CHAPTER 2

896 21 1
                                    

BULAGTA! nagmistulang bulagta ang mata ko sa sahig dahil sa aking nasaksihan.

Halos hindi pa mag sink-in sa utak ko ang nangyare kanina. Madali akong tumakbo patungo sa cubicle at doon ko namataan ang pagtransform ng katawan ko back to normal.

Paglabas ko kanina mula sa cubicle ay bumungad sa akin ang gossip na nag leak sa kabuuan ng campus.

Kesyo daw may engkanto or kaluluwang nanakit kay prince at kung ano-ano pa.

Narinig ko pang wala ng malay tao si prince ng dinala siya sa hospital.

Nakikinig nalang ako sa mga chika ng mga kapwa ko estudyante.Mabuti nalang at  bumalik din sa dati ang anyo ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit iyon nangyare sa akin. Wala akong idea, sa buong buhay ko ngayon lang 'to nangyare.

"Uy bess! nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap ah."Bungad sa akin ni Rena.

Tahimik lang akong naglalakad at hindi ko siya inimik. Daig ko pa ang naputulan ng dila or natuyuan ng laway.

"Narinig mo na yong hot issue bess? may multo daw na nanggulpi kay prince kanina. Naku he deserve that, sana nga tinuluyan na siya ng ghost na yon eh. Karma yon ni prince dahil sa kayabangan at sa kawalang hiyaan niya. Tsk!"Saad ni Reni.

Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na matandaan ang mga iba niyang pinagsasabi.

Blanko ang utak ko at wala akong balak magsalita. Natapos ang last subject ko ngunit nanatili parin akong tulala.

Natagpuan ko nalang ang aking sarili na nakaupo sa may silya. Napagtanto ko na nasa cafeteria pala kami, dito ako dinala ni Reni dahil gutom daw siya.

Buong oras siya dada ng dada pero tahimik lang ako. Nagtataka na siya kung bakit diko siya iniimik.

Hanggang sa lapitan kami ni Gazia."Girls! parang may engkanto sa school na ito."Matamlay niyang bulong sa amin.

Inilapit naman ni Reni ang mukha niya kay Gazia upang tugunin ang bulong ni Gazia.

"Naku gaga! magpasalamat ka nalang kasi niligtas niya kayo mula sa prince na yon...dahil kapag nagkataon eh baka nandun na rin kayo sa hospital at walang malay."Bulong sa kanya ni Reni.

Tumango-tango naman si Gazia bilang pag sang-ayon."Paano ko siya mapapasalamatan?"Si Gazia.

Hinila ni Reni ang ulo ni Gazia saka inilapit ang bibig sa tainga nito at bumulong.

"Simple lang gaga, ibulong mo sa hangin."Si Reni.

Nangunot ang noo ni Gazia na para bang hindi kapani-paniwala ang suhestyon ni Reni.

"Sigurado ka ba dyan?!"Gazia.

Reni shook her head."Trust me, maririnig niya yon."May determinasyong sagot ni Reni.

Marami pa silang pinagsasabi na puro walang kwenta. Hanggang sa napawi ang atensyon nila sa akin.

"Anong problema nitong isa? ba't ang tahimik yata?"Nangalumbabang sambit ni Gazia.

Ginaya naman din siya ni Reni. Sa akin natuon ang nagtatanong nilang titig."Ewan ko rin ba.Kanina pa yan ganyan eh, walang imik."Si Reni.

"Naku! baka sinapian na siya ng multo...patay tayo dyan."Singit naman ni Gazia.

Inirapan ko na lang sila. Kung alam lang talaga nila na ako ang multo or engkantong tinutukoy nila. Subalit kahit mga kaibigan ko ang mga bruhang ito eh wala akong balak na ipaalam sa kanila ang mga nangyayare sa akin.

FEARLESS (THE HIDDEN CHILD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon