CHAPTER 2:HIDDEN PARADISE

13 0 0
                                    

Sharia
*Pagkahatid sa akin ng babaeng nagpakilala na Mira sa dorm ko ay humiga agad ako sa kama. Malawak ang dorm ko kasya siya sa limang katao. Para siyang bahay na maliit May sariling bed, CR, kitchen,  dining area, and living area.
Bale pagpasok mo May isa pang door na papasukan mo and yun yung sa kwarto, tapos sa loob May cr na rin. Yung theme ng buong dorm ay black and white pero sa kwarto ko yung theme mismo is parang fairy. Ang kyut nga eh kasi May mga parang dust tapos May mga Naka bitin bitin na mga parang fairy mukha silang totong fairy na lumilipad ganun. Tapos May chandelier rin na sobrang ganda.
Meron ding mga lights na pedeng ibahing ang mga color, yung kulay ng kumot at mga unan ay pinaghalong purple and pink. Makulay ang buong kwarto, at napakagandng tignan.
Basta maganda ang kabuuan ng kwarto ko.

Nilapag ko muna yung maleta ko sa May closet area, May malawak rin kasi na kabinet dun tapos salamin para mag ayos tapos shoe rock ganun. Dahil pagod na ako diko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Paggising ko it's already 6am kaya naman bumangon na ako at naligo, inayos ko na rin ang mga gamit ko. Since konti palang ang mga gamit ko rito hindi ko pa nalalagyan yung ibang space, wala naman na akong ibang bibilhin pa since May mga gamit naman na dito kumpleto na rin. Siguro nga kailangan ko nalang na iba ganun. Meron din silang first aid kit na parang hindi naman nagagamit ng previous na gumamit dito kung meron man. Hindi ko kasi natanong kay Mira kanina kung May dati na bang tumira dito noon.

Sakto 8am na noong natapos ako sa pag aayos, kaya naman pumunta muna ako sa kitchen para maghanap ng pede kung lutuin, sabi kasi ni Mira May mga foods na rin dito, May cafeteria naman pero close pa ngayon sa pasukan pa daw mag bukas.
Inopen ko ang fridge para maghanap ng frozen foods. Kumuha lang ako ng tocino okay na yun sakin and nagsimula na akong magluto.

Buti nalang tinuruan na ako ni Nanay Nina, yung yaya namin sa New York kung paano magluto ng mga pagkain. Actually, si Nanay Nina ay wala namang pamilya. And kami na ang tinuturing niyang pamilya. Iyak nga siya noong umalis ako ng New York and nalaman niya na dito na ako sa Pilipinas mag aaral. Namiss ko tuloy siya.

After kong magluto kumain na rin ako kasi maglibot libot ako ngayon sa university.  Kailangan kong malaman ang pasikot sikot dito para hindi ako mawala kung sakali. Kawawa naman ako.
May mga mag aaral na rin na nandito, sobrang gaganda at gwapo nila. Iba yung puti nila at mga balat nila. Buti nalang kayang kayang sumabay ng skin ko Sakanila HEHE.

After kumain lumabas na ako. Pagpasok ko pa ng elevator para bumaba May nakasbayan pa akong dalawang girl. Magkaibigan ata sila kasi masaya silang nag uusap na para bang ngayon lang ulit nagkita. Sabay sabay kaming pumasok and sila na rin ang pumindot kung saang floor, same pala kaming pababa.

Girl, May balita ako. Alam mo bang May chika na kumakalat na nakita raw nila si Prince dito sa University noong isang araw? Mag aaral daw ata dito.
*Rinig kong usapan nila. Wala akong ideya kung sino ang tinutukoy nila pero parang nakakagulat yun na balita para sa kanila.

Halla totoo ba? Diba hindi yun pumapasok dito noon. I mean nag aaral naman siya dati pero hindi consistent kasi May inaasikaso daw siya.
*pahayag naman ng isa.

Kaya nga, pero parang biglaan naman kasi na papasok ulit siya eh ayaw niya daw sa school yun. Kaya nga home school siya noon eh. Pero okay na rin para May magbantay na sa University natin.
*Dagdag pa ng isa, nakikinig LNG ako s kanila since hindi ko naman alam kung sino ang Prince na Pinag uusapan nila.

Correct ka Jan girl, isa pa okay nang andito siya noh araw araw akong papasok pag meron siya lalo na kapag magiging cmate natin siya HIHI.
*Bungisngis pa nito.

Gaga, sa elite class yun malamang. Matalino siya eh malamang sa higher class yun. Wag kanang mangarap baka sa section 2 tayo or 3.
*Pahayag ng isa pa at May pa arte arte pa ng kamay, na parang feeling nasasaktan sa sinabi niya.

Sa sobrang ingay nila parang hindi nila napapansin na May kasama pa sila. Pero pansin ko sa kanila na ibang iba talaga ang kutis nila, medyo pale na maputi tapos yung mata nila eh kakaiba. Para silang vampire, wait totoo nga ba ang vampire?
Kung vampire sila edi sana nalaman na nila na human ako diba? Kasi sa movies eh naamoy nila ang dugo ng isang tao. Sayaka edi sana nag teleport nalang sila ganun, ganun sila diba?  Oa ko kung ano ano nalang ang naiisip ko.

Pagbukas ng elevator ay umalis din ako agad, sakto naman at magkakaiba na kami ng daan kaya medyo makakapag pahinga na ang tenga ko sa mga boses nila. Tawa kasi sila ng tawa tapos naririnig ko pa na May Naka fling  raw yung isa yung mahaba ang buhok na gwapong  lalaki tapos nag kiss pa daw. Yung isa kasi short hair. Kailangan ba bang sabihin yun hays. Inuna kong pinuntahan ang North wing, nandun kasi ang building namin and yung section ko. Pagkatapos naman sa cafeteria. Tapos pumunta rin ako sa gymn. Hindi naman ako nahirapan pa kasi yung map na binigay ni Headmaster ay nakaka wow siya. Astig astig eh.
Para siyang papel tapos pag naglalakad ako eh gumagalaw yung red dot kung saan ako naka pwesto ganun and saan pupunta. Astig nga eh d na ako mahihirapan Pang maglibot libot at syaka sa taas I type mo lang ang gusto mong puntahan ay lalabas yung direction nito basta sakop ng mapa.
High-tech sila dito mga mare.

Marami rin akong napuntahan, and May mga studyante rin akong nadaanan at nakasabay na nag libot libot. Pero d gaya ko ako lang ang May mapa. Nahihiya naman akong sumabay sa kanila kasi grupo grupo sila, May nag offer pa sa akin na samahan nila ako pero tumanggi ako kasi nahihiya ako.

So far, mga mababait naman ang mga na encounter ko dito pero hindi ko lang sure kasi konti palang naman kami nandito.

Noong pagod na ako ay umupo muna ako sa bench sa May ilalim ng malaking puno. Likod ito ng university sakop parin naman niya ito, pero walang mga studyante na napadpad dito kasi mga medyo sulok na ito and parang abandoned building natin.
Sa d kalayuan May gubat doon na Naka lagay sa mapa, danger zone. Tapos nakakatakot rin naman kasi masukal siya tapos baka marami ring wild animals dito.

Pero hindi ko alam kung bakit parang inaakit ako ng mga puno na pumasok doon, out of curiosity lumapit nga ako.
Maraming mga mataas na puno, tapos mga baging baging ganun. Since mahilig ako sa nature and ganto ginagawa ko noon naghanap ako ng daan na pede kong pasukan. Hinahanap ko sa mapa pero wala, hindi na sakop ng mapa sa loob nito at nawawala din yung location ko since nandito ako sa tapat ng gubat.

Kaya nilagay ko na lang sa bag ko yung mapa kasi wala naman nang silbe. Nagsimula na akong pumasok at natuwa nga ako kasi parang nagbibigay ng daan ang mga baging sa akin, alam mo yung humaahawi kapag dumadaan ako ganun yung mga baging pala  eh May buhay sila at nagbibigay sila ng daan kapag dadaan ka tapos babalik sila sa dati kapag nakalagpas Kana.

Hindi ko alam kung nasaan na ako kasi hindi ko na makita pa kung saan ako pumasok. Hinawi hawi ko ang mga nagtataasang nga halaman at sa huling paghawi ko ay bumungad sa akin ang isang malawak na lupa na punong puno ng mga bulaklak.

Bakit nila pinagbabawalan ang mga estudyante rito eh hindi naman pala nakakatakot ang lugar na ito. Napakaganda yan lang ang nasa isip ko.
Ang daming mga magagandang bulaklak ibat ibang  kulay. Pero hindi pa ito dito nagtatapos. May isang parang malaking pader na gawa sa mga baging.
Lumapit ako doon at hinawi ko ang mga tangkay ng mga puno na nakaharang, medyo makapal rin ang hinawi ko. At sa huling paghawi ko napahawak ako sa bibig ko.

Ang lugar na ito, sobrang ganda para akong nasa isang paraiso. May ilog sa gita na hindi kalakihan, Maraming mga nagliliparang mga paro Paro, mga ibon at tutubi. Sobrang ganda, ang linis rin ng tubig at gaya kanina maraming mga bulaklak.

It seems that it is a hidden paradise.

VAMPTINOUS UNIVERSITY Where stories live. Discover now