CHAPTER 4

161 6 1
                                    

(THE PERSON you are calling is not available)

"Kainis naman oh! Bakit ngayon pa hindi makontak si Dad!"Naiiritang sambit ko nang dahil sa nakailang dial na ako sa number ni Dad pero hindi talaga siya makontak.

Gusto ko lang itanong sa kanya kung alam naba niya ang tungkol sa decision ng school na ilipat ako sa ibang school.

Ang nakakainis pa nito ay wala naman siyang nabanggit sa akin about this.

Hindi kaya pakana lang ito ng school or something? Na kunwari sinasabi nilang ipinag paalam na nila ako kay Dad pero ang totoo ay wala naman pala.

Grabii na talaga na iistress na ako as in! Ayokong lumipat ng school, wala talaga sa mindset ko ang lumipat but what the hell is going on?

"Here you go."

Napaigtad pa ako ng ibagsak ni Ms. Lucareth ang bag sa tabi ko.

"What is that?"Nagtatakang tanong ko.

"Your baggage Ms. Mackenji. Andyan na lahat ng mga kakailanganin mo."Hinihingal na tugon nito.

Agad kong binuksan ang bag para makita ang laman non. Maraming iba't-ibang klase ng damit na makapal at iba pa.

"Sino nagbigay nito? Hindi ko mga gamit yan. At tsaka ang init ng panahon pasusuotin niyo ako ng pang winter?"Atungal kong saad.

"Provide yan ng school. You probably needed those coat when you get there sa Academy dahil malamig ang lugar na iyon."Turan naman nito.

"Whatever! Anyway, have you talk to my Dad? Does he even know about this?"Naiinis na ako ng mga sandaling iyon.

Pero kalmado lang si Ms. Lucareth."He knows darling. Nong isang araw pa niya alam ang tungkol dito, marahil hindi niya lang sinabi sayo. For what reason? That...i don't know."

Halos hindi na maipinta ang mukha ko sa inis dahil sa sinabi ni Ms. Lucareth.

Kung ganon alam na pala ni Dad ang tungkol dito pero wala man lang siyang sinabi.

"We better leave now as soon as possible."Pagkwan ay bungad na saad ni Ms. Gimbala at nasa likod na nito si Axel bitbit ang kanyang bag.

Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagkabahala. Para bang wala lang sa kaniya ang mga nangyayari.

"Sige Ms. Gimbala. Ikaw na bahala sa mga students ko, be safe sa byahe."Ms. Lucareth.

Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Nagpaalam na din ako sa dalawa kong kaibigan na si Rena at Gazia.

Hindi ko alam kung kailan ko ulit makikita mga kaibigan kong yun pero i will make sure na palagi parin kami may connection.

Sana lang may internet doon sa pupuntahan namin.

Ilang sandali pa ay nakasakay na kami sa isang Bus na pang big time.

Kumpleto sa gamit. May apat na bed room na sakto lang sa isang tao.

May kusina pa, at may terrace din kung saan pwede ka magmasid sa madadaanan na tanawin.

May dalawang magkahiwalay pa na banyo. Parang style ng banyo sa Airplane pero napaka galante tingnan.

I didn't know na this kind of thing really exists.

Nakaupo lang ako sa upuan malapit sa bintana. Nasa unahan ko naman si Axel na mukang kanina pa tulog habang may earphones na nakasabit sa tainga niya.

And Ms. Gimbala naman ay nasa terrace nagbabasa ng libro habang kampanteng nagkakapi.

Hindi ko naman makita ang driver dahil naka sara ang pinto noon kaya ni anino hindi ko maaninag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEARLESS (THE HIDDEN CHILD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon