CHAPTER 5: COMFORT ZONE

8 0 0
                                    

SHARIA

Not all vampires have the ability to teleport and to read mind. We're just like humans rin naman pero ang pinagkaiba ay we have the superhuman strengths, mabilis gumalaw, matalas ang pandinig. And actually marami pa.

Mahabang paliwanag ni Luna sa akin. Marami na rin siyang nasabi about sa kanila and naiintindihan ko yun. Na excite nga ako noong nalaman ko na vampire sila tama nga ang hinala ko.

But, there's one vampire who had all the abilities, mind reading, telepathy, teleportation. All, basta lahat.

Medyo nalito pa ako sa sinabi niya dahil kung sino man yung tiyak na powerful siya.

Who?

Kunot nong tanong ko.

The Prince. Ang kapatid ko.

Nakangiti nitong sagot.

Prince?

Yup, actually he's my twin. Pero not the typical twin na magkamukha ganun ah. Whe're not identical, magkalayo kami ng itsura.

Explain nito sa akin .

Where's he?

Tanong ko, kasi wala naman akong nakikita na kasama niya now.

He's not here. May sarili kasi siyang bahay maliban sa palasyo, and dun siya nakatira. But, he's also staying here sometimes. And sooner makikila mo rin siya.

Pahayag ni Luna, ayaw niyang tawagin ko siyang Princesa eh kaya Luna Nalang.

I bet, he's completely different from you. Kung mabait ka and friendly the Prince May be serious, and anti social.

Pahayag ko pa, magaling kasi ako kumilala ng tao kahit hindi ko pa man ito nakikita basta May makita ako na family niya ganun like kapatid or kamag anak. Madalas din tama ang description ko.

Your right. HAHAHAHA
  
Natatawang saad nito sa akin.

He's actually cold hearted maging ako na kapatid niya hindi niya masyadong kinakausap kung magsalita napakatipid parang pipi. Masungit rin pag tignan but he's kind naman.

Nakangiting tugon nito sa akin, well wala naman akong pake kung ano ang attitude niya eh kasi I guess hindi rin naman kami magkakakilala.. or maybe yes.

Is he going to study here also?

Tanong ko curious kasi ako eh kasi parang siya yung Prince na usap usapan ng dalwang babae din sa elevator noong nakaraang araw.

Who knows. Ang hirap basahin ang gusto nun. He also hates school, kaya Home school siya dati. He also hates to socialize. Loner ang atake HAHAHA

Mahinang tawa nito. Gusto ko pa sanang malaman ang pangalan niya pero sakto naman na gabi na noong natapos na kaming nag usap kaya bumalik muna ako sa dorm namin. Next daw ipapakilala niya ako sa tatlong kasama niya sa bahay niya.

_

Kinaumagahan naisipan kong bumalik sa gubat na pinuntahan ko kasi na miss ko rin ang pumunta dun. Wala naman sigurong masama na mangyari pag andun ako. Pakiramdam ko safe ako pag andun ako.
Gusto ko rin sanang itanong kay Luna kung bakit cross out ang area na yun pero nakalimutan ko. D bale next nalang.

Naisipan ko rin palang kumain ng agahan doon dahil maaga ako pupunta, nasa 5:00am palang papunta na ako. At sakto sa huling hagod ko sa malaking baging ay ang pagbungad sa akin ng isang Magandang lugar.

At last, I'm here again.

Nakangiting bulong ko sa hangin, nagsimula na akong maglakad at umupo sa isang malaking puno. Iniwan ko muna doon ang basket kong dala na naglalaman ng pandesal, fried rice, tocino, at longanisa. Sayaka yung water ko na rin.

VAMPTINOUS UNIVERSITY Where stories live. Discover now