayari sa paligid at sa kaniyang nararamdamang takot na hindi niya malaman kung saan nanggagaling ay sinundan niya pa rin ang babae sa paglalakad nito, subalit kahit anong gawin niya ay hindi ito magawang maabutan.

" Please, h- huwag mo 'kong iwan dito?!" Sigaw niya rito na tila hindi rin nito naririnig sapagkat walang tinig na lumalabas mula sa kaniyang bibig.

At kahit na paulit-ulit ni michiru na tawagin ang babae gamit-gamit ang malakas niyang tinig at pagsusumamo rito ay hindi siya nito marinig habang pilit niya pa rin itong hinahabol subalit anumang gawin ay hindi ito magawang maabot hanggang sa dahan-dahang nilamon ang babae ng mga makakapal na hamog at naglaho ito sa kaniyang paningin.

" Hintayin mo ako sasama ako sa'yo?!" Malakas na sigaw ni michiru kasabay na pagbalikwas niya sa kama. Hingal na hingal ito pagkagising at ang lakas nang tibok ng puso nito. Habol man ang hininga ay agad na bumangon ito sa kinahihigaan upang kumuha ng maiinom na tubig sa mini bar ng kuwarto niya mismo. Sumipat din ito sandali ng tingin sa suot na relo matapos na makalagok ng tubig at alas kuwatro pa lamang ng umaga. At hindi pa natatagalan ang kaniyang pagtulog.

Pumikit ito at huminga ng napakalalim upang pakalmahin ang sarili at naglagay ng kaunting alak sa hawak na baso. At masamasahe ang kaniyang batok ay tumungo ito sa may biranda. Hawak-hawak ng kanang kamay ang dibdib ay napatingala ito sa kalangitan at buwan na tila may nais sabihin. Nangingilid ang mga luhang napahawak at yuko ng ulo ito sa salaming harang ng biranda.

" Bakit hindi kita makalimutan?" May hinagpis sa tinig ni michiru kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha. — " Bakit?!" Sigaw nito sa huli at ibinato ang hawak na babasaging baso. Sa mga pag-iyak at hikbi nito ay madarama ang labis na sakit.

———

Patungo sana ang kanang kamay at tagapayo ni michiru sa kaniyang kuwarto, nang madaanan siya nito sa gym area. Sandali itong sumipat sa relo at ala sais pa lamang ng umaga kaya't nagtaka ito kung bakit gising na agad ang amo, nang ganito kaaga dahil kahit malalim na ang gabi ay tinawagan pa siya nito at nakausap, kaya't alam niyang umaga na ito nakatulog.

The Successor [ BOOK 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon