PROLOGUE

3.7K 50 2
                                    

"NASAAN ako? Anong lugar ito? Bakit ako narito?"Naguguluhang sambit ko.

Inikot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Wala akong ibang makita kundi ang puting usok na bumabalot sa kabuuan ng paligid.

Bigla akong nakaramdam ng  lamig. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa sobrang lamig.

Anong lugar kaya ito? panaginip lang ba ito? bakit parang totoong-too?

"CAMIL  MACKENZI"

Napakurap-kurap ako at biglang kinilabutan dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko.

"S-sino ka? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?"Kinakabahang tanong ko.

Ngunit hindi ko makita ang babaeng kausap ko, umuusbong sa kabuuan ng paligid ang boses nito na di ko matukoy kung saan nanggagaling.

"Camil Mackenzi, lumayo ka sa panganib. Layuan mo sila...!"Sambit ng babae.

Nagtaka na ako kung anong ibig nitong sabihin."What do you mean? What are you talking about?"Natataranta na ako."Sinong sila? Anong panganib ang tinutukoy mo? At sino ka? Nasaan ka?"Sunod-sunod na sigaw kong katanungan.

Muli kong nayakap ang aking sarili ng biglang humangin ng malakas.

"Camil Mackenzie?
Camil Mackenzie?"

Napaismid ako ng makilala ang pamilyar na boses,hindi ganon ang boses ng babaeng kausap ko kanina. Parang boses ito ni Miss Lucareth Vungangira.

"Camil Mackenzie? Are you with us?"Parang galit na boses nitong saad.

Napamulat ako sa aking mata at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kung nasaan ako. Napatingala ako sa galit na mukha ni Miss Lucareth.

"Now tell me, what were you doing in your house at night? May binabantayan kaba? Nagsusunog kilay kaba? Nagpa-party kaba? Or nanonood korean drama?Ginawa mo pang tulugan itong classroom."Nagsipagtaasan ang kanyang manipis na kilay at nakapamewang sa harap ko.

Napakamot ako sa aking batok, ibig sabihin isa lang panaginip ang nangyare kanina. Akala ko talaga totoong-too.

Muli akong napabaling kay Miss Lucareth na kanina pa nagsasalita habang ang mga classmates ko ay panay ang tawanan.

"Sorry po Miss Lucareth. Naidlip lang po ako."Niyuko ko ang aking ulo just to show her my apology.

"Naidlip kamo? Sinong pinagloloko mo? Ang lakas ng hilik mo kanina dahilan upang maudlot ang pagtuturo ko. I won't let you pass with this unrespectful manners of yours again. Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses mo na akong tinulugan sa klase? Is my teaching that makes you bored?"Halos magsitalsikan na ang kanyang laway sa mukha ko.

Muli nanaman nagsipagtawanan ang aking mga kaklase.

Hindi ko nalang silang pinansin. Inirapan ko nalang din si Miss Lucareth na hindi na maipinta ang mukha sa sobrang galit.

Marami pa siyang sinasabi na hindi naman lahat pumasok sa utak ko, lahat nagsilabasan sa kabilang tainga ko.

Minuto bago matapos ang sermon niya sa akin at kasabay nun ang pagtunog ng bell dahilan upang mag sipag dismiss kaming lahat.

FEARLESS (THE HIDDEN CHILD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon