NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pagkirot ng aking ulo. Pikit mata akong bumangon at sa pagdilat ko mukha ni Dad ang sumalubong sa akin.
Nakaupo siya sa isang silya malapit sa gawi ko at siya'y tulog. Muli akong napahawak sa aking kumikirot na ulo.
Natigilan lang ako nang maalala yong nangyare sa. akin. Kaya lumikot ang mata ko sa kabuuan ng silid.
Nakapagtataka!
Bakit ako nandito sa kwarto ko? Kung ganon panaginip lang ba yong nangyare? Pero parang hindi eh,totoong-totoo talaga ang nangyare na yon.
Malinaw na malinaw sa alaala ko ang pangyayare. Pero paanong...
"Gising kana pala, sweetie?"Napalingon ako kay Dad na kagigising lang din.
Lumapit siya sa akin upang gawaran ng mahigpit na yakap.
"Thank god! I really thought na may masamang nangyare sayo, sweetie."May pag-aalalang saad nito.
"Dad? Anong nangyare? Bakit ako nandito sa bahay? Paano ako nakauwi?"Sunod-sunod na tanong ko.
Dumistansya siya sa pagyakap saka hinaplos ang aking palad.
"Wala kang natatandaan?"He asked.
"Um! Kasi Dad..."Pinutol nito ang pagsasalita ko.
"Natagpuan kang walang malay don sa gubat malapit sa school niyo. Buti nalang talaga at walang masamang nangyare sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka,sweetie."Namumulang mata nitong anito.
So it means! Panaginip lang ang lahat. Pero napaka imposible nun eh, parang totoo talaga yong nasaksihan ko.
"Eh Dad? Anong ginagawa ko don sa gubat?!"Tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko saka muling niyakap.
Ganito talaga kalambing sa akin si Dad. At pakiramdam ko mis na mis ko siya kaya napayakap din ako sa kanya.
"Yan nga ang itatanong ko sayo eh, kung bakit don mo pa naisipang matulog sa gubat."Anito.
"Po?!"My eyes widen in shocked.
"Natagpuan kang natutulog doon, buti nalang nga at naisipan ng gwardya na puntahan ang gubat nung mga oras na yon eh. Nakita ka niyang mahimbing na natutulog sa madahon na lupa! Pambihira ka talagang bata ka."
Mataman lang akong nakatulala habang sinasabi ni Dad ang mga katagang yon. Kahit ano pang sabihin niya ay hindi parin talaga ako makapaniwala.
Kung ganon, panaginip lang nga ang lahat ng yon.
"I'm sorry, Dad!"Sumiksik ako sa kanyang bisig.
For some reason it felt so relief knowing na panaginip lang pala yon. Akala ko talaga totoo na!
"It's fine! Basta don't do that again, okay?!"
"Yes Dad!"Turan ko.
"Now go back to sleep, sweetie! Maaga pa pasok mo bukas."Tinulungan niya akong humiga ng maayos.
"Dad? Akala ko ba hindi ka makakauwi ngayon?!"Tanong ko nang maalalang sinabi nito kaninang umaga na hindi siya makakauwi ngayong gabi.
Napakamot siya sa batok."I cancel my business trip after hearing what's happen to you a while ago.I came back just to make sure na okay kana!"
Tinubuan ako ng matinding konsensya. Dahil sa akin kaya naudlot nanaman ang business trip niya. Malaking pasan talaga ako sa buhay ni Dad, hindi na ako natatauhan.
![](https://img.wattpad.com/cover/128006884-288-k490113.jpg)
BINABASA MO ANG
FEARLESS (THE HIDDEN CHILD)
FantasíaNOT AS SAFE AS WHAT YOU THINK Simple lang ang aking buhay, tahimik at walang gulo. Subalit..., Akala ko ang buhay na tahimik at walang gulo na meron ako ay mananatiling ganun hanggang sa huli. Pero mali pala ako,marami pa pala akong hindi alam sa mu...